SCARLETTE'S POV
Nakakainis kasi balik klase na naman at makikita ko na naman yung mga witches na 'yun tapos na pala ang suspension nila. Mabuti na lang talaga at may kaibigan na ako pero hindi ko alam kung magtatagal ba ang pagakakaibigan namin pag nalaman niya ang totoo.
Napakabait na tao ni Mae at hindi niya deserve ang lokohin. Kaya tuwing kinakausap niya ako tungkol kay AlexandaraV parang naguiguilty ako. Hindi ko siya matignan sa mata ng matagal dahil lahat ng sinasabi ko ay puro kasinungalingan.
Matapos ang Isang linggong trabaho at maiksing bakasyon eto na naman ako, naka nerdy disguise papunta na ng school. Hindi ko na inaabala si Carol sa pagtulong sa akin dahil alam ko naman na may iba pa itong ginagawa. Mabuti na nga lang at Naka home-school program sila ni Tyron kaya hindi sila nahihirapan.
Mabuti pa nga sila, hands on sa business sa napakamurang edad ay napalago nila ang mga ito.
Papunta na ako ng school at tinext ko na si Mae na magkita kami sa classroom. Ibibigay ko sakanya ang Magazine na ishinoot namin sa States bilang regalo ko sakanya. Nilagyan ko pa ito ng pirma ko. Tiyak na makikilala nito agad si Bryan.
Mabuti na lang at hindi nailagay ang litrato namin na hinalikan ako ni Bryan. Laking pasasalamat ko kay Manager sa pag intindi niya sa kagustuhan ko. Kinukulit daw siya ni Bryan tungkol sa akin. Kawawang Bryan, wala siyang makukuhang impormasyon tungkol sa manager ko. Hindi ko ibinigay ang totoo kong pangalan sa kanila. Kaya kilala lang nila ako bilang AlexandraV.
Pagdating ko sa School dumiretso na ako kaagad sa classroom dahil nag text na sa akin si Mae na kanina oa daw siya dumating at ayaw niyang mag hintay kaya binilisan ko ang aking lakad papasok ng classroom.
Pagdating ko ay sinalubong kaagad ako ni Mae ng yakap at sigaw. Sinigawan niya ako dahil na miss daw niya ako. Tinawanan ko lang siya at ibinigay ang Magazine. Pagkakita niya ng laman nito. Nanlaki ang kanyang mata at niyakap niya ako ng Mahigpit.
"Thank you Bestiee!" Halos hindi na ako makahinga sa pagyakap niya. Tuwang-tuwa daw siya dahil hindi pa daw ito nai-release. Tinanong niya ako kung saan ko ito kinuha at ipinaliwanag ko na sa kapatid ko nanggaling iyon dahil kaibigan niya si Bryan. Hindi naman siya nabigla dahil alam naman niya na meron akong kapatid. Ang ikinabibigla niya ay, ang kapatid ko si Grey Houffman.Kilig na kilig siya ng makita niya ang individual shots ni Bryan. Pero hindi daw niya ito ipagpapalit sa iba. Alam ko naman eh. Sinabi din niya sa akin na sa March 20, 201* daw sila magpapakasal at invited daw ako. Kasama ang pamilya ko. Pumayag din ako dahil magkaibigan naman kami.
Pinaliwanag ko sa kanya kung bakit magkaiba kami ng apilyedo. Ang sabi ko ginagamit ko Middle Initial ng Mommy ko at si Grey naman ginagamit naman nito ang Middle Initial ng Daddy namin.
Hindi ko mabilang kung ilang beses na siyang nagpasalamat sa akin. Sa magazine na iyon. Ang sabi ko sa kanya walang problema dahil mag bestfriends naman kami.
Dumating na halos lahat ng kaklase namin at nung dumating sina Madeline halos patayin niya ako sa titig niya. Akala niya siguro ay masisindak niya ako kaya tinitigan ko rin siya. Hindi siya makatiis kaya siya ang unag umiwas ng tingin. Hah! akala niya magpapaapi pa ako? No way!
kinalabit ako ni Mae dahil parang mapapatay ko na ng tingin si Madeline. Inialis ko ang tingin ko sa kanila at humarap na sa Whiteboard.
Dumating na din sawakas ang aming adviser na si Mr. Ryan Bolivar. Ibinalita nito na sa susunod na buwan ay magkakaroon ng Intramurals kasama namin ang College Department. Ito daw ang kagustuhan ng May- Ari which is no other than Bryan.
"Okay Class, kailangan nating pumili ng representative sa Musical Contest. Isa sa Vocal Solo Pop, Classical at isang Pares sa Vocal Solo Duet."
Nagsuggest lang ng nag suggest ang mga kaklase ko hanggang sa kailangan nilang pumili ng Vocal Solo Pop.
BINABASA MO ANG
Captured my Heart
Teen FictionA not so ordinary girl and her extraordinary feelings.