W

1.1K 83 13
                                    

W

"Tumayo ka na kasi dyan!" Sigaw ko kay Team Captain habang nagpapahinga sya sa bleachers. Nakita nya kasi si Kara na dumaan at masayang kausap si Park Jimin Oppa, yung magaling na leader ng Dance Troupe ng school namin. Oo, kahit hindi katangkaran yun ang lakas ng dating lalo na kapag nagsasayaw, kaya dapat lang makaramdam ng kaba si Captain. Nakikita kong kasama nya si Hoseok Oppa at minsan si Jungkook Oppa sa pagsasayaw.

Naalala ko naman sya, nalaman kong girlfriend nya pala yung nagtext sa kanya nung nakaraan at matagal na sila. Sabi nila, trainee daw yun ng isa sa Big 3 company's di lang ako sure kung SM, YG o JYP eh, basta isa dun sa tatlo.

Araw-araw na rin kaming magkasama nitong si Team Captain dahil nga kung hindi ko pa sya pipiliting magpractice ay hindi sya magpapractice. Kagaya ngayon nakatulala na naman sya.

"Yah!" Sigaw ko kaya napalingon sya sa akin pero mukhang wala pa rin syang balak magpractice.

"Paano mo makukuha pabalik si Kara kung hindi ka naman magpapratice, ano mananalo ba kayo kung tutunganga ka dyan dahil lang na nakita mo syang kasama si Jimin Oppa?" Lintaya ko sa kanya. Ang hirap na mag-alaga  Bata! Mas mahirap mag-alaga ng isip bata, namumuti at kumukulot na ang buhok ko sa kanya.

Pinunasan ko yung pawis ko gamit ang likod ng palad ko bago ihagis yung bola, ang aga kong gumising para sa kanya tapos dahil lang sa nakita nya babalewalain na nya ako! Hustisya naman oh!.

Pumunta ako sa mga bleachers at kinuha yung bag ko doon saka yung lunch na ginawa ko para sa kanya. Inilagay ko iyon sa gilid nya saka tuluyang lumabas ng gym, mangongopya pa ako ng assignment kay Mira.

***
Habang naglalakad kami ni Mira ay bigla kong nakita si Team Captain na nakatayo sa may gilid. Nagpa-alam ko kay Mira na pupuntahan ko lang sya para alamin kung kinain na nya yung lunch na ginawa ko para sa kanya. Hindi kasi sya gaanong nagkakakain ngayon kaya palagi ko syang ginagawan ng lunch. Ako na mukhang yaya dahil sa ginagawa ko, ewan ko pakiramdam ko responsibilidad ko sya dahil alam kong ako ang naging sanhi ng break-up nila kaya ayun, ginagawa ko ang lahat para magkabalikan sila.

"Team Captain, kumain ka na ba? Kinain mo na ba yung lunch na ginawa ko para sayo?"  Tanong ko sa kanya, nakatayo lang sya doon at nakatalikod sa akin. Maya-maya ay nakita kong sumilip si Kara na nasa harapan pala ni Team Captain ngayon.

"Tss, akala ko ba hindi ka pa kumain? Ginawan ka naman pala ng new girlfriend mo ng lunch eh" sarkastikong sabi ni Kara sabay alis na. Napapikit naman ako dahil sa nangyari, kasalanan ko na naman to panigurado.

Dahan-dahan syang humarap sa akin at halata sa kanya na nagalit sya sa nangyari.

"Pasesnya! Hindi ko alam na nandyan sya eh" depensa ko pero hindi pa rin nagbago ang mga tingin nya sa akin. Maya-maya ay umiwas sya ng tingin at dinaanan ako at talagang binangga nya pa ang balikat ko, muntik na tuloy akong matumba.

Habang tinitignan ko syang naglalakad palayo sa akin, naiisip kong mahihirapan na naman akong suyuin sya.

***
At kagaya ng tawag sa akin si Team Captain na Trouble Maker, nakagawa na naman ako ng bagay na magdadala sa akin sa detention room.

Matapos na hindi kunin ni Kara yung lunch box kanina ay nakita kong sinadya ni Team Captain si Kara sa room nila para ipaalam na gusto nyang ihatid mamayang uwian si Kara sa bahay nila. Narinig ko lang naman na sinusulsulan ng bestfriend ni Kara si Kara na wag siputin ni Team Captain mamayang uwian. Ayun, sinabunutan ko nga kaya heto ako ngayon, nag-aayos ng mga libro sa library bilang kaparusahan.

Matapos kong mag-ayos ay nagpaalam na akong uuwi dahil gabi na at malakas ang ulan. Inilabas ko yung payong ko at tumakbo papalabas ng school. Nung tatawid na ako ay napatigil ako dahil may nahagip akong isang pamilyar na pigura na naghihintay sa gitna ng ulanan.

Nilapitan ko sya at pinayungan. Nakatungo sya pero kita kong napangiti sya, maya-maya inangat nya ang tingin nya ng mapansin nyang hindi na sya nababasa ng ulan.

Nakita kong nawalan ang mga ngiti sa labi nya ng ako ang makita nya at hindi si Kara, agad ding nag-iba ang aura nya at napalitan ito ng galit.

Tinabig nya ang payog na hawag ko kaya nabitawan ko iyon dahilan para mabasa rin ako. Sinamaan ko sya ng tingin at pinulot ulit yung payong at muli syang pinayungan, pero inalis nya ulit iyon at naglakad palayo sa akin.

Sinundan ko sya at muling tumayo sa harapan nya, halatang inis na inis na sya sa ginagawa ko.

"Pwede ba! Umalis na nga! Hindi ko kailangan ng payog mo!" Inis na sabi nya sa akin pero inirapan ko lang sya. Sumilip ako sa loob ng school at nakita kong naglalakad palabas si Kara kasama si Jimin Oppa at pinapayungan pa sya nito. Humarap kay Team Captain at nakita kong napahigpit ang kapit nya sa payong na dala-dala nya. Opo, may dala-dala syang payong pero hindi nya ito ginagamit.

Lalapitan sana ni Team Captain sila Kara na malapit na ring lumabas ng gate pero hinakawan ko ang kamay nya para pigilan sya. Nung humarap sya sa akin ay nakasimangot na naman sya, umiling ako.

Bakit ba hinahayaan nyang saktan sya ng isang babaeng hindi naman alam ang halaga nya? Alam kong wala akong karapatang magtanong pero sa nakikita ko sa kanya araw-araw pakiramdam ko nagiging tanga na sya.

Inilagay ko yung payong ko sa kamay nya "Sa tingin mo ba kapag nagpaulan ka hindi ka magkakasakit? At kapag nagkasakit ka sa tingin mo makakasali sa competition?" Sabi ko habang nakatingin sa baba, inangat ko yung tingin ko at nagtama ang mga paningin namin.

"Sa tingin mo ba mananalo ang basketball team kapag nagkasakit ka? At kapag hindi nanalo ang basketball team, sa tingin mo makukuha mo pabalik si Kara?"

"Wag kang magpapa-ulan, baka magkasakit ka" dagdag ko pa bago tuluyang iwan sya hawak ang payong ko at ako ang nababasa ng ulan.

Bakit ko binigay yung payong ko sa kanya? Nababaliw na rin ata ako.

---

JeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon