ILYS 1: My Princess

490 20 0
                                    

Mula sa pwesto ko dito sa isang fast food chain, pinanonood ko ang paglapit ni Eros, ang gwapong gwapo kong best friend. Lumapit siya sa table ko sabay dampot sa ilang piraso ng french fries.



Tinapik ko yung kamay niya.



"Madamot!"



"Ano ba?! Bakit nakikikain ka? Bumili ka nga ng sa 'yo." Nanggagalaiting sabi ko nang bigla na lang siyang sumipsip sa straw ng softdrink ko. "Kadiri ka! Nilagyan mo ng germs yung softdrink ko!"



"Ang arte mo. Best friends tayo 'di ba? Ba't diring diri ka?"



Hindi ko na lang siya pinansin. Um-order ako ng isa pang value meal tapos binigay ko sa kaniya yung binawasan niya.



Hindi ko mapigilan na hindi siya pagmasdan. Si Eros na nga yata ang Pinoy version ni Kim Soo Hyun na isang sikat na Korean Actor. Kung hindi ko lang alam kung ano ang sikreto niya, malamang, crush ko na siya.



"Kanina mo pa 'ko tinitignan, Lee." Kitang kita ko kung paano tumaas ang isang kilay niya na kasalukuyang nakaupo sa tapat ko.



Sa mga oras na ito, kung sino mang makakarinig at makakakita sa amin, aakalain sigurong may relasyon kami. Marami ngang nagsasabi na "perfect couple" daw kami sa eskwelahang pinapasukan namin.



As usual, ngiti lang ang isinasagot namin pero deep inside, natatawa talaga ako. Si Eros, madalas na napapangiwi habang tutop ko naman ang bibig ko para hindi magkaroon ng tunog ang paghagalpak ng tawa ko.



"Assumera." Sabi ko.



Inirapan niya 'ko. 'Yon ang reaksiyon na nagpapaalala sa akin sa tunay na kulay niya. Bukod kasi sa nandidiring ngiti ay wala na siyang ibang gestures, mannerisms, o kahit ano na magpapahiwatig sa itinatago niyang pagkatao. Husky ang boses niya, buong buo. Sinadya niya raw na huwag baguhin ang pitch para mas mapadali ang pagpapanggap.



"B.I. ka talaga! Ba't ka nag-cutting? Dinamay mo pa 'ko."



"Ang boring eh. Alam mo namang Mental Abuse to Humans yung subject kanina!" Inis na sabi ko.



"Okay na rin 'to. At least, makaka-sightsung tayo ng mga fafa!" Nag-high five kami.

I Love You, Stalker!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon