Juice lang naman yung ininom ko pero sumasakit yung ulo ko. Sira ulo yung si Saturn , Arrgghh ! Bwiset na bwiset talaga ako dun.
"Ang sama ng itsura mo Heaven ah ? ANong nangyari ?" Tanong ni Selene pagbalik ko sa Bar.
"Wala wala. " sagot ko.
*Phone Calling*
"Hello ?"
(NASAN KA ???) Ingay ni Kuya Takte.
"Bakit?"
(Bakit ka Dyan ! Bakit ang ingay dyan ?)
"Nasa Bar ako Kuya"
(P*TANG INA WAG KANG UUWI NG BAHAY PAG IKAW UMINOM DYAN NG ALAK AH!!!)
"Juice lang iniinom ko. Ang OA ng reaction mo ee halos gabi gabi ka ngang nasa Bar "
(Hindi naman kasi ako katulad mo pag nalalasing !)
"Oh sige na sige na. Wag kang mag alala wala akong balak uminom."
(Umuwi kana)
"Kuya naman !!!"
(ANONG SABI KO ??!)
"Eto na nga uuwi na ee . Psh"
(Good. Sige Bye)
Masyadong OA si Kuya ee di naman ako umiinom ng alak. Tss.
"Selene. Pasensya na ah ? Bukas nalang tayo magkita sa School . Si Kuya kasi pinapauwi na ako ee. Congrats pala ulit !"
"Huh? Uwi kana ? Sabay na ako !!"
"Bawal. Dat nandito ka ! Saka hindi ako sa bahay uuwi ee dun ako sa Condo ni Kuya. Sumabay ka nalang kina Eros umuwi ah ? Sige na Bye !" At nagfly na nga ako.
Nagtataka kayo kung kaano ano ko si Saturn ? Bale kinakapatid ko sya. Close naman kami ganun lang talaga turing namin sa isat isa. Sya yung tipo ng tao na may bubbly na personality. Mahihirapan kang sabayan yung gusto nya. Nakakainis lang sya pag nang aasar. LAkas nya kasi makapower trip.
~~~~~~
"Arrgh Sakit ng ulo ko " Sabi ko pagbangon ko sa Kama ni Kuya. Dun ako natulog. Panigurado sa Sofa natulog yun. Lumabas akong sala tas nakita ko syang nagluluto. "Hi Kuya !"
"Masakit ulo mo?"
"Oo." Sabi ko. Tas binato nya ako ng sandok.
"TAS SASABIHIN MONG DI KA UMINOM ? ANONG PINAGGAGAWA MO KAGABI ? JUSKOO !!"
"Ang Oa mo naman. Porket masakit yung ulo nag inom na? Di ba pwedeng masakit lang talaga?" Sigaw ko sabay upo sa sala.
"Tsss. Magbihis ka nga!" Sigaw ni Kuya. Ayy Oo nga pala. May naalala ako..
"Kuya? Tanda mo pa yung anak ni Tito Henry?"
"Yung Gagong si Saturn?"
"Yup. Sya nga!"
"Bakit? Anong meron?"
"Tumawag sakin ee." Sabi ko.
"Anong sabi?"
"Wala puro katarantaduhan lang."
"Alam mo namang may sapak sa utak yun ee. Ayan kain na !" Sabay abot sakin ni Kuya ng Sinigang. Kakain na sana ako nang mag ring yung cellphone ko.
"Unregistered number calling"
Teka ? Eto yung number ni Saturn ah. Problema na naman neto. Sinagot ko yung tawag.
"Ano na naman???"
"3"
"Ha? Ano---Ayy bastos" Bigla ba naman akong binabaan ng Tawag! Kung di ba naman Sira ulo.
BINABASA MO ANG
Angel Vs. Demon
Novela JuvenilSimple Lang buhay nya, Tahimik Lang. Hindi sya napapansin, Loner sya. Lahat ng gusto nya nagagawa nya ng walang huhusga at papansin dun. Pero simula nang makilala nya ang Grupong kinabibilangan ng Kuya nya. Magugulo na ang lahat. Makikilala nya ang...