W

1.1K 71 22
                                    

W

Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nung masaksihan ko ang naglalagablab na break-up ni Kara at Team Captain. Hanggang ngayon ay galot na galit pa rin sa akin ang mga supporters nila, nangani-ngani nga akong awayin buti na lang at nandyaan si Mira, pero kasalanan nya pa rin kung bakit sila nagbreak.

Nalaman na din ni Umma yung ginawa ko at pinagalitan nya ako. Keso ganto, kakabae ko raw na tao ako pa daw yung nagawa ng move para mapansin ng lalaki kesyo ganyan. Hindi ko na lang din sya pinansin, magsasawa din naman sya eh.

"Ms. Moon!" Nagulat ako ng biglang may sumigaw ng pangalan ko kaya bigla akong napatayo.

"Neh!" Sigaw ko rin tapos nakita kong nagtawanan ang mga classmates ko, aba gago tong mga to ah.

"Why are you sleeping in my class?" Galit na galit na asik ng teacher namin sa history. Kasalanan ko bang nakakantok sya magturo at parang panghele yung boses nya?

"Mianheyo" hingi ko ng paumanhin.

"Detention, Ms. Moon" seryosong sabi nya sa akin kaya napailing na lang ako.

"Mingyu naman eh!" Inis na sabi ko kay Mingyu habang hinihila nya ako papuntang gym. Panoorin ko raw yung practice nila ng basketball, opo natanggap po sya sa team at next next week ay lalaban na sila sa Basketball League at makakalaban nila ang ibang school dito sa lugar namin.

"Dali na Bree, maging supportive na girlfriend ka naman!" Napatigil ako paglalakad dahil sa sinabi nya, dahil megaphone ang boses ni Mingyu, halos marinig ng buong school ang boses nya. Nakita ko ang pagkagulat sa mga ibang estudyanteng nasa field at ang bulungan nila.

Sinamaan ko ng tingin si Mingyu dahil sa nangyayari. "Sorry Bree" mahinang sabi nya. Biruin mo na ako na panget ako wag lang gawing biro na girlfriend mo ako. Mababaw na kung mababaw pero para sa akin di magandang biro yung sinabi ni Mingyu. Aware naman ako na crush nya ako dahil nyang sinasabi, walang hiya kasi yang si Mingyu pero yung sinabi nya kanina? At sa harap pa ng naraming tao? Sumobra ata sya.

Tinalikuran ko sya at galit na naglakad papuntang Detention Room para mabigay yung Detention Slip na ibinigay sa akin ni Mr. Min.

"Gym, after ng practice ng Basketball Team" nanlaki ang mata ko sa sinabi nung nasa Detention Room. Ipalinis daw ba sa akin yung buong gym?

"Jinjjayo? Jeongmalyo?" Pinirmahan nya yung Detention Slip ko at ibinigay iyon sa akin.

"Yes, papirmahan mo kay Coach o kaya kay Wonwoo tapos balik mo na bukas kasi wala na ako pagtapos mong maglinis eh" nang-aasar ata to.

Mas badtrip na talaga ako ngayon, pumunta ako ng gym at umupo sa isa sa mga bleachers para hintayin silang matapos magpractice. Duh 5:00 pa lang at 8:00 pa ang tapos ng practice nila kaya mahihintay pa ako ng 3 oras!

Nakita ako ni Mingyu na naka-upo sa mga bleachers, hindi pa sila nagsisimula kasi wala pa yung Team Captain nila. Lumapit sya sa akin pero lumayo ako.

"Bree naman, sorry na!" Sabi nya sa akin pero di ko pinansin. Wala akong pake sa kanya ngayon.

"Uy LQ" asar din sa amin ni Jihoon na naglalakad papalapit sa amin. Inirapan ko nga, tong pandak na ito sarap tirisin minsan eh.

"Bree" lumuhod pa si Mingyu sa harapan ko pero di ko pa rin sya pinansin, nasa na ba yung Team Captain nila para magsimula na at matapos na sila at malinis ko na tong gym. Di nga ako naglilinis ng kwarto ko tapos ipapalinis sa akin tong gym?

"Pwede bang mamaya na yang landian nyo dyan?" Biglang may nagsalita sa likuran ni Mingyu, agad syang napatayo ng makita nya yung Team Captain nila na nakatayo sa likod nya. Nagtama ang mga paningin namin at ang sama ng tingin nya sa akin.

"Oy Mingyu! Mamaya mo na suyuin yang menopausal mong girlfriend" Pakyu Jihoon, Pakyu!
Tumakbo na si Mingu papalapit kay sa nga team mate nya at nakita kong binatukan nya si Jihoon pero gumanti ito ng suntok.

"Baka gusto mong umalis dito sa gym, Ms. Relationship Ruiner?" Sarcastic na tanong sa akin nung team captain nila. Alam mo yung badtrip ka nga, gagatungan pa?

"Alam mo Team Captain, magsimula na lang kayo Ok? Wag nyo kong pansinin dito" sagot ko sa kanya, gusto ko syang pagmalditahan kaso lang tinatamad na ako kasi pagod na ako.

"Sorry miss, hindi kasi kami nagsisimula ng may ibang taong nanonood" inilabas ko yung Detention Slip ko mula sa bulsa ng palda ko at ipinakita iyon sa mukha nya.

"Ok na ba?" Tanong ko sa kanya, kinuha nya iyon at tinignan.

"Detention eh? Trouble maker ka pala talaga?" Hinablot ko mula sa kanya yung Detention slip ko at umakyat sa mas mataas na parte ng bleachers, baka hindi na ako makapagpigil at masapak ko na sya.

"Arghhh!" Napamulat ako ng mata ng makarinig ako ng isang sigaw. Naalala kong maglilinis pa pala ako ng gym kaya agad akong tumayo, nakatulog pala ako. Napansin kong patay na yung ilaw ng buon gym pwera dun sa dalawa. Inilabas ko yung cellphone ko at nakita kong 8:30 na.

Pagtayo ko mula sa pagkakaupo ay nakita ko may tao pa. Nasa gitna sya ng court at ang daming bolang nakakalat.

"Answer the phone juseyo" paulit-uit nyang sinasabi, dahan-dahan akong bumaba para tignan kung sino sya.

"Kara, jebal" napatigil ako ng marinig ko ang pangalan na iyon. Hindi ko na kailangang makita ang mukha nya para malaman kung sino sya. Ibinaba nya ang cellphone at nakita ko ang pagtaasa at pagbaba ng mga balikat nya kasabay nun ang pag-iyak nya. Siguro ang swerte ni Kara, naiingit tuloy ako.

Gusto ko sana syang icomfort kaso baka magalit sya sa akin, ayoko rin sya iwan baka mamaya kung anong gawin nya dito mag-isa. Sinimulan kong pulutin isa-isa yung mga bolang nakakalat at dahan-dahan ko iyon iniligpit. Gusto ko ma tong matapos at baka hinahanap na rin ako sa bahay.

Papapirmahan ko na lang to kay Coach bukas ng umaga. Napulot ko na lahat ang natitira na lang ay yung bola sa tapat ni Team Captain. Dahan-dahan pa rin ako sa paglapit sa kanya habang tinitignan syang umiyak, masakit siguro talaga.

Aabutin ko na sana yung bola na malapit sa kanya ng hawakan nya ang kamay ko at hilahin ako papalapit sa kanya.

"Oh!" Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko habang yakap-yakap nya ako at mas nahigpit ang yakap nya.

"Dasi Oseyo" bulong nya sa akin.
*Please comeback*

----

JeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon