HB IV: Diosebel

533 14 5
                                    

Lumipas ang ilang minuto ngunit 'di pa rin umaahon sa ilog si Frog Prince kaya nainip na si Centaur Dio...bel. Kaya tumakbo na siya nang napakabilis pabalik ng simbahan.

"Yari ka sa 'kin Hugo! Enetchos mo ako! Etchosero!" sigaw niya dahil sa inis sa paniking aka Bat Gaymother.  

Nang makarating siya sa tapat kampanaryo ay nagbago na ang kanyang katawan. Nanumbalik ang kaseksikan nito.

"Hugo Etchosero, nasa'n ka na?!" 

Umalingawngaw ang boses niya sa buong kampanaryo. Hilong-hilo si Hugo nang bumagsak mula sa ilalim ng kampana sa lakas ng echo ng boses ni Dio...bel.

"Why ba Diosebel?"

"Ano?"

"Hala! I remember na your name...your Diosebel," paliwanag ni Hugo.

"Ang sama pakinggan, parang sina (Tooot) at (Sooot)." 
"Ha?"

"Etchos lang vakla!"

"Bakit nga pala galit na galit ka sa 'kin?"

"Kasi napaka-ecthosera mo 'no. 'Di mo agad sinabi na maraming mangyayari sa beautiful body ko," inis na sabi ni Diosebel.

"'Yon na nga ang sinasabi ko e. Kaya lang excited kang gaga ka! Bigla kang naglaho sa dilim." Nangatwiran na ang malaking paniki.

"Kasalanan ko pa ngayon? E what ba talaga nagyayari?"

"Kasi po nang magtransfrom ka using the Mystic Power of Love of Vaklushi ay marami ang magiging kapalit noon. Magbago-bago ka ng katawan kasi 'di ka pa ganap na girlalu!" paliwanag ni Hugo tungkol sa katotohanan.

"Gano'n?" Nanghinayang si Diosebel sa narinig,"Pa'no na ako magiging girl forever?"

"Dapat magawa mo ang isang napakalaking sakripisyo!" sigaw ni Hugo.

"Ano naman 'yon?"

Ibinulong ni Hugo kay Diosebel ang mga dapat gawin. "A 'yon lang pala. Madali lang 'yon e," pagmamayabang pa ni Diosebel.

 "Wait dapat magawa mo bago mag-twelve midnight ha. Kung hindi ay babalik ka sa pagiging kampanerang kubang bading! Saklap no'n Sistah!" huling bilin pa ni Hugo kay Diosebel.

"Chorva ka talaga!"

"Kaya dapat mahanap mo na si Prince Xerio mo."

"Oo nga pala. Sa'n na kaya siya nakarating?"

Muling naalala ni Diosebel ang paghahanap kay Prinsipe Xerio. Kailangang matagpuan na niya ito sa lalong madaling panahon upang maging tunay na siyang babae.

"XERIO?... Xerio, ikaw ba 'yan anak?"

Dahan-dahang pumasok si Reyna Gosa sa silid ng kanyang anak nang makarinig siya ng kaluskos sa loob nito.

"Mahal na Hari?"  Subalit ang naabutan niya roon ay si Haring Ful, "Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Wala lang..." pagkakaila nito.

Nakaupo siya sa kama ni Prinsipe Xerio tila may itinatago sa kanyang likuran.

"E ano 'yang hawak mo?" usisa ng reyna nang mapansin iyon.

"Wala 'to, Gosa," matipid na sagot ni Haring Ful na halatang may inililihim.

Namula na lamang siya sa hiya. Isiniksik sa garter ng kanyang suot ang bagay na itinatago.

"Okay," tugon ni Reyna Gosa."Nasa'n na kaya si Prinsipe Xerio?" 

"Baka maligaya na sa piling ni Lenard?" tila may hinanakit na sabi ng Hari.

"Siguro nga. 'Di na talaga tayo magkakaapo pa." Muling nalungkot si Reyna Gosa.

"Oo nga..."

May biglang naisip si Reyna Gosa habang pinagmamasdan ang kanyang asawa. Isang malagkit na tingin ang ipinukol niya kay Haring Ful. Dahan-dahan siyang lumapit sa kama at umupo sa tabi nito.

"Hoy ano'ng---?" Napasigaw na lang ang hari nang biglang itinulak siya ng reyna pahiga sa kama.

"Ful..." Naglambing ang reyna."E kung tayo na lang kaya ang gumawa ng tagapagmana?" dagdag niya habang hinahaplos ang mga hita.

"Ha?"

Biglang sinakyan ni Reyna Gosa ang malaking tiyan ni Haring Ful.

"Ano ka ba. 'Wag mo'ng masyadong ilapit 'yang mga dibdib mo," angal nito, "Nakakadiri e..."

"Gano'n pala a." Pinaghahalikan ni Reyna Gosa ang mukha ni Haring Ful na halos masuka na.

------------------------------------------------------

Magawa kaya ni Diosebel ang dapat gawin upang maging tunay na babae?
Magkaanak nga kaya ang Hari at Reyna?

Itutuloy...

Huwad na BulaklakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon