HB II: Big Egg

909 19 7
                                    

Hindi ang pangangabayo ang pinagkaabalahan ni Prinsipe Xerio habang kasama ang kawal na si Lenard.

"Narito kaya siya sa ating kaharian?" bigla niyang naitanong sa kawal na nakaalalay sa kanyang kabayo.

"Siguro po, mahal na prinsipe," tugon ni Lenard.

Ang tunay na pakay ni Prinsipe Xerio ay hanapin ang magandang dalaga na nambitin sa kanya kaya isinama niya si Lenard upang ilibot siya sa buong kaharian ng Etchorvaklushi.

Napadaan ang dalawa sa isang simbahan.

DINGDONG... DINGDONG... AVAN...

"Teka, sino ba 'yong nagpapatunog ng kampana? Sobrang ingay niya!" Napasigaw ang prinsipe dahil sa inis.

"Isang baklang kuba po ang kampanera rito," tugon ni Lenard.

"Bakla? Sige pababain mo siya rito ngayon din."

"Opo."

Agad na sinunod ni Lenard ang ipinag-utos ng kanyang prinsipe. Pumasok siya sa simbahan upang tawagin ang kampanerang iyon.

Samantala sa itaas ng kampanaryo, patuloy ang kuba sa paghatak ng tali ng kampana upang alo pang lumakas ang pagtunog nito.

"Hephep... Hooray! Hephep...Hooray!"

Kumakanta at sumasayaw pa siya habang ginagawa iyon.

"Kisvirtus... Eklavush... Wa... Hephep... Hooray!"

"Hoy vaklush!!!"

Biglang nahulog ang kuba sa tali ng kampana dahil sa pagkagulat.

"Ano ka ba naman bakla. 'Wag kang nanggugulat,"saway niya sa kaibigang sakristana na si Basil.

"Hoy, Frodo may mga hombreng naghahanap sa 'yo sa baba," masayang balita nito.

"Baka etchos lang 'yan?" Tumaas pa ang kilay ng makiring bakla.

"'Di me etchosera 'no!"

"Sino raw sila, Sis?" usisa niya na nagningning pa ang mga mata dahil sa tuwa.

"'Di ko knows e. Basta 'yong isa wafu talaga," kinikilig na sabi ni Basil.

"Ay guwapo! Hala baba!"

Nagmamadali silang bumaba sa matarik na hagdan ng kampanaryo.Nakipag-unahan pa si Basil kay Frodo kaya 'ayun nainis ang bakla tinulak ang kanyang kafatid. Bumulagta ito sa hagdan.Nabungi. Mabuti na lang buhay pa!

"Mahal na Prinsipe Xerio, narito na po ang kampanerang kuba," pakilala ni Lenard kay Frodo.

Dahan-dahang lumingon ang prinsipe. Bumilis naman ang tibok ng puso ni Frodo.

"Prinsipe Xerio ko," aniya nang makita ang guwapong mukha nito.

Nag-imadyin na si Frodo na magkasama sila ng kanyang mahal na prinsipe habang sila ay naghahabulan sa tabing-dagat.

"Habulin mo ko..."

"'Wag ka pumunta sa tubig kasi ayokong mabasa e," tugon sa kanya ni Prinsipe Xerio.

"Prinsipe ko!"

"Hoy!"

Naputol ang magandang pangarap niya dahil sa sigaw ng prinsipe.

"Ba't ang lakas mong magpatunog ng kampana ha?"

"Ah... Eh..."

"Sumagot ka bakla."

Huwad na BulaklakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon