E

1.5K 77 23
                                    

E

Kanina pa ako nakatingin sa orasan na nasa taas ng whiteboard namin habang yung teacher namin ay explain ng explain tungkol sa buhay ng kung sino mang may nagawa o naiambag sa history ng mundo. Duh, patay na kaya sya, hindi ko na sya mamemeet in person kaya hindi ko na kailangan pang kilalanin kung sino sya. Isa pa hindi kami close at hindi din ako interesado sa kanya kaya I don't give a sh*t.

"Ms. Moon, can you share what's on your mind" biglang tawag sa akin nung teacher namin. Ayan Aubrey, I don't give a sh*t ka pa, ikaw tuloy ang mukhang sh*t ngayon dahil wala kang maiisasagot sa teacher mo.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at tumingin sa kaliwa't kanan at ako ang center of attraction ng lahat.
"Who is Adolf Hitler?" Dagdag nya kaya napalunok ako. Sino ba si Adolf Hitler? Naman! Kung pangalan na lang ng crush ko yung tinanong nya edi nasagot ko na, ay hindi din pala kasi Jeon lang ang alam ko sa pangalan nya.

Pinagapapawisan na ako ng malamig dahil sa kaba dahil sa mala-kanyon na tingin ng teacher ko. Lalapit na sana sya sa akin ng biglang may kumatok sa pinto ng room namin. Tumingin muna sya sa akin bago nya ito pagbuksan.

Nung makita ng mga nasa unahan yung kumatok ay agad silang nagsitilian. Nagtaka ako kaya nakisilip din ako, nakita ko yung captain ng basketball team na kinakausap si Mam. Ng matapos silang mag-usap ay humarap si Mam sa amin at pinatahimik yung mga classmate kong akala mo uod na nabuhusan ng asin sa sobrang harot.

Bago tuluyan umalis yung captain ng basketball team ay nagkasalubong ang mga tingin namin at inisnaban ako. A ng cold talaga ng lalaking yon, kung makatingin eh kala mo may balak kang masama.

"Class dismiss, may urgent faculty meeting kami ngayon" agad na nagsihiyawan ang mga classmate ko at maski ako ay nakahinga ng maluwag. " Ms. Moon, assignment mo kung sino si Adolf Hitler. 3 pages, long bond paper, Times New Roman, font size 12." Sinabi ko bang makakahinga na ako ng maluwag? Pwes binabawi ko na.

"Muntanga ka talaga kanina Aubrey" pangsampung ulit sa akin ni Mira na mukha akong tanga kanina habang nakatayo sa harapan. Napakabait nya pong tao hindi ba?
Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang cafeteria kasama si Joshua at Jihoon.

"Joshua, pwede ba pakilayo muna sa akin yang girlfriend mo? Baka di ko yan matantya" sabi ko kay Joshua pero tinawanan lang ako at hinawakan pa ang kamay ni Mira.

"Walang poreber Joshua" sabi ko ulit kay Joshua dahil sa ginawa nya.

"Inggit bleh" asar sa akin ni Mira at akala mo bata. Nagmamake face pa ang loka, irapan ko nga.

"Bree!" Pagpasok namin sa cafeteria ay agad na umalingawngaw ang boses ng isang higanteng may pangil. Tumayo sya at akmang tatakbo paplapit sa akin kaya tumalikod na ako at babalik na sana pero pinigilan ako ni Jihoon dahilan para makalapit ang higante sa akin.

"Namiss kita Bree" ng makalapit sya ay agad nya akong niyakap kahit maraming nakakakitang tao. Sinubukan kong pigilan sya pero hindi ko sya kaya. Nakita akong tawa ng tawa si Jihoon sa may tabi. Walang hiya talaga tong Hobbit na to, masaya talaga sya kapag may naaasar na ibang tao eh. Kaya di natangkad eh, sobrang sama ng ugali.

"Ano ba Mingyu!" inis na sabi ko sa kanya habang pinipilit pa rin na kumawala sa pagkakayakap nya sa akin. Hello! Nasa cafeteria kaya kami at ang dami ng nakatingin sa amin oh.

Niluwagan nya yung pagkakayakap nya sa akin, akala ko tapos na pero maya-maya ay pinisil naman nya ang mga pisngi ko.

"Ang cute-cute talaga ng girlfriend ko" sabi nya at mukhang tuwang-tuwa pa sya sa ginagawa nya. Sinuntok ko nga sa tyan, ayun napangiwi.

"Girlfriend? Mukha mo di tayo talo!" Inis sa sabi ko sa kanya sabay flip hair habang naglalakad papalapit sa mesa nila Mira na nakain na ngayon. Tignan mo tong taong to, walang konsiderasyon sa ibang nagugutom.

"Sus, alam ko namang nahihiya ka lang eh. Amin----" bigla kong tinakpan ng kamay ko ang bibig ni Mingyu kahit na nahirapan ako kasi sobrang tangkad nya ng makita ko yung crush ko na pumasok sa cafeteria naming mga Juniors. Seryoso syang lumapit sa counter at nagtingin ng mga pwedeng kainin doon. Ang gwapo nya talaga! Siguro nabasa na nya yung sulat ba ibinigay ko kasi nagpunta sya sa cafeteria ng Juniors. Sinabi ko kasi sa sulat ko na mas masarap ang pagkain sa Cafeteria ng Juniors kesa sa Seniors.

Napakunot na lang ako ng sunod kong makita si Mingyu na kinaka-usap na yung crush ko sa may counter, gusto ko sanang lumapit kaso nahihiya ako.
Hanggang sa makabili na yung crush ko at paglabas sa cafeteria ay magka-usap sila ni Mingyu. Nung pabalik na sya ay agad akong kumapit sa mga braso nya at nakangiting nagtanong. "Kilala mo ba sya?" Malambing na tanong ko sa kanya. Tumango sya at ngumiti sa akin.

"Talaga? Anong pangalan nya?"

"Sus yun lang pala eh" Ang tagal bago nakasagot ni Mingyu, napatigil sya sa paglalakad at napakamot sa ulo nya.

"Hindi ko alam eh, ang alam ko lang Jeon ang apelido nya" napabitaw ako kay Mingyu dahil sa sinabi nya.

***
Pakiramdam ko lalabas ang puso ko sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito. Tinignan ko yung orasan na nakalagay sa kaliwang braso ko at nakita kong magiiisang oras na akong naghihintay.

Darating pa kaya sya?

Maya-maya ay may biglang humawak sa braso ko at pinaharap ako sa kanya. Nagulat ako ng makita ko yung Captain ng Basketball team na nakatingin sa akin ng masama.

Binitawan nya yung braso ko at hinawakan yung mga pisngi ko saka ako hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko dahil doon.

Matapos nya akong halikan ay may kinuha sya sa bulsa ng pantalon nya at ibinato sa akin ang mga iyon.
"Ayan naman ang gusto mo di ba? Pinagbigyan na kita! Pwede ba tigilan mo na yung paglalagay ng mga walang kwantang bagay sa locker ko? Nakakainis na kaya!" matapos yon ay umalis na sya.

Napatungo ako at nakita ko yung mga pamilyar na papel na gabi-gabi ay pinagpupuyatan kong lagyan ng design at gandahan ang sulat para sa mas maintindihan nya yung gusto kong sabihin.

Isa-isa ko itong pinulot at tumingin doon sa Captain ng Basketball Team na naglalakad na palayo sa akin.

Ang tanga mo Mira.

--------
After 12345678910 years. T_T MAY UD NA!.

May ipuplug ulit ako haha, pakibasa yung Seventeen imagines ni doubleJi_jkn at yung bagong Joshua FF ni swaegchen na Gentleman. Hoho Dali mga Co-Carat~~~

JeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon