'

1.2K 95 40
                                    

'

Bigla na lang napatigil si Mira sa paglalakad ng sabihin kong ililibre ko sya, nilingon ko sya at namumuo na ang mga luha sa mga mata nya. Nilapitan ko sya at tinanong kung bakit sya naiyak pero mas lumakas lang ang iyak nya.

"Mamamatay ka na ba bukas Bree?" Naiiyak na tanong nya sa akin, nagulat naman ako sa sinabi nya. Gago talaga tong babaeng to.

"Sino bang artista ang gusto mong makita para macontact ko na sila at makita mo man lang sila bago ka mawala dito sa mundong ibabaw" dagdag nya pa, pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao dito sa mall. Inaya ko syang pumunta dito dahil gusto ko syang makabonding. Pumayag si Halmoni na sa isang buwan pa ako aalis, sakto pagkatapos ng championship.

Hinila ko sya sa may sulok, pinunasan nya ang luha nya at ibinigay ko naman sa kanya yung panyo ko. "Ano bang sinasabi mo?"

"Eh kasi manlilibre ka, sa sampung taon nating pagkakaibigan ngayon mo lang ako ililibre, magugunaw na ba ang mundo?" Batukan ko nga ang gaga, langya to. Porket ililibre ko sya ay magugunaw na daw ang mundo at mamamatay na daw ako bukas. Ang sarap talaga maging kaibigan ni Mira Lee.

"Hindi magugunaw ang mundo at mas lalong hindi pa ako mamamatay pero" hinawakan ko ang kamay nya at maharang pinisil ang mga iyon. "Aalis ako Mira" seryosong sabi ko sa kanya. Binawi nya ang kamay nya mula sa pagkakahawak ko at binatukan ako.

"Gago, wag ako. Ikaw aalis? Di ka nga makakain ng wala ako tapos aalis ka pa?" Ramdam ko ang pagbara ng lalamunan ko sa sinabi nya, pinipigilan kong huwag umiyak. Oo, Mira tama ka pero totoo yung sinasabi.

"Halika na nga! Ililibre na lang kita, wag ka ng umiyak. Lalo kang pumapanget" sabi ko sa kanya saka sya hinila papunta sa isang restaurant na palagi naming kinakainan.

Pagkatapos naming kumain ay bumili din kami ng mga damit at nanood ng sine. Halos buong maghapon kaming nasa mall at ginawa ko ang lahat para sabihin sa kanya na aalis na ako pero ayaw nya talagang maniwala.

***
"Anong libro ba hinahanap mo?" Tanong ni Mingyu sa akin habang nakasunod sa library. Naghahanap kasi ako ng libro na pwedeng pagkunan ng maraming inpormasyon about history. Binigayan kasi ako ni Mam ng report, dito ako naghahanap sa library kasi alam kong mas marami akong makukuha sa mga libro kesa sa internet. Gusto kong makabawi sa lahat ng kalokohan ko bago ako umalis.

May nakita akong History book kaya agad ko itong kinuha at tinignan. Lumapit sa akin si Mingyu at tinignan yung librong hawak ko. "History?"

Wala akong nakitang inpormasyon about sa topic na ibinigay sa akin ni Mam kaya ibinalik ko na iyon sa pinagkunan ko.

"Wala ba kayong practice?" Sabi ko kay Mingyu na nakikihanap na din ng libro ng history. Napansin kong inilabas nya yunh cellphone nya at may tinignan tapos umiling saka ibinalik ulit sa loob ng bulsa ng pantalon nya.

"Mamaya pa yon, hindi pa nagtetext si Jihoon" sagot nya tapos bumalik na ulit sya sa paghahanap. Nagsimula na silang magkipaglaban sa iba't-ibang teams at lahat ng laban nila ay panalo kaya naman malaki ang chance na makapasok sila sa Finals. Kahit anong kulit sa akin ni Mingyu na manood ng laro nila ay isang isang beses lang ako nakapanood, nasaktuhang bangko pa sya kaya palagi ko syang inaasar. Pero sabi naman sa akin ni Jungkook Oppa, magaling si Mingyu sa laro pero wala pa rin daw tatalo kay Team Captain.

Tinanong ni Mingyu kung anong topic yung hinahanao ko kaya sinabi ko naman, naghiwalay kami sa paghahanap para mas mabilis. Nakarating ako dun sa dulong parte ng library, may nakita akong isang makapal na libro ng History kaya kinuha ko iyon at tinignan kung may makukuha ako. Madami namang information ang nakita ko kaya kukunin ko na yung libro ng mapatingin ako dun sa butas na nagawa dahil sa pagkuha ko ng libro.

Napatigil ako ng makita ko si Team Captain na nakaupo doon at nakapikit at may hawak na libro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napatigil ako ng makita ko si Team Captain na nakaupo doon at nakapikit at may hawak na libro. Napatitig ako sa mukha nya na mahimbing na natutulog ngayon at naramdaman kong bumibilis ang tibok ng puso ko. Aware akong habang natagal at pinipilit ko ang sarili ko na huwag ng makita sya ay lalo lang akong nahuhulog sa kanya, at hindi ko iyon nagugustuhan lalo pa't aalis na ako.

Kusang gumalaw ng mga paa ko at lumapit sa kinaroroonan nya. Sinilip ko yung librong binabasa nya at mukhang isa iyong love story na may pamagat na Kajima. (kunyari may librong ganon haha XD)

Umupo ako sa tabi nya at pinagmasdan ang maamo nyang mukha habang natutulog sya. Bigla syang ngumiti, siguro maganda yung panaginip nya, maya-maya ay sumandal ay ulo nya sa balikat ko.

Hindi ako makagalaw dahil doon pero gusto ko yung pakiramdam na malapit sya sa akin.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi kita tinatawag sa pangalan mo?" Tanong ko kahit alam kong hindi nya ako masasagot. Ngumiti ako habang pinipigilang tumulo yung mga luha ko.

"Baka kasi kapag ginawa ko yun, mas lalo na akong mahulog sayo"
Sinagot ko yung sarili kong tanong kasabay nun ang pagtulo ng mga luha ko.

"Ayokong mahulog sayo eh, kasi alam kong mas magugustuhin mo pa rin si Kara kasi umepal lang naman ako sa love story nyo di ba? Pero bakit ganon? Parang ayaw na kitang ibalik sa kanya, gusto ko sa akin ka na lang, Jeon Wonwoo"

***
"Aalis ka daw?" Tanong sa akin ni Joshua pagdating na pagdating ko sa gate ng school namin kinabukasan. Nakaharang silang lima aa dadaanan ko, si Joshua, Jihoon, Seungkwan, Minghao at si Mingyu.

Napatingin ako kay Mingyu at kita kong malungkot sya. Bumuntong hininga ako bago tumango.

"Oo, aalis ako kasi malalate na ako sa klase ko kaya umalis na kayo dyan sa dadaanan ko" sagot ko sa kanila sabay daan sa gitna nila kahit alam kong masasaktan lang ang mga balikat ko sa kanila, pinadaan naman nila ako pero hindi pa ako nakakalayo ay may humawak sa braso ko at paglingon ko ay nakita ko si Mingyu na seryosong nakatingin sa akin. Magsasalita na sana sya ng biglang may magsitilian.

Nakatayo si Kara malapit sa lugar kung nasaan yung mga locker at kaharap nya si Team Captain. Maya-maya at nakita kong napakamot sa batok nya si Team Captain habang may hawak na gatas.

 Maya-maya at nakita kong napakamot sa batok nya si Team Captain habang may hawak na gatas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nahihiyang inabot nya iyon kay Kara kaya napatingin ako sa baba. Sunod ko na lang na naramdaman ay hinila ako papalapit ni Mingyu sa kanya at niyakap ako ng mahigpit.

"Hindi ka naman aalis di ba? Hindi mo iiwan?" Tanong nya.

------
Hello!
May nagbabasa pa ba?? Haha XD

JeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon