Maaga akong nagising at nagsimula ng mag ayos, dahil kailangan ko ulit suotin ang disguise, hindi naman ako nahirapan dahil ito na nakasanayan ko. Tinulungan na ako ni Caroline na suotin ang mga ito. Inis na inis siya dahil ginising ko nanaman siya ng napaka-aga. Kesyo maganda daw ang panaginip niya.
"Ano ba naman yan Scar?! Ang ganda ng tulog ko eh!" gulo-gulo pa ang mukha nito.
"Eh sorry! Alam mo namang maaga pa ko diba?! matulog ka nalang ulit pagkatapos nito"
"Eh?! hindi na maibabalik ang nasira mong panaginip ko! hay anubayan! hanggang sa Panaginip na nga lang eh" kita mo to, ipagpalit pa naman ako sa panaginip niya.
"eh sorry na! eto naman oh!" pangungulit ko sa kanya.
"osiya sige! maligo ka na!"
pumasok na ako ng banyo at nagsimula ng maligo.
Makalipas ang 20 minutong pagligo, lumabas na ako ng banyo at pumunta sa walk-in closet ko pa suotin ang damit na inihanda ni Caroline kagabi.
Nang tapos na ako, binalikan ko si Caroline na nakatulog ulit at tulo-laway pa, hindi ko muna siya ginising at kinuha ko ang aking cellphone at kinunan siya ng Litrato, gagamitin ko itong pang Blackmail Bwahahahahaha
Nang tapos na akong kumuha ng nakakahiyang litrato niya ay ginising ko na siya, tinapik ko siya ng mahina sa pisngi pero hindi pa rin gumising ang loka-loka.
"Etong sa'yo" mahinang bulong ko
Inalog-alog ko siya para magising ang kanyang diwa.
"CAROLINE! Gising!" malakas na sigaw ko sabay alog sa balikat niya.
"What the Heck Scarlette! gising na ako oh!" Parang nahimasmasan siya sa ginawa ko.
"Tara na tapusin mo na to ng makaalis na ako, at pakisabi mamaya kay manang na hindi na ako kakain, mamaya na lang"
"sige na nga! oh halika na, enebenemeyen, ang hirap mong papangitin"
"sus dalian mo na nga jan" at ginawa niya ang kanyang dapat gawin, mabilis siyang kumilos at madaling natapos ang pagbabagong anyo ko.
natapos kami ng 6:15 ng umaga, 7:30 pa naman ang pasok ko pero maaga akong umaalis ng bahay para walang makaalam o makakita saakin na nasa isang mansyon ako nakatira, dahil ang alam nila, nerd na pulubi ako.
naunang lumabas sina butler George at siniguradong walang taong dumadaan sa kalye. Nang masigurado niya ay tinawagan niya ako, at pwede na daw akong lumabas. Hindi ko na naabutan si Grey.
Lumabas ako ng bahay at nagsimulang maglakad, ang aming bahay ay nasa exclusive village at may madadaanan pang kanto papunta sa school. Sinabihan ko naman sila na wag ng sumunod papunta ng school.
Nang dumaan ako sa kanto, may nakasalubong akong mga estudyanteng nagti-tsismisan. Hindi naman sa nakikinig ako sa pag-uusap ng iba pero narinig kong nabanggit nila si AlexandraV.
Napahinto ako saglit at binagalan ko ang pagalalakad ko. Naintriga talaga ako ng banggitin nila ang pangalan ko, este ni AlexandraV pala.
"Uy friend, meron akong bagong issue ng Ca-Vouge (magazine po yan) si AlexandraV yung cover"
"patingin nga friend!"
"Ang ganda niya noh?! Nako napaka-perpekto naman ng mukha niya"
Lihim akong napangiti sa narinig ko at pinagpatuloy ang paglalakad ko, 6:30 ng umaga nang makarating ako sa eskwelahan at dumiretso na ako sa aking tambayan.
BINABASA MO ANG
Captured my Heart
Novela JuvenilA not so ordinary girl and her extraordinary feelings.