HB V: Ang Pagbabalik

457 13 2
                                    

Nahanap na ni Frog Prince ang kanyang maliit na korona. Sa tulong ng mga bakas ng paa ni Diosebel ay nasundan niya ang dalaga sa simbahan. Ngunit marami siyang pinagdaanang balakid upang makarating doon. Ilang tao ang muntik na siyang maapakan. May mga pusa ring humabol sa kanya. Mabuti na lamang ay nakatalon siya sa isang basket ng nagdaang tao, bago pa mahuli ng pusa.

"Ang tagal mo naman, Basilia." 

Inis na inis na ang kusinera ng simbahan dahil sa kabagalan ng sakristanang si Basil.

"Sorry po, Sister Corazon." 

"Okay. Ilapag mo na ang mga pinamili mo. Kanina pa dapat tayo nakaluto.  'Buti na lang wala pa si Father Mario," paliwanag pa ni Corazon. Hindi talaga siya isang madre dahil bansag lang 'yon sa kanya nina Frodo at Basil.

"Sige po."

Isa-isang inilabas ni Basil ang mga gulay at prutas mula sa basket.

"Ay palaka!" Napasigaw siyang bigla nang tumalon palabas ng basket si Frog Prince.

"Yuck! Paalisin mo 'yan!" sigaw naman ni Corazon.

"Ako ang bahala. Patay ka sa tsinelas ko," sagot naman ni Basil.

Hinabol ni Basil si Frog Prince hanggang sa makarating sila sa hagdan patungo sa kampanaryo.

"I will be safe upstairs..." aniya sa sarili.

Pagod na pagod siya sa kakatalon makarating lamang sa itaas. Doon ay naabutan niya ang isang natutulog na dalaga. Si Diosebel, nakatulog sa paghatak ng kampana.

"You...wake up!" sigaw ng palaka. Ngunit 'di agad nagising si Diosebel.

"Uhhhh..." ungol lamang ang sagot niya.

"This is my chance..."

Balak niyang maisahan si Diosebel. Nanakawan niya ito ng halik upang magbalik siya sa pagiging tao.

Palapit na ang kanyang berdeng labi sa pouty lips ni Diosebel nang biglang...

"TOINK!"

Tumalsik si Frog Prince sa pader ng kampanaryo.

"Hoy. 'Di ako si Sleeping Beauty 'no. Gising ako.'Kala mo makakatsansing ka ha..."natatawang sabi ni Diosebel na nagtutulog-tulugan lang pala.

"You are the lady in the river..." Naalala na ni Frog Prince kung sino siya.

"Yeah...and you are?"  Wow. English-an to the max ito. Isa lang kaya ito sa kakayahang nakuha ni Diosebel sa Power of Vaklushi?

"I'm the Frog Prince, remember?" pagpapakilala ng palaka.

"I know you na. Ano, nasisid mo na 'yong crown mo?" Nge! Taglish pala ang expertise niya.

"Yes, here it was." Itinuro pa ni Frog Prince ang koronang nakapatong sa kanyang ulo.

"Okay..."

"You forgot something, Lady." Naalala niya ang halik na ibibigay ni Diosebel. "Do you forget your promise?"

"Yes, I remember that pero may prince na ako e..." pagdadahilan niya upang 'di mahalikan ang lips ni Frog Prince.

"Ha? It was only a kiss. Please..." 

"Mmmmmm...okay. Basta ako ki-
iss ha." Pumayag rin siya sa wakas.

"Okay. Okay.Thanks!" Excited na si Frog Prince.

Matuloy na kaya ang halikan ngayon?

Ipinatong na ni Diosebel si Frog Prince sa kanyang palad. Unti-unting inilapit ang kanyang labi sa nakapikit na palaka.

GULP!

"Okay na 'to..." Kinumbinsi pa ni Diosebel ang kanyang sarili.

'Ayan na. Malapit ng maglapat ang kanyang red pouty lips sa greenish pisngi ni Frog Prince.

TSUP!

AWWWWW!!!

"Aking Prinsesa..."

Natulala si Diosebel dahil sa kanyang nakita. Wala na ang palakang inaakala niyang nagsisinungaling lamang. Naroon na ngayon sa kanyang harapan ang taong matagal niyang hinanap; si Prinsipe Xerio.

"Prinsipe Xerio?"

"Yes! I'm Prince Xerio, one and only prince of Etchorvaklushi."

Binuhat niya si Diosebel.

"Pa'no ka naging ugly frog?" 

"Long story e. Saka ko na lang ipagkakalat," tugon nito habang nakatitig sa kanyang mga mata.

"Okay..." Kinilig naman si Diosebel.

"Kailangan na nating makauwi sa palasyo namin. Ipakikilala na kita sa aking Amang Hari at Inang Reyna."

"Totohanin mo talaga ang pangako mo?"

"Oo naman, aking prinsesa."

Kilig na kilig si Diosebel habang ninanamnam ang mga bisig ni Prinsipe Xerio. Buhat siya nito hanggang sa makarating sila sa palasyo.

Ingit na ingit ang mga taong nakakakita sa kanilang dalawa. Ang mga kakabaihan ay galit na galit kay Diosebel kaya gusto na nilang malaman agad ang kanyang pangalan.

Mauwi na kaya sa kasalan sina Prince Xerio at Diosebel?

Itutuloy...

Huwad na BulaklakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon