ILYS 9: She's Curious

168 14 1
                                    

Pagkapasok ko sa loob ng classroom, agad akong umupo sa armchair na katabi ng kay Eros. Minamasdan ko siya habang indulged siya sa pagbabasa ng isang magazine.



Nangalumbaba ako habang nakatunghay pa rin sa kaniya. Muli na namang sumagi sa isipan ko si Prince. What the hell? Anong problema ng utak ko at bakit hindi siya mawala sa isip ko?



Save by the bell si Ian. Pero it's not easy for me to just drop the urge to know who's the guy behind Prince, The Stalker. I'll ask him again.



Tumikhim si Eros.



"Lee," tawag nito sa boses na malalim.



"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.



"Sinong iniisip mo? 'Wag kang magkakamaling sabihin na akong iniisip mo kasi ngayon pa lang sinasabi ko na sa 'yong 'di tayo talo."



"Gaga ka. Ba't naman kita iisipin? Lol."



"Eh ba't tulala ka riyan? Nabighani ka na naman sa kagandahan ko, ano?"



"Conceited."



"I'm just stating a fact here."



"K. Fine. May assignment ka na sa Chemistry?" Sabi ko sa malambing na tinig.



"Meron."



"Patingin naman ako, iko-compare ko lang kung tama ba yung sagot ko. Gusto kong malaman kung tutugma ang sagot ko sa sagot ng isang henyo." Mas lalo ko pang pinalambing ang tono ko.



Nagsalubong ang mga kilay ni Eros. "Iko-compare mo o kokopyahin mo?"



Ngumiti ako nang pagkatamis-tamis.



"Lalo mo lang pinatutunayan kung gaano ka katalino, Eros. Sige na, pakopya na, dali!"



Iiling-iling na inilabas niya ang Chemistry notebook niya. Masiglang kinuha ko iyon.

I Love You, Stalker!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon