O

1.2K 85 14
                                    

O

"Hindi mo ba ako namiss Bree?" Pangsampung beses na atang tinanong ni Mingyu sa akin ang tanong na yan, nandito sya sa bahay para mangulit.

"At bakit naman kita mamimiss? Balik na tanong ko sa kanya, umurong sya ng konti para mas mapalapit sa akin.

"Kasi halos isang linggo din tayong hindi nagkita, busy ako sa practice eh" sagot nya, paglingon ko ay sobrang lapit ng mukha nya sa akin at taas baba ang mga kilay nya. Tinulak ko nga para lumayo sya sa akin.

"Wala ba kayong practice, dun ka mangulit wag sa akin" asar na sabi ko sa kanya. Wala talaga ako sa mood na makipag-asaran sa kanya ngayon. Ewan ko ba, pakiramdam ko may mangyayari na hindi ko gusto.

"Wala nga kaming practice, may injury pa si Captain tsaka magpapasukat pa kami ng jersey mamaya, sama ka?" Yaya nya, nung marinig ko yung word na Captain bigla akong nag-alala. Ok na kaya si Team Captain ngayon?

Matapos kong kausapin si Kara nung isang araw, nakita ko silang magkasama nung sumunod na araw. At nung araw na iyon, nakita ko ring masayang nakangiti si Team Captain, at may kung ano sa akin nung mga oras na nakita ko iyon.

"Gwenchanayo?" Napatingin ako kay Mingyu matapos kong marinig yung tanong nya, naalala ko na naman yung pangyayari na iyon at hindi ko maiwasang hindi malungkot. Pakiramdam ko maiiyak ako sa tuwing naaalala ko na magkahawak kamay silang dalawa dahil inaalalayan ni Kara si Team Captain.

"Neh, umuwi ka na. Wala akong ipapakain sayo dahil wala si Unnie ngayon" sabi ko sa kanya. Tumayo ako at agad akong pinigilan ni Mingyu na umalis dahil nakita nya na pababa na ng hagdan si Dane. Nung mapansin ni Dane na nasa likod ko si Mingyu ay agad syang kumahol at lumapit sa amin.

"Bree!" Parang batang sumbong nya sa akin at nakahawak pa sa mga balikat ko habang papalapit sa amin si Dane.

"Ano ba Mingyu!" Asik ko, ang bigat kaya ng mga kamay nya! Tinawag ko si Dane at pinaakyat ulit sa taas para hindi na mangulit si Mingyu pero hindi umakyat si Dane sa taas sa halip ay pumunta sya sa may pinto at lumabas.

Inalis ko yung pagkakahawak sa akin ni Mingyu at agad hinabol si Dane dahil kung makakalabas ng bahay si Dane ay mapapagalitan ako ni Unnie. Nakita ko si Dane na gustong buksan yung gate namin. Kahol din sya ng kahol kaya lumapit ako doon at binuksan iyon, agad naman syang lumabas at maya-maya ay may sumigaw.

"Wag kang lalapit!" Binuksan ko ng malaki yung gate namin at nakita ko si Team Captain na pilit na lumalayo dahil lumalapit sa kanya si Dane.

"Dane!" Nalapitan ko si Dane at pinapasok sya sa loob ng bahay, nagkasalubong pa sila ni Mingyu.

"Captain, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Mingyu kay Team Capatain ng makita nya ito. Tumingin si Team Captain sa akin bago kay Mingyu.

"Nasabi kasi sa akin ni JiHoon na dito nakatira si Aubrey, hinatid ko si Kara dito kaya naisipan kong dumaan lang para magpasalamat" sagot ni Team Captain, tumingin ulit sya sa akin at ngumiti ako sa kanya.

"Gwenchanyo, ginawa ko lang yung dapat. Sana bumalik na sya sayo" parang may nakabara sa lalamunan ko habang sinasabi ko ang nga salitang iyon. Ngumiti din sya akin tapos nagpaalam na, sumabay na rin si Mingyu kay Team Captain pauwi.

Umakyat ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Iniisip ko pa rin kung ano bakit ko nararamdaman yung nararamdaman ko ngayon. Aware akong nasasaktan ako dahil nagseselos ako pero wala akong karapatan di ba? Kasi dapat saya ang nararamdaman ko dahil unti-unti na silang bumabalik sa dati, nung mga panahong wala pa ako sa buhay nila, nung mga panahong wala pa akong pakielam kay Team Captain.

Maya-maya ay umakyat si Dane sa kama ko at tumabi sa akin, niyakap ko sya at napaiyak ako.

"Dane, gusto ko na ata sya. Gusto ko na ata si Team Captain"

***
"Continue your studies here Aubrey" napatahimik ako ng sabihin ni Halmoni na gusto nyag ipagpatuloy ko ang pag-aaral ko sa Italy, sa bansa kung nasaan sya ngayon. Matagal ko ng gusto pumunta sa Italy dahil alam kong sobrang ganda doon pero ngayon na pag-aaral na ang usapan matagal na akong hindi payag doon. Hindi ako ganon kagaling sa English at mas lalo sa Italian kaya alam kong mahihirapan lang akong tumira doon.

Isa pa ayokong iwan si Mira kahit madalas nya akong hindi kakilala dahil sa boyfriend nyang si Joshua, si Mingyu na kahit sobrang kulet at feeler ay palagi namang nandyaan para sa akin, si JiHoon na madalas mang-asar pero maasahan pa din naman at si Team Captain, gusto ko kapag umalis ako ay maayos na talaga sila ni Kara.

"Halmoni" tawag ko sa kanya. Wala na akong maisip na ibang dahilan para hindi nya ako kulitin na doon mag-aral sa ibang bansa.

"Malapit ng natapos ang school year nyo di ba? Dito ka na magtapos ng highschool at dito ka na rin magcollege" ramdam ko ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko, ayokong umalis pero mukhang matutuloy na talaga.

"Halmoni" tawag ko ulit sa kanya pero hindi nya pa rin pinapansin ang pagtawag ko sa kanya.

"Ipapaayos ko na ang mga papers mo Aubrey, next week pwede ka ng bumiyahe papunta dito" mukhang desidido na talaga si Halmoni. Pinunasan ko yung mga luha ko at inilayo yung cellphone sa akin bago huminga, ayokong marinig ni Halmoni na naiyak ako.

"Halmoni pwede bang favor?" Sabi ko sa kanya, tinanong nya kung ano iyon ar ipinaliwanag kong pupunta ako ng Italy kapag pinayagan nya ang gusto kong mangyari.

"Next month na lang alis ko, gusto ko pang makasama si Mira Halmoni" White lies, Aubrey, white lies. Totoo na gusto ko pang makasama si Mira pero hindi lang iyon. Gusto kong siguraduhin na magkakabalikan na si Team Captain at Kara bago ako umalis, in that way wala akong maiiwan na unfinished business.

-----

JeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon