Chapter 13 : Dance

2 0 0
                                    

Kanina pa ako nababaliw dito sa table namin. Kasi naman si Eros , Tanong ng tanong sakin ng mga kung ano ano..

"Langit ? Siguro hindi lang make over ang ginawa nyo no ? Nagpaplastic surgery ka din ! AHA !" Sabay turo nya sakin. Napailing nalang ako , Ang lakas ng tama ng isang to.

"Cr lang ako " Paalam ko. Pumunta akong Cr para mag Pee , Kasi naman nakakaihi mga tanong ni Eros. Bwisit na God of Love yun .

Habang nag aayos ako sa harap ng salamin biglang pumasok sina Veronica.

"Look Who's here ?" Sabay ngisi nya. Tiningnan ko sya saka ko din nginisian. "Aba, ang tapang mo na ah ? Umayos lang yang itsura mo akala mo kung sino kana ?"

Di ko sya pinapansin. Bahala syang magsasalita dyan. Mapapagod din yan.

"HINDI PORKET KAPATID KA NI TROY MAGIGING MABAIT NA AKO SAYO ! HINDI KA NAMAN DAPAT TALAGA NANDITO AH ? DIBA ? DAPAT NASA ISA KANG POOR NA SCHOOL! NILIPAT KA LANG DITO KASI KAPATID KA NI TROY !!!"

"Correction lang ah. Nilipat ako dito kasi matalino ako , Walang kaalam alam ang lahat nung simula palang na kapatid ako ni Troy kaya paanong naging sya ang dahilan ha ?" Tanong ko.

"Matalino ? Kaya pala nasa Last Section ka ngayon ?" Nginitian ko sya.

"Nandun ako , Alam mo kung bakit ???..." Ang Sarap inisin netong Lukaret na to ee. "Kasi .. Nandun si Hell " Saka ko sya nginitian at lumabas na ako dun. Err~~ Kinilabutan ako sa pinagsasabi ko ah. Pagbalik ko sa Table Si Hell lang mag isang nakaupo.

"Nasan sila ?" Tanong ko. Tiningnan nya lang ako sandali tas inisnaban na ako. Mamumura ko talaga to. Ang ayos ayos ng tanong ko tas dededmahin lang ako. -___- "Nasan nga sila ???!"

"Nagsasayaw ."

"Ahhh." Yan lang sinabi ko tas yumuko nalang ako. Maya maya may kumalabit sakin.

Makakalabit naman parang manghihingi ng piso.

Inangat ko yung ulo ko tas may lalaking nakalahad yung kamay sakin. Ehh Hindi ko sya kilala ee. Napakunot naman yung noo ko.

"Bakit ?" Tanong ko.

"Pwede kang makasayaw ?" Tanong nya.

"Ako ?" Sabay turo ko sa sarili ko. Ako daw ?? Eeh ? Tumango naman sya saka ngumiti. "Ahhhh... Ano kasi ee.. Ahhh "

"Hep hep tabi ka muna Pre , Kuya muna ang sasayaw sa kapatid ha ? Shupi shoo " sabay taboy ni Kuya sa lalaki. Grabe makataboy parang aso lang . -____- "Manang tara sayaw tayo" di pa ako nakakasagot hinila na agad nya ako .

"Kuya hindi naman ako marunong ee. "

"Wala akong paki. " Nagbored eyes nalang ako . " Manang ngayon lang to kaya pakinggan mo... Ang ganda mo kamukha mo----" Pinutol ko yung sasabihin nya.

"Si mama ?" Tanong ko. Nagulat sya.

"Hindi no. KAMUKHA MO NA ANG GWAPO MONG KUYA !!" Sabay tawa nya. Natawa nalang din ako.

"Arayyyy." Usal ko pagtapos namin magsayaw ni Kuya. Ang sakit ng paa ko. Nagsasayaw na lahat ng tao maliban kay Hell. Nagiinom lang dito sa table. Tiningnan ko sya tas tiningnan nya ako kaya automatic na napaiwas ako ng tingin.

"Ang Gwapo ko ba talaga?" Sabi nya.

"In your face. " sabi ko naman. Humalumbaba na muna ako. " Bat di ka sumasayaw ?" Tanong ko.

"Walang lumalapit sakin.."

"TANGA . Lalaki ang lumalapit sa babae no. Syempre ikaw ang kailangang lumapit sa kanila. Ano ka ? Chicks ?"

Angel Vs. DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon