"BRYAN's POV"
Himala wala si nerd, wala akong kukulitin ngayon. Tss tong si Madeline parang tuko kung makakapit. 15 minutes na lang break na namin.
Yes! Recess na, dali-dali akong pumunta sa cafeteria at papunta sa chocolate fountain
at kung minamalas ka naman oh! natapunan pa ako ng marshmallow ng lalake! hindi niya ata kilala kung sino ako
"HINDI KA BA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO?!" singhal ko sa lalakeng kaharap ko!
"KILALA MO BA KUNG SINO AKO?!" hindi siya sumagot sa tanong ko tsk. takot to sakin kasi ako ang anak ng may-ari ng school.
"Hindi eh sorry ka na lang" pabalang na sagot niya, aba't tarantado to ah!
"AKO LANG NAMAN SI BRYAN CARTER TORRES" parang nabigla siya, SEE?! takot nga sakin to! ang lakas makabunggo takot naman pala!
"OH BAKIT NATULALA KA?! HINDI MMO INE-EXPECT NA AKO ANG MAY ARI NOH?" pagmamayabang ko sa kanya, dapat alam niya kung saan siya lulugar. Paalis na siya dahil sa kahihiyan siguro, ng bungguin niya ako, at may sinabi pa siya.
"Sa susunod pa ipapahiya mo ko, malalaman nila ang sikreto mo impostor" parang nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya. Ni hindi ako makapagsalita at makagalaw sa sinabi niya. Pero? paano niya nalaman?! Sino ba siya?!
Naglakad siya paalis ng cafteria at naiwan akong naguguluhan.
Nawalan na ako ng gana dahil sa nangyari kanina kaya ng nilandi ako ni Madeline ay sinigawan ko na siya.
"uhh Baby, I know you want more!" sabay halik niya sakin pababa sa leeg ko at ang kamay naman niya ay lumalakbay sa ibabang bahagi ng katawan ko. Kung walang nangyari kanina sa Cafeteria malamang gumanti na din ako ng paglalandi kay Madeline, pero wala talaga ako sa mood eh. Kaya nasigawan ko siya.
"Madeline Stop it!" Galit na galit na talaga ako hindi dahil sa kanya kundi sa lalakeng yun, hindi dapat nila malaman ang totoo, masisira ako at makukulong.
Iniwan ko si Madeline at naglakad papunta sa sasakyan ko pauwi ng bahay.
Nakakabadtrip, pag nalamam to ng buong school siguradong masisira ako.
"Oh Kevin, andito ka na pala. Kamusta naman ang pag-aaral mo?" Kakarating lang ni nanay mula sa pamamalengke, hindi niya alam ang ginagawa ko sa Eskwelahan. Nagtataka din ako at hindi nila alam na nagpapanggap lang ako.
"Maayos naman ma, wag kang mag-alala behave ako dun" Oo alam kong kasalanan ang ginagawa ko, pero para din kay nanay ang lahat ng to, dahil sa kagagawan ng mga Carter, napatay ang tatay ko. Magbabayad sila!
SCARLETTE'S POV
Maaga akong nagising dahil sa alarm clock ko. Pinatay ko muna iyon at bumangon na.
bago ako bumaba ay naligo muna ako at pinatuyo ko ang buhok ko.
bumaba ako upang kumain at naabutan kong nakahanda na ang mga pagkain at naroon na din ang aming mga kasambahay at ako na lamang ang hinihintay nila.
nakasanayan na naming lahat ang kumain ng sabay dahil ayaw namin ni Grey na kumain na dalawa lang kami.
"Ma'am halika na, kumain na tayo!" nako naman. bago siguro tong kasambahay. ayaw ko pa naman na tinatawag na ma'am pakiramdam ko kasi parang ang taas taas ko naman."Ano ka ba Lorraine! ayaw ni Young Lady na tinatawag na Ma'am"
saway sa kanya ni Yaya"Oo nga naman, Scarlette na lang" Sabi ko kasi sa totoo lang, ayaw ko naman talagang tawaging young lady oh Ma'am eh. Parang ang tands ko kasi!
BINABASA MO ANG
Captured my Heart
Teen FictionA not so ordinary girl and her extraordinary feelings.