Chapter Five

1.6K 30 7
                                    

Blue's POV

"Aray" napahawak ako sa ulo kasi naramdaman ko'ng kumirot ito

"Gising ka na pala Blue? Are you alright" napabalikwas ako ng bangon kasi nagulat ako nang makita ko sa Mommy at lumingon-lingon pa ako sa paligid, nasa kwarto na ako. Teka ... paanong nangyari?

"Oh ba't mukhang gulat na gulat ka diyan? The breakfast is ready, sumunod ka na lang okay" sabi ni Mommy

"Breakfast?" Ibig sabihin umaga na, tumingin pa ako sa may bintanan para lang kumpirmahin at sh*t nakakasilaw yung araw.

Napalingon si Mommy sa ginawa ko na parang nagtataka at pailing-iling na lang na lumabas ng kwarto ko.

Paano nga ba kasi ako nakauwi? Huling natatandaan ko ay parang bigla akong nahilo dahil sa ingay at parang may babae pa akong nakasalubong na hindi ko maaninag ng mabuti ang mukha. Baka naman hinatid ako ni Andrew, Kung ganoon? malamang ay alam ni Mommy na si Andrew ang kasama ko pero bakit di siya galit?

Aargh!!! Lalong sumasakit ang ulo sa pag-iisip kung ano ba talaga ang nangyari, tatanungin ko na lang si Mommy mamaya, makapaghilamos na nga lang.

Pagkatapos ko'ng maghilamos ay dumiretso na ako sa dining area, nagulat pa ako nung maabutan ko roon sina Jason at Aiko na kumakain.

"Yan na pla si Blue eh. Ayos ka na ba Blue, bigla ka na lang hinimatay kagabi eh" kinindatan pa ako ni Aiko para siguro ipahiwatig na sumakay na lang ako sa kung anuman ang sasabihin nila.

"A-ah Oo .. A-ayos na ako" umupo na rin ako at sinabayan sila'ng kumain

"Naku buti na lang talaga, si Jason at Aiko ang kasama mo. Kung hindi baka ano nang nangyari sayo" sabi ni Mommy sabay subo nung kinakain niya

So ibig sabihin ay sila pala ang naghatid sa akin sa bahay. Kaya pala hindi nagalit si Mommy.

Nakita ko namang napa-smirk si Jason at umiling-iling pa ang gago

"Oo nga po tita eh. buti na lang talaga KAMI ANG KASAMA niya" inemphasize ba ni Jason yung "Kami ang Kasama" at tumingin sa akin ng nakakaloko

"Oo nga eh, sige maiwan ko na kayo. I need to go to work. Blue ikaw na muna ang bahala sa mga pinsan mo ha." pagkatapos sabihin yun ni Mommy ay umalis na ito

"Bye tita" pahabol pa ni Aiko at Jason

"Kumusta Blue? Kinabahan ka ba? Pasalamat ka at mababait kaming pinsan kaya dahil diyan may bayad yung effort namin sa pagsisinungaling noh" pang-aasar ni Jason.

Sabi ko nga ba't may hihilingin nanaman itong kapalit sa pagtulong sa akin. Lagi naman siyang ganyan eh, gusto lahat ng effort rewarded.

Limited Days to Love - [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon