Chapter 18 : Anonymous and Pageant

5 0 0
                                    

"WAHAHAHAHAHA !" Sabay pa rin naming tawa ni Sam. Hindi kasi namin makalimutan yung Epic Face ni Eros nang makita nya yung Mega Transformation ni Selene. Magkasama kami dito ni Sam saka ni Ares sa may Music Room kasi nagpapahinga na din kami. Nagmeeting ang mga representatives kasama ang Presidents so wala si Hell saka si Selene , Si Kuya sabi nila inaasikaso daw yung booth nila kasi sya daw incharged dun, Si Eros ? Yung Baliw na yun ewan namin kung nasan xD Pakalat kalat siguro kasi hindi talaga makapaniwala ang Walanghiya !.

"Ano bang pinagtatawanan nyo ?" Seryosong tanong ni Ares. Nagplupluck sya ng gitara.

"Yung malupet mong kaibigan! Nambabae ata HAHAHAHA " Tawa ni Sam.

"ANong bago dun ?"

"Nangbababae sya kasi napahiya sya sa ganda ni Selene " Sabi ko .

"Ang lalakas ng tama nyo !" Mahina nyang sabi.

"Hmm. Ares , Bat ang tahimik mo ?" Tanong ko. Natanong ko lang bigla. Madalas ko kasing mapansin yun sa kanya.

"Pinanganak akong ganito.." sabi nya

"Weh ? " tanong ko .

"Yeah~ " yun nalang sinabi nya tas naggitara nalang ulit sya. Tas nagkatinginan kami ni Sam tas natawa nalang ulit kami.

*PHONE RINGING*

Nakita kong may tumatawag sa Cellphone ko na Unregistered Number. Sinagot ko naman..

"Hello ? Sino to ?"

(......)

"Hello ?"

(...............)

"Hello sino ba to ?" Tanong ko. Naiinis na ako ah.

(.......................)

"Alam mo kung wala kang magawa sa buhay mo. Hanap ka ng tulay tas dun ka tumalon Okay ?" Ibababa ko na sana nang sumagot yung nasa kabilang linya

(Ops? )

Ha? Ano bang pinagsasabi neto ?

"Wrong Number ka ata Mister ? Hindi Ops ang pangalan ko . Walang Ops dito. "

(Hindi Ops boses mo yan ee ! HAHAHA Pinagloloko mo ata ako ee . Tsk tsk . )

"Ha ? Nagdudrugs ka ba ?" Tanong ko.

(Ihhh. Ops ikaw nga yan ! Nakalimutan ko na ako ? Ang gwapo ko kaya para lang kalimutan mo -____-)

"Ahhh. Okay ? Sorry pero busy ako ee. And Note this , Hindi Ops ang pangalan ko Utang na Loob. " Sabay baba ko nung Linya.

"Sino yun Heaven ?" Tanong ni Sam.

"Ewan ko din. May pahed ata ee. BAyaan mo na. "

"Anong sabi ?" Tanong ko kay Hell nung nakita ko sila.

"Usual lang parang sa mga pageant lang ang Flow. Basta ganun.." sabi nya. Bat ba ang boring neto kausap ? Masyadong Cold ~~

"Ano Selene ? Ready kana ? Bukas na yun." Sabi ko sa kanya.

"Bahala na. " yan nalang sinabi nya.

"Teka.. Yung Booth pala maayos na " sabi ko kay Hell.

"Oh edi maganda -____- Psh. Makaalis nga muna dito may bubulyhin lang kami. Tabi nga " sabay tulak sakin. Wow ha ! Thank You sa pagtulak.

"WALANG ANUMAN NO ? BWISIT !" Sigaw ko.

~~

"So Selene Ready Kana ba ? Iiwan ka na namin dito kasi bawal na kami dyan. Sa labas nalang kami. Malapit lang kami sa may Stage. ^^" Si Sam. Nandito kami sa Backstage. Ngayon na kasi yung pageant ng gabi since bukas na yung Sportsfest. Ang pagkakaalam ko kasi ngayon yung sa Ms.Campus 2016 tas baka sa 3rd Day ng Sportfest yung Mismong Contest. ANg maglalaban kasi ngayon is By Section tas kung sino ang mananalo sya yung ilalaban sa ibang schools. Bale hindi pa bongga yung ngayon. Pero ang dami pa ding tao. Nagpaparty party na nga dito sa baba ng Quadrangle.

Angel Vs. DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon