Badly Hurt

12 2 0
                                    

SCARLETTE'S POV
I was beaten up by Madeline's Group and thanks to this mystery guy who saved me.

Pagkagising ko ay narito na ako sa Hospital at may babaeng natutulog sa couch.

tinawag ko ito.

"Miss! Miss!" nagising naman ito at nagkusot ng Mata.

"Ah gising ka na pala Miss" ngumite ito.

"Matanong ko lang? Paano ako nakapunta dito"

"ah dinala ka ni Sir dito" kaswal na sagot nito.
Sinong sir kaya? Ang laki ng utang na loob ko sa kanya.

"Anong pangalan niya Miss? gusto ko sanang magpasalamat eh" Sabi ko na lang.

"Ah Ma'am sabi niya confidential po eh pero makakarating po yung pasasalamat niyo" ngumiti ulit ito.
Ang bait naman niya. Sana makilala ko kung sino siya.

Sabi ng Doctor kailangan ko na lang magpahinga, at mawawala ang mga sugat kong to.

nung hapong iyon, nakalabas na ako mg ospital at sumakay ng taxi pauwi ng bahay. Bayad na pala ang lahat ng bills ko.

pagdating ko sa bahay, ang Galit na Grey ang nakasalubong ko. Pero ng Makita niya ang kalagayan ko, nanlambot ito.

"Sinong may gawa nito sa'yo?!" Galit ngunit mahinahong tugon nito

"OMG SCARLETTE! Anong nangyari?!" Gulat na gulat si Carol ng makita niya ako. Alam kong pinag-alala ko sila. Niyakap ko nalang silang dalawa ng mahigpit.

"Tell me Scarlette! sinong may gawa nito! I swear to God! hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa'yo"

"hindi ko kilala Grey" nagsinungaling ako, hindi ko gusto na madamay sila. Ako ang haharap sa Grupo ni Madeline in time.

"malalaman ko pa rin yan Scarlette!" at umalis na ito.

Naiwan kaming dalawa ni Caroline na punong puno ng pag-aalala ang kanyang mukha.

kinwento ko lahat-lahat ng nangyari kay Caroline, and I swear nakakatakot ang mukha niya.

"I'm gonna kill that bitch!" Galit na galit na saad ni Carol

"Akong bahala sa kanya!"

"Hindi ka makakapag photo shoot nito. Wag ka na ring mag post ng picture mo sa instagram." paalala nito.

Mabuti na lang sa August pa ko pupunta ng states may isang bwan pa ako para magpaganda ulit.

"You really need to have a minor operation for your scars, you know that your skin is important right?"
tama si Caroline, pero pagbabayarin ko ng malaki sina Madeline sa ginawa nila sa akin. That time, they would probably go down.

Hindi muna ako pumasok ng mahigit isang linggo, at nagpadala ng sulat si Grey sa school. Excused ako sa lahat ng klase.

Binisita naman ako ni Tyron at katulad ni Carol, galit na galit din siya.
Hindi siya nag tagal dahil may inasikaso pa siya.

Wala si Carol Dito at wala akong makausap kasi busy ang lahat dahil pupunta daw dito ang mga kaibigan ni Grey.

kaya natulog na lang ulit ako.
Nagising ako ng may kumatok sa pinto ko.

"Scarlette bumaba ka na daw andito na mga kaibigan ng kuya mo" O-okay? text ko muna si Grey na wag sabihin na ako si AlexandraV

"Sige ate bababa na ako" So I decided to retain my nerdy look. nako mabuti naman at hindi nasira yung disguise ko.

Naligo muna ako at tapos ko maligo sinuot ko na naman yung disguise ko.
at bumaba na.

Nakita ko si kuya na may kausap na mga lalake. Mukhang napansin ako ng isa at kinalabit niya si Kuya.

Captured my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon