Chapter 14: New Arrival

3 0 0
                                    

Napatahimik lahat ng mga kaklase ko. Maski ako din napatahimik nung pumasok yung Bagong New Student. Babae sya pero nakakatakot yung Presence nya. Yung Aura nya parang balot na balot ng kung ano.

"Introduce yourself Ms. Fernandez" Sabi Ni Sir. Nag Step Forward sya saka nagsalita.

"Selene Fernandez . 19 years Old. " Yun lang sinabi nya. Ngumunguya pa sya ng bubble gum habang nagsasalita.

"Okay. Take Your seat " Sabi ni Sir. Naglakad na sya papunta sa likuran which mean papunta sakin. Uupo ata sya sa kabilang gilid ng upuan ko. Kapag kasi Occupied yung Seat may number na nakalagay kapag vacant wala. Habang naglalakad sya biglang nagsalita si Veronica.

"Matapang ka ?" Tanong ni Veronica. Tumigil sya saka nya tiningnan si Veronica. Pinalobo nya yung Bubble Gum nya saka nagsalita.

"Bakit ? Susubukan mo ko ?" Saka sya ngumisi. Yung totoo naaastigan ako sa kanya. Ang Cool nya kasi ee. Dumiretso nga sya sa katabi kong upuan. Umupo dya dun. Juskooo napalunok naman ako.

Nung umalis sandali si Sir , Nilakasan ko na ang loob ko para makipagkilala sa kanya.

"H-hi. Ako nga pala si Heaven " Sabi ko. Nautal pa ako. Tiningnan nya ako ng seryoso. Ahhh. AYOKO NA T.T Ang Tapang ng itsura nya .

"Selene." Yan lang yung sinabi nya. Tumango naman ako , Titingin na sana ako sa harap nung mapansin ko yung peklat nya sa Noo. Parang nahiwa ng kutsilyo o kung ano mang matulis na bagay. Magkaparehas kami ng peklat sa batok. Napatitig tuloy ako dun sa peklat nya. "Nahiwa yan ng Kutsilyo"

"H-ha ?" Tanong ko. Bigla kasi syang nagsalita.

"Kanina mo pa tinititigan yang peklat ko ee. Nahiwa yan ng kutsilyo , Sinabi ko lang baka kasi Curious ka. " Sabi nya. Nakakatakot talaga sya.

"Ahhh." Nahiwa ? Ibig sabihin naaksidente sya ?

"Hindi yan aksidente. Yung Tatay ko ang gumawa nyang peklat na yan ."

WHAT ???! NABABASA NYA BA YUNG NASA UTAK KO ?

"Wag kang mag alala. Hindi ko nababasa yang nasa utak mo."

KINIKILABUTAN NA AKO. WITCH BA TO O MANGHUHULA T.T

"Hindi ako Mangkukulam ah. Hindi din ako Manghuhula. Yung Facial Expression mo napaka Visible ang daling alamin kung anong iniisip mo " Sabi nya. Ang Kapal nung Eyeliner nya sa mata. Pero hindi sya yung malandi na pagkakalagay ng Eyeliner. Parang sa mga Rockstar na eyeliner.

"Ahhh. Sorry , " Sabi ko. "Ahhh. Hindi naman sa Feeling Close. Sabi mo Tatay mo ? Gumawa nyang Peklat ?" Tanong ko. Tiningnan naman nya ako ng seryoso. "Ah.. Eh. Hindi Joke lang ... Ayyy Ano pala Sorry Personal ata. " sabay yuko ko.

"Hiniwa nya yang Noo ko kasi gusto nya na akong mamatay." Yan lang yung sinabi nya .

Gusto na ng papa nyang mamatay sya ? Tsk. Parang si Mama at Papa lang ah. Si Mama , Hiniwaan nya din yung batok ko kasi gusto nya din akong mamatay nung mga oras na yun.

"Napatahimik ka ?" Tanong nya.

"Ahhh.. parehas kasi tayo. " Sabi ko.

"Parehas ?" Hinawi ko yung buhok ko saka ko nilagay sa gilid para maipakita ko sa kanya yung batok ko.

"Yang Peklat na yan sa batok ko. Gawa ng Mama ko , Nung nagpakamatay sya Gusto nya din akong isama kaya Hiniwaan nya yan gamit ng kutsilyo. Kung hindi dumating yung kuya ko baka natuluyan na ako " Sabi ko. Pagtingin ko sa kanya Nakangiti sya. Ang Ganda nya ee..

"Kaya pala... Sige Kinagagalak kong makilala ka Heaven." Nginitian ko sya. Tumingin na sya sa harap kaya tumingin na din ako dun. Ang angas talaga ng dating nya. Selene daw ? Goddess of Moon. Simple lang yung Porma nya. Luma na yung Palda at Blouse nya pero malinis pa ding tingnan. Siguro hindi sya galing sa Marangyang pamilya. Kahit naman ganun panigurado makakapasok sya , Mukha syang matalino ee.

Angel Vs. DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon