O

1.3K 72 40
                                    

O

"Sigurado ka ba sa pinaglagyan mo ng sulat?"galit na tanong ko kay Mira habang nakahiga ako dito sa kama ko.

Ni hindi ko nga alam kung paano ako naka-uwi dahil sa nangyari kanina eh. Ang pinagtataka ko pa, bakit nandoon sa Captain ng Basketball Team yung mga sulat ko para sa crush ko? Ibig bang sabihin nabasa na nya lahat ng sinulat ko doon?

"Anong tingin mo sa akin Tanga?" Sagot nya sa akin gamit ang iritadong boses. Naiimagine kong tumitirik na naman ang mga mata nya dahil sa tinanong ko.

"Hindi naman, medyo lang" patay malisyang sagot ko, narining kong minura nya ako sa kabilang linya kaya napatawa ako. Mahal na mahal nya talaga ako to the point na ipinapakita nya ang pagmamahal nya sa akin sa pamamagitan ng pagmumura.

"Tigilan mo ako Aubrey Moon, sinasabi ko sayo baka di kita matantya!"galit na galot na sabi nya, tinawanan ko lang dahil sanay na ako sa mga banat nya.

"Hindi nga, Mira. Seryoso, tama ba yung locker na pinaglagyan mo ng sulat?" Back to serious mode na ako, hindi ko kasi talaga maisip kung bakit sya ang pumunta sa Gazeebo kanina at hindi yung crush kong si Jeon. I mean, palagi kong nakikita ang mukha nya sa mga tarpaulin sa school dahil sya ang Team Captain ng basketball team namin at achiever sya sa school pero never kong nalaman ang pangalan nya. Hindi naman kasi ako interesado sa kanya kaya ayun, mukha nya lang ang pamilyar sa akin.

"Oo nga! Di ba Jun yon! Jun yung nilagyan ko kanina"  sagot nya sa akin, napapoker face naman ako. Saan naman nha nakuha yung Jun? Kelan pa naging Jun ang Jeon? Ang layo talaga ng pag-iisip netong si Mira.

"Jeon yon Mira Jeon. Bayan ha, baka mamaya mali pala yung nilagayan mo tapos kung sino na lang makabasa nun!" Ayokong sabihin sa kanya yung nangyari kanina, kahit sobra ako kung murahin ni Mira, sobrang protective din nya pagdating sa akin. Ayaw nyang nasasaktan ako lalo na nababastos.

"Pakielam ko sayo" di ba? Nasabi ko bang ayaw nya akong masaktan? Ngayon binabawi ko na!

Matapos iyon ay tumahimik kami pareho, nakahiga pa rin ako sa kama ko ay nakatulala sa kisame ng kwarto ko, bigla kong naalala yung nangyari kanina at napahawak na lang ako sa labi ko. Infairness malambot ang labi nya.

"Oy! NagGM si Mingyu mo. Nood daw tayo ng try-out nya" napikaw yung pag-iisip ko ng muling magsalita si Mira. Si Mingyu, magtatry-out? Bagay kapre naman sya kaya bagay sa kanyang maging basketball player.

"Mingyu ko? Pwede ba Mira, di kami talo ng kapre na yun" palagi na lang nilang kaming pinagpapares dalawa. Duh! Gwapo naman si Mingyu pero never kong nakita ang sarili ko na magiging girlfriend nya.

"Sus, kunyari ka pa alam ko namang kinikilig ka" naparoll eyes naman ako ako, heto na naman.

"Babaye na nga, kung ano-ano na namang sinasabi mo eh"  narinig kong nakahol na sa labas ng kwarto ko si Dane, ibig sabihin nandyaan na si Unnie kasama si Yanyan.

"Sus, sagutin---" hindi ko na sya pinatapos magsalita, pinatay ko na yung tawag saka dali-daling lumabas ng kwarto ko para salubungin ang cute kong pamangkin.

***
"Sinasabi ko sayo Bree, makakapasok agad ako sa basketball team" pagmamayabang ni Mingyu sa akin habang nagdidribol sya ng bola. Tinignan ko sya gamit ang pakielam-ko-kung-makakapasok-ka-sa-basketball-team-look, paano ba naman. Uwing-uwi na ako pero hinila ako ni Mira dito sa gym para manood ng try-out netong kumag na to. Pero ang loka, ayun nasa mas mataas na parte ng bleachers at nakikipaglandian kay HongKong.

Nagpakitang gilas pa si Mingyu ng mga moves na alam nya pero wala talaga ako sa mood. Unang una, gutom na ako, pangalawa gutom na ako at pangatlo gutom na ako.

"Hindi pa ba magsisimula?" Bored na tanong ko sa kanya, agad syang tumabi sa akin at inakbayan ako.

"Wag ka ng mainip, malapit na, baka hinatid lang ni Captain yung girlfriend nya."  May girlfriend yung Captain ng basketball team? Aba, sa itsura nyang yon may pumatol sa kanya? Sabagay, gwapo naman sya, cold lang talaga tignan yung mga mata nya.

"Lumayo ka nga! Ang lagkit-lagkit mo! Eww!" Tulak ko kay Mingyu dahil pawis na pawis sya pero kung makadikit sa akin ay parang linta.

"Kunyari ka pa, di mo ba alam na ang daming nanghihingi ng pawis ko samantalang ikaw tinatanggihan mo?" Jinjjayo? Jeongmalyo?

Lumayo na lang ako sa kanya habang pinupunasan yung pawis nyang dumikit sa akin, wala talagang alam sa hygiene yung lalaking yon. Habang nagpupunas ay biglang sumigaw yung mga babae na nakatayo doon sa may pinto ng gym. Nahawi sila at binigyan ng daan yung mga members ng basketball team at maniwala kayo sa hindi kasama po si Jihoon doon. Sinamaan nya ata ng tingin yung mga members para makuha sya.

Lumapit sa direksyon namin si Jihoon at nagkipagbrofist kay Mingyu. "Wag ka ng umasa, sakin pa lang bagsak ka na" banta nya kay Mingyu kaya natawa ako. Kahit kailan talaga ang sama-sama ng ugali nitong pandak na to. Napalingon sya sa akin at ngumisi.
"Wow, supportive na girlfriend"  sabi nya kaya nakatikim sya sa akin ng suntok. Girlfriend? No.no.no.no.

Muling tumili yung mga babae at pakiramdam ko tumigil ang mundo ko ng makita ko ulit yung crush ko. Dahan-dahan syang naglalakad papasok ng gym at para akong nakakita ng aparisyon. Ilang linggo ko na rin syang di nakikita at mas lalo syang pumogi dahil sa suot nyang jersey.  Ngumiti sya sa mga babaeng bumati sa kanya kaya nakaramdam ako ng inis. Hello! Nandito po kaya ako!

Kasunod nyang pumasok yung Captain ng Basketball team na seryosong-seryoso yung mukha. Tumahimik yung mga babae ng dumaan sya, masungit ba talaga yon?

Tinawag na sila Mingyu ay pinapili sa harapan nung basketball team ng school namin at nasa gitna yung Team Captain.

"Good afternoon, I'm this team's Captain, Jeon Wonwoo" What Jeon din sya?

----------------------

JeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon