HB VIII: Honeymoon

584 12 7
                                    

Sa gabi ng pulot-gata nina Prinsesa Diosebel at Prinsipe Xerio isang bagay ang mangyayari. Kailangang maisagawa ni Diosebel ang orasyon upang maging isang tunay na babae habang buhay.

"Alam mo ba kung bakit ako naging ugly frog?"

Ipagtatapat na ni Xerio ang nangyari sa kanya.
Hh
"Why?"

"Kasi may nilait daw ako na isang kafederasyon ng isang malaking paniki. Nagalit siya sa akin kaya ginawa akong isang pangit na palaka." pagtatapat nito kay Diosebel.

Halos matawa si Diosebel dahil sa narinig. Kasalanan pala ni Hugo ang pagiging palaka ng kanyang prinsipe. Dahil din iyon sa pagmamalasakit ni Hugo sa kanya bilang si Frodo.

"Buti na lang pala ako ang nakahalik sa 'yo no" natatawang sagot niya.

"Oo nga e. Kahit no'ng una nandidiri ka sa 'kin."

"'Kaw kasi masyado kang manlait 'yan tuloy."

"Gusto ko ngang mag-sorry sa baklang nalait ko, si Frodo 'yong kampanerang kuba," paliwanag ni Xerio.

"Gano'n?"

"Nasaan na kaya siya? Ba't parang 'di siya dumalo sa kasal natin?"

"Ah, siya ba? Nasa tabi-tabi lang siya."

"Gano'n? Oh, pa'no game na?"

Humiga na si Prinsipe Xerio sa kanilang kama.

"Okay!"

"Basta 'wag kang mambibitin a?" pabirong sabi ng prinsipe.

"Promise..."

Isa na namang umaatikabong halikan ang naganap. Tanging naging saksi sa nangyari ay ang isang inakay na nasa labas ng bintana ng tore.

DINGDONG... DINGDONG... AVAN...

"Teka. Teka..." pigil ni Diosebel sa halik ni Xerio nang marinig ang alingawngaw.

"Ano? Aalis ka na naman ba?" tila asar na tanong ng prinsipe. Mukhang mabibitin na naman siya.

"'Di 'no..."

"Oh, bakit ba? Sino ba 'yong nagpapatunog ng kampana. Gabing-gabi na istorbo e," inis pa niyang sabi.

"Hayaan mo 'yon. Basta ipikit mo muna lang ang mga mata mo..."

"Wow! Pinae-excite mo naman ako e," kilig na sagot ni Xerio na agad pumikit.

IHSULKAV! AVROHC! SOHCTE!

Unti-unting nagbalik si Diosebel sa kanyang dating katauhan bilang si Frodo.

"Dyaran..." aniya na biglang binuksan ang mga mata ni Xerio.

"FRODO?!" napasigaw siya dahil sa sobrang gulat.

"Oo. Ako nga ito, mahal na prinsipe," malanding pag-amin ni Frodo.

"Umalis ka rito! Ilabas mo si Diosebel ko!" giit ng prinsipe.

Niyakap ni Frodo si Prinsipe Xerio nang napakahigpit kaya hindi siya nakaalis.

"Ako nga si Diosebel. Ano ka ba."

"Ha?'Di ka ba nagbibiro o nanaginip lang ako," natatawang sagot ni Prinsipe Xerio, " 'ang face mo na 'yan?" panlalaait pa niyang muli kay Frodo.

"Grabe ka naman..." Nalungkot nang kaunti si Frodo dahil sa sinabi nito, "Bettyful naman ako 'no."

"Sorry, tao lang na nanghuhusga pero nagkakamali rin."

"Mahal mo ba ako?"

"Oo. 'Yong si Diosebel ka."

"Kung gano'n handa ka bang magsakripisyo para makasama mo siya habang buhay?"

"Oo naman."

"Lahat ba gagawin mo para manumbalik ang aking bodilicious?"

"Oo nga. Ano ba 'yong gagawin ko?"

"Sige, ganito lang naman..."

Pinatihaya ni Frodo si Prinsipe Xerio sa kanilang kama.

"Ano ba'ng..."

"Basta pumikit ka uli."

"Sige," napipilitan nitong sagot.

"ARAY!... ARAY!... ARAY!... ARAY!..."

Napapikit na lang si Prinsipe Xerio dahil sa sobrang sakit ng ginawa ni Frodo.

"Tapos na. P'wede ka ng dumilat..."

"Ha? Ano'ng ginawa mo ba't ang sakit?" angal ng prinsipe.

"Kailangan ko lang ng iba't ibang buhok mo sa katawan," pagtatapat ni Frodo.

"'Wag mo'ng sabihin pati 'yong sa...alam mo na..."

"Oo. Kailangan e..."

"Kaya pala sobrang sakit ng "ano" ko e."

"Tapos using this hair ay I will make a wish..."

"Go. Make a wish na..."

"Ummmm..."

"Faster. Do you need to blow the candle?"

"I...wish...I wish...with all my heart...to become a girl for my love!" tili ni Frodo.

VOOMMMM!

Success!

Naging tunay na girl nga si Diosbel!

At ipinagpatuloy nila ang naunsyaming pagtatagpo ng mga dapat magtagpo.

Nagkaroon ng anak kambal na lalaki sina Prinsipe Xerio at Prinsesa Diosebel. Ang pangalan nila ay Xerdio at Dioxer . Isang sanggol na babae naman ang iniluwal ni Reyna Gosa, na pinangalan nila ni Haring Ful na Gofa.

------------------------------------------------------

Author's Note:

MAGPAPATULOY ang nakakawindang na pakikipagsapalaran ng ating mga bida sa Ikalawang Aklat: THE AWAKENING OF PRINCESS AMALAYER.

CLICK the EXTERNAL LINK.

Huwad na BulaklakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon