ILYS 19: Your Song

97 11 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lee

Bakla! Nasan ka na? Bored na ko dto.





Matapos ko i-send kay Eros ang text na 'yon, ibinalik ko sa libro ko ang atensiyon ko. Uwian na pero wala pa rin si Eros dahil ipinatawag siya ng adviser ng SSC. Sabay daw kami uuwi ngayon. Nasa library ako ngayon habang hinihintay siya.



Ilang linggo na rin ang nakalipas mula noong Field Trip namin sa Laguna. Tapos na rin ang last quarter exam kaya't next week, bakasyon na. Pero ito na yata ang bakasyon na hindi man lang ako nae-excite.



Simula kasi ng kumalat sa social media yung picture namin ni Ian na natutulog sa bus, naging masalimuot na ang buhay ko. Lagi na rin akong pre-occupied. Hindi ako makatambay sa cafeteria, lalong lalo na sa open field.



"Attention-seeker!"



"Flirt."



"Famewhore."



Ilan lang 'yan sa bansag sa'kin nung mga fans ni Ian. Kahit sa'n ako mapunta, pinagtitinginan ako. Alam ko namang famous talaga 'ko noon pa. Famous ako kasi ako yung pinaka-pasaway sa section B pero duh! Nagbabagong buhay na kaya ako!



At hindi ako famewhore! Bitch please.



Kasalanan ko bang ako yung nakatabi ni Ian sa bus? Krimen na ba ngayon na lumapit sa idol nila? Oo, hearththrobs ng school sina Ian, Ed, JB, at Kenneth pero kasalanan ko bang naging ka-close nila ako? Friendly ako pero hindi ako attention-seeker!



Hindi ko rin in-expect na mararanasan kong maging kagaya ng mga bida sa mga cliché na storya mapa-tv man, big screen, o sa nobela. Me against the world ang peg ko ngayon.



Mabuti na lang, yung SSC at yung section B, hindi nila 'ko hinuhusgahan. Normal pa rin ang pakikitungo nila sa 'kin. Pero yung mga nasa ibang year levels, grabe maka-husga, hindi pa naman nila ako kilala. That's why, humanity nowadays really sucks.

I Love You, Stalker!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon