Maligayang-maligaya si Reyna Gosa sa pagbabalik ni Prinsipe Xerio, ang kanyang unico hija, este hijo pala. Subalit takang-taka siya kung sino ang babaeng kasama ng kanyang anak.
"Aking Ama at Ina, nais ko pong ipakilala sa inyo ang aking pinakamamahal na si Dio...bel..." pagpapakilala ni Prinsipe Xerio.
"Ano ka ba, Diosebel po," dagdag ng dalaga sa pagputol niya sa pagbanggit ng pangalan nito.
"Yehey! Yehey!"
Nagtatalon sa tuwa ang reyna dahil mali ang kanilang hinala.
"Salamat naman at hindi totoo ang hinala ng hari," ani Reyna Gosa.
"Ano po iyon, Amang Hari?" Sa ama na nag-usisa si Prinsipe Xerio ngunit hindi ito sumagot.
"Na...na...pusong babae ka raw anak," pagtatapat ng reyna.
"Mali nga kami aking Prinsipe," dagdag naman ng hari. Inamin na niya ang malaking pagkakamali.
"Opo," pagsang-ayon naman ni Prinsipe Xerio. "Katunayan po ay ang hindi sa 'kin ang natagpuang Golden Bra," pag-amin pa niya.
"E kanino 'yon?" takang tanong nina Haring Ful at Reyna Gosa.
"Kay Diosebel po iyon," natatawang sagot ng binata.
"Ha?" ani Haring Ful.
"Pa'nong?" ani Reyna Gosa.
"Alam mo na?" Si Diosebel naman ang nagtanong.
"Oo. Alam ko ng ikaw 'yong babaeng nangbitin sa 'kin," natatawang paliwanag ng pilyong prinsipe.
"Gano'n? Ano ba 'yan..." Napangiti na lang si Diosebel.
Nanghihinayang din naman siya dahil hindi natuloy ang balak niya nang gabing iyon. Malas na kampana. Kahit hindi nasasakyan ng hari at reyna ang kanilang pinag-uusapan ay napapatawa rin sila.
"Kailan nga pala kayo pakakasal aking Prinsipe?" atat na tanong ni Reyna Gosa.
"Bukas na bukas din po."
"Ang bilis naman," biro pa ng hari.
"Ha?" Si Diosebel tila may pagtanggi. Pa'no kung malaman mo ang totoong pagkatao ko? Ano'ng gagawin ko? Problema ata ang haharapin niya ngayon.
"Kung gano'n, ngayon pa lang ay maghahanda na ang lahat para sa inyong kasal," pagsang-ayon ni Haring Ful.
"Sige po aking Ama at Ina, mamamasyal muna kami ni Diosebel," paalam ng prinsipe.
Paalis na ang dalawa nang may maalala si Reyna Gosa.
"Teka nasa'n na nga pala si Lenard?"
"Bakit po? Wala po ba siya rito?" tanong din ang sagot ni Prinsipe Xerio.
"Wala siya. 'Di ba kasama mo?"
"'Di po. Nagkahiwalay po kami e."
"Nasa'n na kaya siya?" sabad bigla ni Haring Ful na lihim na natutuwa sa pagpapakasal nina Prinsipe Xerio at Diosebel.
MALALIM na ang gabi ngunit isang tao ang hindi pa rin dalawin ng antok. Siya ay naglalakad nang dahan-dahan patungo sa isang lugar sa palasyo. Tila may itinatago siya kaya sa gabi siya nagpupunta roon.
"Humanda ka ngayon..." aniya na halatang sabik na sabik na. "Masosolo na rin kita."
Nagtatalon pa siya sa sobrang tuwa habang papasok sa isang maliit na pinto.
BINABASA MO ANG
Huwad na Bulaklak
RomanceKilalanin ang pinakamagandang bulaklak sa kaharian ng Ihsulkavrohcte o Etchorvaklushi... Mahalin kaya siya ng pinakagwapong prinsipe ng kaharian, sa kabila ng kanyang kaanyuahan? BOOK II - The Awakening of Princess Amalayer