HB III: Frog Prince

616 17 7
                                    

Nagkaroon ng isang malaking kaguluhan sa palasyo dahil sa biglang pagkawala ng Golden Bra. Kasabay rin nito ang biglang paglalaho ni Prinsipe Xerio at ni Lenard upang hanapin ang nasabing panloob.

"Nagtanan na ang anak natin, Gosa!" sigaw ni Haring Ful sa asawang umiiyak na dahil sa pag-alala.

"Ano ka ba, Ful. Baka naligaw lang sila sa paghahanap ng golden bra," katwiran ng reyna.

"Ha? Maliligaw? Baka nga,"nakangiting sagot ng hari.

"Bakit kasi 'di siya nagladlad agad," biglang sabi ni Reyna Gosa. Tanggap na niya ang katotohanan sa pagkatao ng kanyang anak.

"Pa'no na ang magiging apo natin?" sabad ni Haring Ful."Kailangan may magmana ng ating trono pagdating ng panahon."

"Tama ka nga..."

NALAMAN ni Frodo na Dio...bel na ngayon ang biglang pagkawala ni Prinsipe Xerio. Sa kanyang paghahanap sa minamahal ay napadpad siya sa isang maliit na ilog sa labas ng kaharian ng Etchorvaklushi.

Nakaramdam siya ng uhaw kaya naisipan niyang uminom sa ilog ngunit isang palaka ang lumundag sa kanyang harapan.

"Ay! Yuck!"
"Hoy. Sino'ng yuck?" inis na sagot ng palaka.
"You," giit ni Dio...bel na nagsalubong na ang mga kilay.

"Hey, don't judge a frog by its face & smell!" sigaw ng palaka.

"Magaling! Magaling! Magaling...What an English," puri pa ni Dio...bel dito," Are you an agent?"

"What agent are you talking about???"

"Call center agent po Mr. Froggy," pabirong sagot ni Dio...bel.

"FYI I'm not Mr. Froggy, young lady," supalpal ni Mr. Froggy, "I',m a prince you know..."

"Are you joking?" natatawang tanong ni Dio...bel sa palakang umasta pang tunay na prinsipe.

"No! That's true!"

"Why did you turned into a frog, if you're really a prince?"

Wow. Nadala na rin si Dio...bel sa galing mag-English ni Mr. Frog Prince.

"I don't know, but I know how to become a prince again."

"Okay. How?" Naengganyo na siya sa buhay ng palaka.

"You must kiss me!" sigaw ni Frog Prince habang nakausli pa ang green lips.

"What?!!!" Napaupo si Dio...bel dahil sa kanyang narinig.

"Yes. Please I beg you lady..."

"Ha? Itong pouty lips ko," inginuso pa niya ang mga labi,"Will kiss you?" Gulp.

"I promise you'll be my Princess if you kiss me," pakiusap muli ni Frog Prince.

"Your Princess???" Nakapag-isip-isip si Dio...bel; siya na isang hunchback kampanera ay magiging isang prinsesa na ng isang kaharian katumbas lamang ng isang halik. Ito na ang katuparan ng kanyang pangarap!

"Do you accept my offer? Deal or No Deal?"

"Hmmm... DEAL!"

Dandandanan...darandarandan... Halos lumuwa ang puso ni Dio...bel dahil sa kaba.

Ano kaya ang lasa ng lips niya, aniya sa isip lang.

Inilapag niya si Frog Prince sa kanyang palad. Dahan-dahang inilapit ang kanyang mukha. Malapit na.. .Ayan na...

Mahahalikan na niya si Mr. Froggy Prince. 5...4...3...2... BOOM!

Biglang kumulog!

"AY VAKLUSH!" sigaw niya.

Mukhang nakikisama ang panahon kay Dio...bel ngunit dahil sa pagkagulat ay nahulog siya sa ilog kasama si Frog Prince.

Napailalim sila sa water lilies sa ilog na napakalalim pala. Nawalan ng malay si Dio...bel dahil sa pagkalunod kaya unti-unti siyang lumubog.

Sinundan siya ni Frog Prince sa ilalim.

"Hey, wake up..." Pilit niyang ginigising ang dalaga.

"Hu u po?" tugon ni Dio...bel na unti-unting nagkamalay.

"What happened to you?!" Napasigaw siya sa napansin kay Dio...bel.

Pinagmasdan ni Dio...bel ang kanyang buong katawan. Wala na ang kanyang mga seksing hita, napalitan na iyon ng isang mahabang buntot. Subalit hindi iyon pangkaraniwang buntot dahil gaya iyon ng sa mga butete.

"Ano'ng nangyari sa 'kin?" naitanong niya sa sarili.

"I don't know." Sinubukan niyang lumangoy gamit ang buntot pero 'di siya nakaalis dahil may nakatali rito.

"Help me. I can't swim."

"Okay. Wait here, I will call for help." Lumangoy paitaas ng ilog si Frog Prince. Tinawag niya ang mga kabarong palaka.

Sabay-sabay na nag-dive sa ilog ang 100 palaka. Unti-unti nilang naiangat si Dio...bel paahon sa ilog. Pagtapak niya sa lupa ay nawala rin ang kanyang pangit na buntot. Ngunit nagbago siyang muli. Siya ay naging kalahating kabayo. Isa ng centaur si Dio...bel!

What the...what happened to you again?" takang-takang tanong ni Frog Prince.

"Hu u ba ha?" Nakalimot na naman siya.

"I'm the prince remember?" paliwanag ni Frog Prince.

"Prince? Nagbibiro ka ba? Eh nasa'n 'yong korona mo?"

"What? Do you need Memo plus?"

"Pareho ka lang ng mga kasama mo'ng palaka. Haha!" Sa nabanggit nito ay naalala ni Frog Prince ang kanyang korona. Kinapa sa ulo pero wala na. Hindi niya namalayang nahulog ito sa ilalim ng ilog. "My crown!" Agad siyang tumalon sa ilog.
------------------------------------------------------

Mahanap kaya ni Frog Prince ang kanyang korona?
Halikan nga kaya siya ni Dio...bel?
Magkaapo pa kaya ang Hari at Reyna?
Itutuloy...

Huwad na BulaklakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon