Chapter 15 : Planning

4 0 0
                                    

Ohhh Sleep... Sleep...

*KRIINGGGGGGGG *

"Ahhh !" Napabalikwas ako nang marinig ko yung Alarm . Kanina pa to tumutunog , Anong oras na ba ? "9:40" Ahhh Okayy.. Sleep Sleep.
.
.
.
.
.
.
.
.
"9:40????!!!!! What the hell !!!" AGad agad akong bumaba tapos nakita ko si Kuya , nakabihis na at masayang nagkakape.

"Gising kana Pala Manang. Good Morning "

"Good Morning ka dyan !!! Hindi mo manlang ako ginising !!!" Sabay takbo ko sa Banyo.

"Ayaw kitang istorbohin sa maganda mong panaginip Manang. "Sabay tawa nya. Bwisit talaga.

"Kuya dalian mo magdrive !!!" sigaw ko. Late na ako ng 20 minutes oh. Eto naman pabagal bagal pa magdrive halatang nang aasar. Pagdating namin sa ***** Mall nakita ko sina Eros , Hell at Selene. Tumakbo ako papunta dun kaya hiningal hingal pa ako. "Hahhhhhh. Sorry " Sabi ko.

"Late ka ng 30 minutes. " sabi ni Hell.

"Sorry na nga ee. " sabi ko.

"Bawal magsorry Langit , Late ka ng 30 minutes sa Exact time Tsk tsk. " sabi ni Eros.

"Makalate kayo ng 30 minutes ee Kakadating nyo lang din naman -____-" Sabi ni Selene.

Sinamaan ko silang dalawa ng tingin. ANg kakapal ng mukha ee nauna lang ata sila ng 5 minutes sakin tas makalate ng 30 minutes akala mo naman Pumunta din sa exact time

"Papansin ka talaga no ?" Sabi ni Eros.

"Ee kasi hindi ako sinugaling -_____-"

"Epal !" Sigaw ni Eros.

"Gusto mo bang sipain ko ulit yan ?" Tanong ni Selene.

"Subukan mo ! Akala mo kung sino kang Matapang !!!"

"Akala mo kung sino kang gwapo !"

"Gwapo talaga ------"

"TUMIGIL NGA KAYO !" Sabay naming sigaw ni Hell. Tumahimik naman na silang dalawa.

"Okay , Anong Plano ?" Tanong ko.

"Napagusapan namin kani kanina lang na Horror booth nalang ang gawin.. Gamitin natin yung Lumang Room sa baba ng Faculty tas iaayos na tin parang Horror Booth. " Sabi ni Hell. Nasa Foodcourt kami at dito kami nag usap usap na apat.

"Masyadong magastos yun saka kulang sa oras. " Sabi ko.

"May Pera ako atsaka madami tayo sa isang Classroom. "

"Ehh magpaparticipate ba lahat ?" Tanong ni Selene.

"Ayy hindi. Hindi. Hindi... Syempre Oo !" Sagot ni Eros. Nag away na naman tong dalawa na to.

"Sige. Call Horror Booth pero dapat ilista ko na yung mga kakailanganin at ngayon na din tayo bibili. Magbrainstorm na tayo Guys " Sabi ko. Naglabas ako ng Bond Paper saka sila isa isang nagbigay ng Suggestion and Decors para sa Horror booth namin. Ang dami nilang Suggestion na tipong napuno ko yung isang buong Bond Paper , Harap at Likod.

"Malaki magagastos na tin dito for sure.. " Habang tinitingnan ko yung Listahan.

"Sige. Magsimula na tayo ..." tumayo si Hell " Eros at Selene. Kayong dalawa ang bahalang bumili ng kalahati ng Nasa Listahan at kami nang bahala ni Kyla ang sa mga natira. Before 5 dito din tayo magkita kita. " Utos ni Hell. Hindi naman na ako umangal kasi mas madali nga naman kung magkakaroon ng grupo .

"Ha ??? Ayoko nga !!! KYLE !!! SI LANGIT NALANG PARTNER KO !!" Sabay lapit sakin ni Eros.

"FEELING MO NAMAN GUSTO KITANG KASAMA !!! KINIKILABUTAN NA NGA AKO EE !" Sigaw ni Selene.

Angel Vs. DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon