s

1.2K 102 16
                                    

s

Kanina ko pa pinaglalaruan yung laylayan ng palda na suot ko. Rinig na rinig ko yung sigawan ng mga tao sa loob ng gym habang nandito ako sa gazeebo. Gusto kong pumunta at manood doon dahil alam kong unti-unti ng nagbubunga yung mga paghihirap ko. Malapit ng magkabalikan si Team Captain at Kara.

Pero kapag naiisip kong babalik na sa dati ang mga bagay-bagay sumisikip ang dibdib ko. Sa kanila babalik na sa dati ang lahat pero sa akin hindi na. Magbabago na lahat kahit na pilitin kong bumalik ako sa dating ako.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ako at naglakad papunta sa lugar kung saan nagsimula ang lahat ng ito.

Tumigil ako sa tapat ng locker nya. Walang masyadong tao aa school grounds dahil lahat sila ay excited dahil muli kaming nakapasok sa Finals. Oo, at ngayon iyon.

Tinignan kong mabuti ang locker nya.

전원우 (Jeon WonWoo)

Dito nagkamali ng hulog si Mira noon, basta-basta na lang nya kasi inihulog yung love letter ko na para kay Jeon. Jeon Jungkook, hindi Jeon Wonwoo.

Napatingin naman ako sa sunod na locker sa kanan.

전정국 (Jeon Jungkook)

Kung inalam ko lang sana ang pangalan mo noon, may pag-asa kaya na tayo na ngayon? Siguro wala din ano?

Sabi nga nila lahat ng bagay ay nangyayari ng may dahilan, at ito na siguro yun. Yung magkamali ako at mahulog din sa maling tao.

Bumuntong hininga ako tapos mas lumapit sa locker ni Team Captain. Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko, bukas na.

Bukas hindi na kita makikita. Bukas, wala ng magkakamali na maglagay ng love letter sa locker mo at makakasira ng relasyon nyo.

Inangat ko yung asul na sobre na hawak ko, nakita kong natuluan pa ito ng mga luha ko pero hindi ko na pinansin.

"Mianhe, Team Captain" bulong ko. Sorry kasi nasira ko ang relasyon mo kay Kara at sorry din kasi nahulog ako sayo.

Naghulog ulit ako ng love letter sa locker ni Jeon at ngayon hindi na talaga ito mali. Inihulog ko ang huling love letter na gagawin ko sa buong buhay ko sa locker ng lalaking mahal ko.

"Saranghaeyo, Jeon Wonwoo"

***
"Mira naman!" Asik ko sa kanya habang hinihila nya ako papuntang gym. Nakita nya akong mag-isang naglalakad sa gitna ng field at bigla bigla na lang akong hinila.

"Hindi ka ba manonod? Suportahan mo naman si Mingyu!" Sabi nya sa akin. Mingyu, bigla ko tuloy naalala nung isang araw. Nung araw na binasted ko sya.

"Ganon na lang yon? Porket hindi mo sya sinagot hindi mo na susuportahan? May pinagsamahan pa rin naman kayo di ba?" Gustong kong maiyak dahil sa mga sinasabi ni Mira sa akin. Kung alam lang ni Mira kung gaano ko gustong suportahan si Mingyu sa unang laro nya sa Finals pero kapag nakikita ko si Mingyu, naaalala ko kung paano sya magmakaawa sa akin noon, kung paano nya ako niyakap wag lang ako umalis, nasasaktan ako. Hindi si Mingyu yung tipo ng lalaki ang sinasayang, pero dahil tanga ako. Sinayang ko sya.

"Pupunta naman talaga ako sa gym, may dinaanan lang ako saglit" ayokong mag-away kami ni Mira ngayon. Ito ang huling araw na makakasama ko sya kaya gusto ko, hangga't kaya ko gagawin ko ang mga gusto nya.

Nauna akong pumasok ng gym kesa kay Mira, punong-puno yung gym namin dahil sa dami ng tao. Dahan-dahan akong naglakad pababa para mas makita yung mga naglalaro.

Kasalukuyang time-out kaya nasa kani-kanilang bleachers yung mga player. Tinignan ko yung score board at nakita kong lamang ng 15pts yung kalaban nila Team Captain at malapit ng matapos ang 3rd quarter.

"Sabi ni Kara pupunta sya? Bakit hanggang ngayon wala pa sya? Hindi tuloy makapaglaro ng maayos si Wonwoo" parang pinipiga yung puso ko ng marinig ko ang mga salitang iyon. Hindi talaga kaya ni Team Captain kung wala si Kara.

Nagbuzzer na at balik court na ulit sila. Unang ibinigay yung bola dun sa kalaban, naghabulan sila hanggang sa maagaw iyon ni Jihoon at ipinasa kay Mingyu pero agad nabantayan si Mingyu ng kalaban kaya ipinasan nya iyon kay Team Captain. Nung mahawakan na ni Team Captain yung bola ay idiniribol nya ito ay tumingin sa mga audience na para bang may hinahanap.

Sa kakatingin nya sa audience ay naagaw sa kanya yung bola at naishoot ito, 3pts.

Patuloy na ganon ang ginagawa ni Team Captain hanggang sa mas lumamang yung kalaban ng 25pts sa end ng 3rd quarter.

Nagpahinga sila saglit tapos balik laro ulit, makailang beses na nakakuha ng bola si Mingyu at nakagawa naman sya ng ilang puntos pero lamang pa rin yung kalaban.

Halftime na sa 4th quarter at 18 points ang lamang ng kalaban, nakatingin lang ako kay Team Captain habang kinakausap sya ni coach dahil wala pa rin syang nagagawang puntos at palagi pa syang napa-foul. Maya-maya ay napalingon sya sa direksyon ko at nagtama yung mga paningin namin. Bigla namang tumahik ang paligid, yung mga nagchecheer para sa team namin ay biglang nawala.

Nakatingin pa rin sa direksyon ko si Team Captain, sunod ay ngumiti sya.

"Kara!" Napalingon ako sa likuran ko ng biglang may sumigaw ng pangalan nya. Nakita ko syang dahan-dahang nababa papalapit sa kinaroroonan ko at nakatingin din kay Team Captain.

Huminto sya sa tapat ako at sumigaw "Jeon Wonwoo Fighting!"

Nakita ko yung mas paglaki ng mga ngiti ni Team Captain dahil doon. Nagbuzzer ulit at nagpunta na ulit sila sa gitna ng court.

Biglang naging mas masigla ang paglalaro ni Team Captain ng makita nya si Kara, mabilis nyang naaagaw yung bola at naishoshoot nya na rin ito. Sa tuwing magshoshoot sya ay lilingon muna sya sa direksyon ni Kara bago bitawan yung bola. Yung 18 pts na lamang ay naging 15 hanggang sa maging 10 at 4.

Nafoul si Jihoon kaya binigyan sya ng dalawang free throw at naishoot naman nya lahat ng iyon. Konting oras na lang ang natitira at lamang pa rin ng dalawa ang kalaban.

Na kay Mingyu yung bola at ang daming nagbabantay sa kanya, hindi din libre si Jihoon dahil may nakabatay din dito at ang libre lang ay si WonWoo. Ipinasa ni Mingyu kay Wonwoo yung bola, idiniribol nya ito saglit tapos pumuwesto sya sa 3point line.

Saktong pagbitaw ni WonWoo sa bola ay ang pagpatak ng oras sa 1 sec, tumalon yung kalaban nila para harangan yung bola pero hindi na nya naabutan.  Kasabay ng pagtunog ng buzzer ay ang pagpasok ng nola sa ring dahilan para magsigawan ang mga tao. Agad na nagsibabaan yung mga nanonood para makisama sa victory ni Basketball Team namin. Pagtapos naming matalo nung nakaraan, champion na naman ulit kami at dahil iyon kay Team Captain.

Agad na lumapit si Team Captain kay Kara na bumaba din matapos nyang maipasok yung bola. Maya-maya ay niyakap sya ni Kara ng mahigpit.

Napayuko ako, tapos na ang misyon mo Aubrey, tapos na.

Pumikit ako at napabuntong-hininga, pagmulat ko ay saktang nakatingin sa akin sa Team Captain habang nakayakap pa rin sa kanya si Kara.

Ngumiti ako, sa huling pagkakataon ay nginitian ko si Team Captain.

----
Whoot whoot!
Epilogue na! Haha XD

Thank you sa mga nagbasa! Mahal ko kayo!






JeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon