Changes

6 1 0
                                    

BRYAN'S POV

Maaga akong nagising dahil meron akong gagawing mahalagang announcement.

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa garage at sumakay na sa kotse ko papuntang school. Tiyak maraming mga estudyante ang maguguluhan sa mga binago ko. 

Nakarating ako ng matiwasay sa loob ng school. Pagkababa ko dumiretso na ako sa Dean's office for making some announcements. 

Marami akong binago sa rules. Una, Pwedeng gumamit ng cellphone sa loob ng school maliban sa Classrooms, pangalawa, magkakaroon na ng uniform ang school. Pangatlo, I will hold the control and security systems and the Board will follow my decisions. Pangapat na pagbabago, those who will disobey the rules will be doing a community service for one month. Brats and Jerks will not be tolerated inside the campus, behaviors must be considered and no favoritism andlastly, those who will be caught doing bad or will ruin the image of MY school, will be automatically be expelled.

So it means that My words will become the rule of this school.

Nakikita ko kasi na ang mga tao dito ay parang walang disiplina sa sarili kaya hindi muna ako pumasok ng Dalawang araw para mag-obserba at pinag-aralan ko ang mga patakaran at may idinagdag ako sa mga patakarang ginawa nila Mommy. 

Pagkatapos kong mag-announce ay lumabas na ako sa office at dumiretso na sa Building namin.

Lahat ng mata nasa akin na dahil sa ginawa ko kanina.

Tinext ko sina Grey na magkikita kami sa Fountain ng school mamayang lunch dahil pag-uusapan namin ang pagpapagawa ko ng tambayan namin sa loob ng campus.

Agad naman silang pumayag sa binalita ko sa kanila. 

Matagal ko nang pinagplanuhan ang mga ito. Ngunit hindi ko pa sana gagawin ito ngayon kundi dahil sa impostor na 'yon napaaga ako ng uwi.

"Oy Bry, anong mahalagang bagay ang pag uusapan natin?" Tanong ng kararating lang na si Cole.

"Hintayin muna natin ang iba" yun na lamang ang sinagot ko.

"Asan na sila?" tanong niya. Papunta palang sina Keiffer dahil may inayos pa sila.

"Malapit na daw. Si Cody at Grey?"

"Papunta na din daw oh ayun na pala sila oh" sabay turo niya kina Grey, magkasama pala silang Lahat.

"Oh Bry anong atin?"  Sinimulan ko na ang pagpapaliwanag ng mga plano ko.

"So gusto mong magpatayo ng tambayan ng Grupo natin dito sa school?" tanong ni Calvin

"Oo kasi gusto ko na kapag free time meron tayong pupuntahan"
Meron na actually, kaya lang gusto kong malaman ang suggestion nila tungkol sa tambayan namin.

"Cool Brad! gusto ko merong Fridge, na may pagkain" Suhestiyon ni Zach

Nirecord ko lahat ng gusto nila at pinadala ito sa secretary ko.

"yun lang ba? Isesend ko na lahat sa secretary ko" mukhang wala naman silang idinagdag kaya sinend ko na lang sa secretary ko.

Natapos na kaming mag usap at nagsipagbalikan na kami sa aming mga klase.


SCARLETTE'S POV

Isang linggo mula ng maaksidente ako, balik eskwela na din ako. As usual nerd outfit pa rin. 

Meron namang nagbago sa schedule ko, hindi na ako makakapag-photoshoot since Tyron is not around at pinapagaling ko pa ng maigi ang mga sugat ko. 

Nakakahiya talaga kagabi, parang ayoko na magpakita kay Bryan. Hindi ko naman akalain na magkaibigan sila ni Grey kaya natulala ako ng bonggang-bongga!

Napag-alaman ko na nasuspend pala ang grupo ni Madeline, mabuti naman at magiging tahimik na ang buhay ko pansamantala.

salamat talaga sa nagligtas sakin. Utang ko ang buhay ko sa kanya.

Naputol ang pagmumuni-muni ko ng  may maka bunggo ako at nahulog ang mga gamit ko.  Akmang pupulutin ko ng naunahan na ako ng naka bangga ko.

"Sorry kuya ha, hindi kita napansin" Paghingi ko sa kanya ng paumanhin. Pag angat ng mukha niya, nabigla ako! Sa lahat ba naman ng makakasalubong ko si BRYAN PA?!

"Sa susunod tumingin ka sa dinaraanan mo" hala? anyare dun, kahapon sa bahay hindi naman siya ganun ah. 

"Sorry ulit kuya" sabay yuko ko. Gosh! ibang-iba to sa AlexandraV kong anyo. Nakakahiya talaga! kung sino pa ang gusto mong iwasan yun  pa talaga ang makakasalubong mo.

Umalis na siya ng hindi man lang lumilingon.  

naglakad-lakad ako papunta ng classroom. Hindi ko man lang namalayan na July na pala! hala one month na lang pupunta na ako sa States for that modelling gig. 

July na so it means exam week! Hala, wala akong mahihiraman ng notes. Wala naman akong kaibigan -____- 

Bahala na! Kinapalan ko na talaga ang mukha ko at nanghiram na ako ng notes sa kaklase ko. Akala ko tatarayan niya ako pero hindi. Sabi pa niya sa akin na hinihintay lang niya akong lumapit sa kanya kasi nahihiya din siyang lumapit sa akin.

Kung tutuusin ang cute-cute niya! parang siopao ansarap kurutin :D :D 

Mukhang magkakaroon na ako ng Kaibigan sana mag tuloy-tuloy na.


Captured my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon