**
Nandito kami sa school grounds at nag-iinuman ang barkada.. Ops-ops!! SODA lang ah! Bawal kaya lalo na at nasa campus kami. Tawanan palagi sa table namin dito, may bench at tables kasi dito sa ground ng school kung saan pwedeng tumambay at mag-aral. May malalaking puno naman kaya hindi mainit. Halatang marami ang nagpapacute sa grupo namin. Di ko pala nabanggit, SIKAT KAMI sa school, ako--- Rizon Vin Cleo, mga barkada kong sina Zeke Ishmael; Corby Blue Montez; Micco Paz at Arjhun delos Reyes, lahat senior highschool students.. Iba-iba kami ng fields kung saan kami nag-eexcell pero nagkakasundo parin kami ng maayos.
Mahilig ako sa ARTS, ang magdraw, paint, sketch, photography or anything na related sa Arts. Kaya kami sikat dahil doon not to mention dahil na rin sa *ehem* KAGWAPUHAN NAMIN. *ehem*
Habulin daw kami ng mga babae, matanda man o bata, panget man o maganda, kahit nga rin mga BINABAE eh hinahabol at pinagkakaguluhan kami.. Pero di ko naman sila pinapansin. Wala akong panahon sa mga ganyan, kaya nga sinasabihan akong SNOB.. Pake ko? Pero kahit ganon, marami parin ang mga umaaligid. Tae! Hindi ba sila napapagod kakasunod sami----"AW!" sigaw ko ng matamaan ako ng bola sa mukha.
Tiningnan ko ng masama sina Corby, Micco at Zeke na naglalaro sa bola na tumama sa POGI kong mukha. "Yo, Zeke!" siya kasi ang nakatama sakin, "GO AND GET THESE MAN!" sigaw ko sabay bato sa bola ng malakas.
"Peace, man! Haha.. Didn't mean it." tatawatawang sigaw ni Zeke na nagpeace sign pa habang hinahabol ang lumilipad na bola.
"Ang tagal naman ni Zeke! May klase pa tayo!" pagrereklamo ni Arjhun, ang GENIUS na HEARTTHROB din sa campus. "Kapag ako na late, lagot kayo sakin." dagdag niya sabay upo at nagbasa na naman.
"Tss!.. Oh, ayan na pala siya." -Micco
Kinuha niya ang bag niya nang makalapit siya samin, "Napagod ako don, ah? Tara na!" lalakad na sana kami ng, "Ayy, teka"... may inilabas siyang papel mula sa bulsa niya at ipinakita samin, "Ikaw to diba, Vin?"
O_____O
A-Ako ito ah? P-Paanong?.. Ang ganda kasi ng pagkakagawa, kalevel ko. The shading are on the right areas, the curves and features ng mukha ko ay correctly done! At charcoal pencil lang ang ginamit.
"W-H-O-A-H!!" rinig kong sabi ng mga kasamahan ko.
"Grabe, tol! Kuhang kuha ang mukha mo! Astig ah!" -Corby
Tiningnan ko si Zeke ng where-did-you-get-this look. "Nakuha ko yan sa bench kung saan naglanding yung bola ko.. Kaya nga ako natagalan kasi sinubukan kong hanapin ang gumawa niyan.. Ang galing diba, tol? ^___^ May katapat ka na." -Zeke
"May sign oh!" sabi ni Micco sabay turo sa maliit na nakasulat sa lower right side. "S-Sweet... CORN? PAGKAIN?"
"Baka mahilig sa sweet corn! ^____^" -Corby
"Teka! Sa tingin niyo babae?" -Micco, at nagbulung bulungan na sila kung babae ba o hindi.
"ANG INGAY NIYO!! MALAMANG BAKA BABAE YAN!! SI VIN ANG GINUHIT DIBA?.. IBIG SABIHIN, BABAE YAN O BINABAE NA NAHUMALING SA KAGWAPUHAN NG NILALANG NA ITO!" sabay turo sakin. "KUNG AYAW NIYO TUMIGIL MAUUNA NA AKO AT AYOKONG MALATE!!" sabay lakad paalis ni Arjhun.
O________O «« kami
Nakuu! Sumabog na si Arjhun, nakakatakot talaga ang lalaking yon.
*boooggssshhhhh*
Napatingin kami sa direction ni Arjhun, "Sorry, Cailey, di ko sinasadya." nabunggo kasi niya.
"A-ayos lang po, Pres.." -Cailey, ang kaklase naming tahimik na akala mo di nag-eexist. Nakasalamin at natatabunan ng bangs ang mata niya. Napatingin siya saglit sa direksyon namin, to Arjhun bago yumuko at umalis.

BINABASA MO ANG
[Barkada Series] The Sketch :)
Teen Fiction[COMPLETED] A typical love story that started to bloom because of a SKETCH. Let's enjoy reading the story of 'Rizon Vin Cleo' as he and his friends slowly find their way to love. This is the first part of the series. The Sketch is composed of 7parts...