"Ano ba lumayo ka nga sakin!! " Sigaw ko sa kanya. Pwede namang maglakad ng malayo sakin ee de pungal na lalaking to. Gustong inaasar ako ee.
"Parehas lang tayo ng daan na pupuntahan " Sabi nya. Malay ko ba nakatira din pala sya sa Golden Palace.
"Eh paki ko ba !!!" Sabi ko.
"Ikaw na nga sinasabayan maglakad Choosy ka pa Hahaha. Gwapo na to oh !" Nagkunwari akong nasusuka . Tiningnan nya ako ng masama. Nag Behlat nalang ako sa kanya.
~~~~~
"Wow. Ang ganda dito !" Sabi ko pagpasok ko sa Golden Palace. Kaya pala tinawag na Golden Palace , Kumikinang na Palasyo pala to. Ang ganda . Parang Shangrila lang.
"Wala ba sa bundok neto??" Sinamaan ko sya ng tingin.
"Good morning sir ^^" bati sa kanya ng Babaeng ... ewan ko ba. Nung ako na yung dadaan.. " Miss. Bawal po kayo dito !" Sabay harang sa dadaanan ko.
"At bakit ?"
"Yung mga Chaperone naghihintay lang sa labas.." eh kung suntukin ko kaya to. Lagi nalang ako napagkakamalang yaya ah.
"Ehem. Excuse me Miss , Bisita ako ng isa sa mga May ari ng Unit dito. And FYI hindi ako Chaperone.." Sabi ko. Mukha namang magkasing edad lang kami. Mukha lang syang mature ng konti.
"Sigurado ka ??" Parang nagtataka pa sya.
"Gusto mo tawagan ko pa sya para sya mismo magconfirm sayo ???" Sarcastic kong sabi. Tinarayan nya lang ako saka nya ako pinadaan.
"Mukha ka kasing Yaya ee. Ahahaha" tawa netong Mongoloid na to. Tumakbo agad ako sa Checker , Hiningi ko yung Number ng Unit ni Kuya.
"Ahh. Ma'am " tawag ko sa matanda na siguro late 40s na.
"Yes?"
"Pwede po ba pag tinanong ng lalaking yun kung anong room yung pinuntahan pwede po wag nyong sabihin ??? Please... " Pagmamakaawa ko.
"No problem Ma'am" Nginitian ko nalang sya. Sunakay agad ako ng Elevator nung papasok na si Hell. Ang taas pala ng Unit ni Kuya sa 23rd Floor pa Juskoo. Hinanap ko agad yung Unit 2409. Papasok na sana ako kaso kailangan pa pala ng passcode neto.. Ano bayan !!
Ano ba pwedeng gawing Passcode ni Kuya ??? Ehh. Makakalimutin din young katulad ko ee. Ahhhhh. Alam ko na...
Entering passcode : 1234
Aba't akalain mo nga namang nagbukas sya !!! Hohohoho. Pumasok ako at talagang namangha na ako sa loob. Parang bahay lang sya. Yung parang katulad aa Unit nina Jun Ji Hyun at Kim Soo Hyun sa My Love from the star. Ganun kabog na kabog.
"Kaya pala gustong gusto nya dito.." Tsk tsk. Umupo ako sa sofa saka nanuod ng TV. Anong oras na ba ???
1:00 am na wala pa din si Kuya.~~~
Troy Skye POVG*go talaga yung tatlo na yun. Iniwan ako dito magisa sa Bar. Tsk. Nakakatamad tuloy manchicks dito. Yung kapatid ko pang Manang tumawag pupunta daw Condo. Sira ulo talaga. Parang alam nya papunta dun Hayy naku. Makauwi na nga.
"Hoyy Pare.." pagpasok ko palang ng Golden Palace yan na agad salubong sakin ni Kyle. Nakita ko sya dito sa Labas paikot ikot.
"Maka Pare ah . G*go iniwan nyo ako sa Bar." Sabi ko.
"Tanga. Kanina pa kami nagsasabi na uuwi na kami ee busy ka manchicks dun ee. " Eh kasalanan ko bang gwapo ako ??? Wahahahaha.
"Ul*l. Bat ba aligaga ka ha ?? Tabi nga dyan. Naantok na ako !"
BINABASA MO ANG
Angel Vs. Demon
Teen FictionSimple Lang buhay nya, Tahimik Lang. Hindi sya napapansin, Loner sya. Lahat ng gusto nya nagagawa nya ng walang huhusga at papansin dun. Pero simula nang makilala nya ang Grupong kinabibilangan ng Kuya nya. Magugulo na ang lahat. Makikilala nya ang...