ILYS 32: Bored

59 8 1
                                    

Dalawang araw na 'kong 'di pumapasok. Simula nung nangyari nung Lunes, hindi ko pa rin nakakausap yung mga kaibigan ko tungkol sa nangyari sa akin. Ayoko pa kasing magkwento. Kinabahan kasi ako sa paalala niya.


"...Sa oras na malaman ng iba 'tong nangyari ngayon, tandaan mo, hindi lang ikaw ang masasaktan."


Gusto sanang um-absent ni Ella para samahan niya 'ko sa bahay. Wala kasi si Kuya Marc kasi may convention siyang pupuntahan kasama ng employer niya sa bagong firm na pinagtatrabahuhan niya.


Pangatlong araw ko na 'tong nagmumuni-muni lang sa bahay. Maghapon akong nakahiga. Tatayo lang ako kung magugutom ako, maliligo, o na-ccr. Pero bwisit lang kasi nagka-trauma yata ako sa cr. Sobrang bilis ko lang maligo. Dati, kaya kong magbababad sa bath tub nang hanggang isang oras. Ngayon hindi na. Kung uubra nga lang sana yung wisik wisik na lang kaso eew sa feeling eh.


'Pag uwian na sa school, dumadaan dito sa bahay yung mga kaibigan ko. Nago-overnight din dito sina Eros at Ella para samahan ako. Kakamustahin nila ko. Gusto nilang magtanong kung anong nangyari nung Lunes pero dinidismiss ko na agad yung topic. Baka totohanin nung psycho yung banta niya. Mahirap na.


Alas-otso pa lang ng umaga. Bored na bored na 'ko. Gustong gusto ko nang pumasok pero nahihiya ako. May malaking pasa kasi ako sa pisngi. Pati sa braso ko. Ang lalim na rin ng eyebags ko. Ayoko kasing matulog. Pag natutulog ako, naiisip ko lang yung pagmumukha nung mga fangirls ng apat na bumugbog sa'kin. Bangungot.


Narinig kong may nag-door bell. Napilitan akong tumayo para tingnan kung sino 'yon.


Pagkabukas ko ng pinto, tumambad sa harapan ko si Kenneth.


"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko. "May pasok 'di ba? Ba't hindi ka naka-uniform?"


"Um-absent ako."


"Hala ka, bakit?"


"Nami-miss na kita eh."


Pinapasok ko siya. Sinenyasan ko siyang hintayin ako sa salas kasi kukuhanin ko yung mask ko sa kwarto ko. Ayokong makita niya yung miserable kong hitsura ngayon.


Nang makita niyang naka-mask ako, tumawa siya. "Ba't naka-ganyan ka? Wala ka namang nakakahawang sakit 'di ba? Wala rin naman akong dalang virus eh."


"Ihh. Ang pangit ko eh."


"Nakita ko na. Hindi naman eh. Alisin mo na 'yan. Maganda ka pa rin sa paningin 'ko, Lee."


Lumapit siya sa'kin tapos inalis niya yung mask ko. Ang lapit niya sa'kin. At sheet of paper lang naman, ayan na naman po yung ngiti niya. Tinalikuran ko siya. Pumunta ako sa kusina.


"Ba't ka um-absent? May quiz daw sa English ngayon ah." Kinuha ko yung pitsel ng lemonade sa ref. Nagsalin ako sa baso tapos inabot ko sa kaniya.

I Love You, Stalker!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon