Chapter Three

1.6K 42 4
                                    

random dedication ... thanks for reading ^_^

***

Pink's POV

"Girls, powder room muna ako ha" paalam ko sa mga kaibigan ko habang busy sila sa pagsasayaw.

Nandito kas kami ngayon sa isang bar, sabi ni Ayen na bagong bukas raw ito kaya i-try daw namin. Hindi naman kami nagkamali kasi maganda ang ambiance, nakaka-enjoy at sobrang daming tao. Malapit na'ng mag 11 pero di pa rin kami umuuwi, ang hirap kasing pauwiin ng dalawang friends ko na sina Ayen at Tricia kaya tinawagan ko na lang si Kuya para tulungan akong mag explain kay Mama, di naman ako matitiis nun eh.

By the way, I'm Pinkie Mad --- I mean Lagdameo. Lagdameo na nga pala ako ngayon. Kung nagtataka kayo kung bakit dalawa ang apelido ko, ganito kasi yun. Hindi sa kasal na ako ha, baka akala niyo ... single pa po ako. Nawala daw kasi ako ng totoong mga magulang ko when I was 3 years old so lumaki ako bilang Pinkie Madrigal. Nakita raw kasi ako ng kinalakihan kong Nanay na umiiyak sa daan and since kamamatay lang nung anak niya nun ay kinupkop na lamng niya ako. Hindi ko rin naman daw alam kung saan ako nakatira. Ang tanging alam ko lang daw noon ay ang pangalan ko.

So after very long years ay bigla na lang may sumulpot na dalawang tao sa bahay namin and claiming na ank raw nila ako, may pinakita pa silang proof para mapatunayan na totoo ang sinasabi nila. Basta masiyadong mahaba, baka abutin tayo ng 48 years kapag kinuwento ko pa ang buong pangyayari.

Back to reality. I'm on my way to the powder room nung may nakasalubong akong lalaki, not to mention pero gwapo siya ha kaya lang mukhang lasing eh. Nakahawak kasi sa ulo at hindi pa maayos ang paglalakad, parang nasisilaw rin siya sa mga ilaw.

"E-excuse me, okay ka lang?" tanong ko sa kanya pero para namang di niya ako nakikita at naririnig.

"O-o- Oy Oy, teka lang" wala na akong nagawa nung tumumba siya sa akin.

Paano ako tatayo nito ngayon, nakadagan siya sa akin, buti na lang wala masiyadong tao. Pinilit akong alisin ang katawan niya sa akin at sa awa ng Diyos ay naalis ko naman. Pinasandig ko siya sa may bandang wall at tinapik-tapik pa ang pisngi niya.

"Hoy hoy okay ka lang, gumising ka nga" 

Mukhang di naman siya lasing kasi naamoy kong di naman siya amoy alak, sa katunayan ang bango-bango niya. Hinawi ko ang nakaharang niyang buhok sa may mukha niya at mas lalo kong nasilayan ang kanyang kagwapuhan.

Ang sarap mong gahasain ...

Hoy Pinkie ano ba ang pinag-iisip mo diyan. Kaw kasi gwapong nilalang, dinudumihan mo ang malinis kong pag-iisip.

"Oy Pink, nawala ka lang saglit, may boylet na agad" sinundan pala ako ni Tricia kasi ang tagal ko daw.

"Gaga, hindi noh. biglang nahimatay si pogi kaya namomroblema ako ngayon kung paano ko 'to gigisingin" tugon ko naman kay Tricia

"Ano ka ba girl, wag mo nang gisingin. Tara may malapit na Inn sa labas, gahasain na natin yan" loka-loka talaga 'tong si Tricia kahit kailan.

"Magtigil ka nga, buti pa samahan mo na lang akong akayin ito at magtanong-tanong tayo sa VIP Rooms kung kilala ba nila 'to kasi mukhang sa isa sa mg VIP rooms siya galing eh" sabi ko kay Tricia at ipinosisyon na ang sarili ko para akayin itong gwapong nilalang na 'to.

Kumatok kami sa first room at

"Oy Blue" sabi nung isang lalaki pagkakita niya sa amin.

Okay ... so Blue pala ang pangalan nito. Match na match pala kami eh. He's blue and I'm Pink, diba bagay na bagay.

"Pwedeng pakitulungan kami dito, ang bigat nitong kaibigan mo ha" angal ni Tricia kasi di man lang nag initiate yung lalaki na tulungan kami.

"Ay pasensya na. akin na" Wow ha ang bait, si Tricia lang ang pinaalis at ako pinatulong pa sa pagpasok sa loob.

"Hooh" sabi ko nung mapwesto na namin sa upuan yung Blue.

Lalabas na sana ako nung may narinig akong pamilyar na boses na tumawag sa akin

"Pink?" teka si Kuya ba yun?

Dahan-dahan kong nilingon kung sino ang tumawag sa akin at tama nga ako, si Kuya nga. Naku lagot na.

"Nagkakamali ka, hindi ako sa pink" iniba ko pa kunwari ang boses ko at dahan-dahang humakbang palabas.

"Pink ba't ang tagal m---" napaka wrong timing naman ni Tricia oh

"Tricia" tawag nito kay Tricia

"Oy Drake. Hello" wala na, buking na ako.

Sa dinami-dami ba naman ng lugar ay dito pa kami nagkita ni Kuya.

Oh No ... Ayaw na ayw kasi ni kuya na nagpupunta ako sa bar, okay lang daw gumala ako kahit saan, wag lang sa bar. Naku naman oh!!!

"Pink sumunod ka sa akin" sabi ni kuya sa seryosong boses at tuloy tuloy na lumabas ng bar.

Ako naman ay sumunod lang sa kanya, patay talaga ako nito kay kuya. Baka isumbong na ako kay Mommy.

I have a feeling na grounded nanaman ako dahil dito. Haays bahala na nga.

***

(c) xhinitoprinz 2013

Posted: July 2, 2013 11:46 PM

Limited Days to Love - [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon