ILYS 15: Make Up Your Mind

131 14 0
                                    

Habang yakap yakap ko si Pikachu, yung stuffed toy na bigay ni Prince, este, Gab, hindi ko mapigilan na mag-isip kung sino ba talaga siya. He's been clouding up my mind. Oh that freak!



"Lee, ano? Nakikinig ka ba? Kokonyatan na kita jan eh."



"Bakit ba Eros? Anong problema?"



"Sasama ka ba sa Field Trip o hindi? Kasi kapag hindi ka sasama, hindi na rin ako sasama."



"Hala, oo nga pala. Malapit na 'yon. Nawala sa isip ko. Siyempre naman sasama ako."



"Buti naman. Gusto ko nang makalanghap ng sariwang hangin. Yung malayo sa polusyon ng Maynila."



Yung walanghiyang Eros na 'to, heto na naman at nakikialam sa kikay kit ko. He had just put my fake eyelashes on without my permission. He even used my glam red matte lipstick!



"Eros! Ano ba?! Akin 'yan eh." Asik ko habang pilit na inaagaw sa kaniya yung BB cream ko.



"Ang damot mo!" Inis niyang sabi. In the end, nakuha ko sa kaniya ang BB cream ko at para siyang batang nagtata-tantrums.



May kumatok sa pinto. Hindi pa man ako nakakatayo para pagbuksan iyon ay bigla na lang pumasok si Kuya Marc sa kwarto ko.



"Lee, may bisita tayo." Sabi niya sa akin. Pagkatapos ay dumako ang tingin niya kay Eros. "Shit! Bakla! Bakit ganiyan ang ayos mo?" Natatarantang sabi ni Kuya.



"Bakit naman? Ang ganda ko kaya." Eros flaunted his 'pouty' lips at nag-beautiful eyes pa. Napapalatak naman si Kuya.



"Gusto mo na bang malantad ang totoong kulay mo?"



"What are you saying? Bakit? Alam mo, di kita ma-gets ba't nagkakaganyan ka." Nagtatakang sabi ni Eros.



"Erooooos! Jonna Leeeeee! I'm here!" Narinig kong tawag sa amin ng pamilyar na boses.



"Shit! Tama ka Kuya! Katapusan ko na!" Aligagang nagpaikot-ikot si Eros sa kwarto ko. Pinapakalma namin siya ni Kuya pero tensiyonado talaga siya.

I Love You, Stalker!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon