Bryan's Day

9 1 0
                                    


SCARLETTE's POV

Dahil tatlong linggo na lang ang gaganaping contest ay araw-araw na akong nagpapa-practice ng Kantang kakantahin ko. Minsan hindi na ako pumapasok dahil wala naman akong gagawin sa school kundi mag practice kaya dito na lang ako sa bahay nag-eensayo.

Alam naman nila Tyron na sumali ako at tatlong linggo din akong nagpapahinga sa modelling. Yun nga lang si Bryan palaging kinukulit ako este si Alexa pala.

Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa kanila kapag nagkakasabay kaming kumain at nagiging topic nila si Alexa. halatang halata na gusto nga siya ni Bryan.

Sina Zach naman ay nakatingin lang sa akin kapag nababanggit ni Bryan si Alexa. Alam ko namang alam niya pero hindi niya ito sinabi. malaki talaga ang tiwala ko kay Zach kaya hindi ako nagdalawang isip na sabihin sa kanya ang lahat-lahat.

Gulat na gulat nga siya dahil akala niya nagbbibiro lang si Grey tungkol sa totoong ako.

Hindi siya makapaniwala sa nalaman pero nung kalaunan ay naniwala din. Dahil dito sila nagpa-practice at meron na din silang kwarto dito at hindi na sila umuuwi sa kanilang bahay naging close din naman kaming lahat maliban na lang talaga kay Bryan.

Ang suplado niya talaga.

Seryosong-seryoso sa pag-papractice pero minsan nakangiti ng mag-isa lalo na kapag nagpo-post ako ng picture ko na tino-throwback ko. Hindi ako sigurado kung ako ba ang dahilan pero parang ang sarap mag assume.

T-eka? wala akong sinabi ha, wala kayong nabasa okay?

Ayun nga. Halos gabi-gabi yun ang routine, kakain kami ng dinner lahat, pupunta sila sa music room ako naman sa kwarto ko upang mag practice. Hindi ko nga alam kung ano ang kakantahin nila. Hindi ko pa ba nasasabi kung ano ang kakantahin ko?

Surprise na lang para masaya!

nang magtext si Grey na pauwi na sila, dumiretso na ako sa kwarto at sinuot ang disguise ko. Nako tatlong linggo na akong nagtatago sa kwarto at parang alam ko na nahahalata nilang hindi ako lumalabas kaya napagdesisyunan kong isuot muna ng pansamantala ang disguise ko para naman makalabas ako ng kwarto.

Di nagtagal ay dumating na sina Grey. Dumiretso muna sila sa kanilang mga kwarto upang magpalit ng damit.

Pumunta ako sa kusina upang tignan ang mga pagkaing inihanda nina Yaya para sa aming merienda. napaaga daw ang uwi nila dahil kay Bryan. Speaking of Bryan hindi ko siya napansin kanina?

Ba't ko ba yun hinahanap? Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko eh.

"Ya anong inihanda niyo?" Tanong ko sa yaya ko

"Ah nagpahanda si Young Master ng maliit na Lechon para daw sa pulutan nila eh at saka nagpaluto ng 6 na iba't-ibang putahe at 3 klase ng desserts ayaw daw mag order namiss daw ang lutong bahay"

"ah ganun ba? ano ba ang meron?" tanong ko ulit. Hindi naman birthday ni Grey bakit merong maliit na handaan?

"Birthday daw ni Sir Bryan eh" tipid na sagot nito. Ah kaya pala medyo abala ang mga ksambahay birthday pala niya. Teka ano kaya ang magandang regalo? Nakakahiya naman no, bibigyan ko lang siya ng regalo tutal wala pa naman siya dito, makakabili pa ako.

Napagdesisyunan kong umalis para bumili nga ng regalo ng makasalubong ko si Zach.

"Uy! Birthday pala ni Bryan, anong magandang ireregalo?" tanong ko sa kanya nahihiya akong magtanong kay Grey baka tuksuhin pa niya ako

"I-followback mo na lang, okay na yun sa kanya" tange! oo nga pala hindi ko siya pinapansin sa Twitter, sa instagram lang.

"Sige mamaya pero ano kaya ang gusto niya?" pangungulit ko.

"ang alam ko may gusto siyang relo eh, kaso ayaw niyang bilhin kasi tinatamad siya" Pinakita niya ang litrato ng relo at medyo may kamahalan nga pero kaya naman no!

Napagisipan kong bilhin na nga 'yong relo para naman ay may maibigay ako sa kanya kahit konti. Nang mabili ko ang relong yun, umuwi na ako sa bahay at naabutan ko na marami nang nakahanda sa long table at mukhang abala sila dahil mukhang darating na si Bryan.

"Guys, bilisan na natin nag text na si Grey malapit na daw sila" sigaw ni Zach mula sa taas at dali-daling bumaba at nag-abang sa kanila sa labas.

"Oh yung mga regalo niyo itago niyo muna ha. Act normal parang walang nakakaalam na birthday niya ngayon" paalala ni CAlvin

"O siya! pumunta na tayong lahat sa sala at kunwari nanonood tayo ng movie" sabi naman ni Kieffer

Nanuod kami kunwari ng movie at hindi nagtagal dumating na nga sina Grey

Pagkapasok nila at ng nakita kami ni Bryan na nanonood ng movie parang bumagsak ang mukha niya, habang ang mga kaibigan naman niya ay parang pinipigilan nila ang kanilang pag tawa.

"Oh Bry, andito ka na pala" sabi ni Cole

"Pakikuha nga ng mga pagkain sa dining Bry" sabi naman ni Cody

"TSS, kararating ko lang eh" Pagmamaktol nito. Pero umalis at dumiretso naman ito sa dining. Tumakbo kaming lahat sa likuran niya at ng makita niya kung ano ang nasa dining nabigla siya

"HAPPY BIRTHDAY BRYAN!"Sabay-sabay naming sigaw at tumunog naman ang happy birthday song para sa kanya

Napanga-nga siya sa surpresa namin. Pero halata mo naman sa kanya na masaya siya.

"Salamat mga kupal!"

"Blow your cake na" Pabeking saad ni Cody

"Hoy Cody! baka matuluyan ka, hindi kita mapapatawad" sabi ng kakambal niya. Napatawa nalang kami sa pinangagawa ng kambal at nakigulo pa sina Calvin at Kieffer

"Oh make a wish bro" sabi ni Zach

"I wish na sana mapansin na ako ni Alex at sana magkita kami ulit" Napatingin naman sa akin si Grey at Zach. Napayuko na lang ako.

"Mapapansin ka din nun at magkikita din kayo" Saad ni Zach na tumutingin sa akin.

"Tara na guys! kain na tayo" paanyaya ni Grey sa amin

Nagsimula na kaming kumain at si Bryan panay ang tingin sa cellphone niya. Parang may hinihintay na kung ano. Napatingin ako sa cellphone ko at maraming notifications sa twitter ko na nakamention ako at si Bryan mula sa mga fans niya na sana raw mapansin ko siya.

so I tweeted "Hi, @Carter_BryanHappy birthday! :*" at finollow ko din siya sa twitter.

Makalipas ang isang minuto napasigaw si Bryan at Napatalon.

"YES!"pinakita niya ang tweet ni "Alexa" sa amin at napatawa nalang kami. Nako Bryan kapag nalaman mo ang totoo baka himatayin ka.

Pagakatapos naming kumain ay pumunta kami sa sala para sa mga regalo. Binigay ko ang regalo ko sa kanya bago ako umakyat. Pagkabigay ko ng regalo ko ay hinabol niya ako at hinila niya. Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

Yumuko na lang ako at iniwasan ko ang tingin niya

"Salamat Scarlette" yun lang ang sinabi niya at binitawan niya ang kamay ko.

"Ah walang anuman" tumalikod ako sa kanya at hinawakan ko ang dibdib ko.

Peg-ebeg ne be ete?

***

Short update because today is a local holiday

Updated: 2/11/2016

i'd be back by March

Follow me on twitter: @zhellefeliciano

Follow me on instagram: @imaizhanoelle




Captured my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon