Chapter 1 : Meet the Cast

17 0 4
                                    

Heaven's POV

"Kuya!!!!!! " Sigaw ko habang pababa ako ng hagdanan ng bahay. Puputok na yung litid ko dito kakasigaw. Nawawala yung Potato Chips ko na nilapag ko lang sa lamesa ko ! At dahil dalawa lang kami dito sa bahay na to .Abat alam ko na kung sino ang salarin.

"Taena Kyla , Ano bayun ?? Ang ingay mo ?" Sabi ni Kuya pagkababang pagkababa ko palang .

"Minumura mo na ako Kuya ???"

"Ano ba kasi yun ?" Sabi nya nang hindi manlang lumilingon sakin.

"Nawawala yung Potato Chips ko sa Lamesa ko !!"

"Ano ngayon ??" Abat. Pumunta ako sa harap nya saka ko sya tiningnan ng masama.

"Ano ngayon ha ? Akin na yan !! " Kinuha ko yung Potato Chips na nilalamon nya !! Kainis !! " Akin na yan ! Magnanakaw ka !"

"Oyy oyy Akin na yan ! Hoyy Manang !!" Sigaw nya pagkakuha ko sa kanya ng Potato Chips. Kawawang Potato Chips. Napakainosente mo pa naman. Tumakbo agad ako papasok ng kwarto ko saka ko sinarado. "Hoyy Manang ,Akin na yan !!!"
q
"Bumili ka ng sarili mo !!"

"Aba't Taena. Akin na yan !! Kuya mo ako kaya sumunod ka sakin !!" Kinakalabog pa nya yung Pinto ko.

"Matanda ka lang ng 5 Seconds sakin noh !!!"

"Wala akong paki. Akin na yan !!! Hoyy Panget !!"

"Kambal tayo kaya panget ka din ! Che manigas ka dyan !!" Sabay suot ko nang Headphones .

Ehem. BTW ako nga pala si Kyla Heaven Gonzales. 18 years Old. Yung Kaninang Makapal ang mukha sya yung Kuya ko. Si Troy Sky Lopez , Nagtataka siguro kayo kung bakit magkaiba kami ng Apelyido ? Apelyido ni Papa yung ginagamit nya samantalang Apelyido ni Mama ang gamit ko. Saka kahit Kambal kami Magkaibang magkaiba kami. Sya ? Hahaha Masakit man sabihin pero Gwapo sya xD Balita ko sa School nya Hinahabol habol sya ng mga Chicks nya KUNO. Samantalang ako ? Nerd , Panget , Mukhang Tae xD Kasi naman wala akong ayos sa sarili. Kung tutuusin para nga kaming hindi magkambal ee. Hayys.

And kung sa Physical Attributes magkaiba kami Aba lalo na sa Ugali. Ako Grade Concious , Tahimik (Medyo) , Lonely , Masipag Mag aral , And Sad to Say Lagi akong binubully. Eh kasalanan ko bang wala akong pakialam sa itsura ko ?? Tapos sya ?? Makulit , Patay Gutom xD , Barambado , Mahilig sa Away , Tarantado , Basagulero Hayy ewan ko ba sa kanya.

Family namin ? Si Mama Namatay actually ang tamang term ata ee NAGPAKAMATAY . Bakit ? Si Papa Nangibang Bahay ee. Iniwan kami Ayun di kinaya ni Mama kaya Nagbigti . Wala kaming kasama kaya kahit Gago si Kuya Mahal ko sya kasi sya nalang kasama ko sa buhay. Mabuti nalang talaga maraming naiwan si Mama na Pera para samin. Hayy.

"Hoyyy ! MA-NANG ! .." Talagang Inemphasize nya pa yung Manang ah. Aish !! Kahit nakaheadphones ako naririnig ko pa din sya ! "Aalis ako , Bahala ka muna dito !"

"At San ang punta mo ha ?" Sigaw ko.

"San ba pumupunta ang mga gwapo ?? Edi sa Bar !!!" Proud nyang sabi.

" Gwapo mo mukha mo ! Magpakalasing ka ah !! May pasok ka bukas !" Sigaw ko.

"Dada ka ng dada para kang pwet ng manok ! Makasermon ka ah ? Para kang si Mama !" Sabay dabog paalis.

"PSH. Kahit kelan di ko gagayahin yung katangahan ni Mama. Di ako magpapakamatay gaya ng ginawa nya " Bulong ko. Sa Sobrang bored ko nagreview nalang ako para bukas. Wala naman kaming Test or Exam pero feel ko lang magreview. Nyahahah xD Sabagay 4th year naman na ako. Kailangan to para sa ikakaunlad ng pilipinas.

Kinaumagahan...

"Oh ? Nandito na pala ang magaling kong Kuya ??" Sarcastic kong sabi. Nakita ko sya sa baba nagkakape habang hinihilot yung gilid ng noo nya. Tiningnan nya ako ng masama.

"Haha nakakatawa " Sagot nya.

"Ano ?? Sakit sa ulo ? Yan kasi Uminom inom ka pa .." pangaral ko.

"Ang mga Gwapo Umiinom "

"Ok fine whatever.." sabay rolled eyes ko. Ang Confident nya kasing Gwapo sya. K Fine ako na panget.

"Umuwi ka ng maaaga mamaya " sabi nya . Nasa Kotse na nya kami . Magkaiba kasi kami ng School na pinapasukan , Same lang kami 4th year pero magkaiba kami ng school. Yung School nya pang Rich Private in short. Yung akin ? Public lang ayaw ko ng Private.

"Opo. Di naman ako katulad mong inuumaga na ng uwi " Sinamaan na naman nya ako ng tingin. "Hahahaha! Ang panget mo xD"

"Gwapo ako Lil' Sis tandaan mo yan"

"Whatever" sabay baba ko sa kotse. Dumiretso na akong room kaso hinarang ako ng teacher namin.

"Ms. Gonzales , Pinapatawag ka sa Principals Office" sumunod naman ako sa kanya. Hala ? Bakit kaya ?

"Good Morning Dean . Bakit po ?" Tanong ko.

"Good Morning din Ms. Gonzales , Didiretsahin na kita .. Nagkaroon kami ng Agreement ng Another School at napagpasyahan namin ang Magexchange Student..." Nagpause sya sandali. "Yung Student na galing dun ay lilipat na dito dahil sa hindi na nya kaya ang Tuition Fee and Dahil sa Magandang School yun Naisip namin na ikaw ang maging Exchange student".

" Ahhh. Okay so hanggang kelan po ako dun ?"

"Youll stay there .....For Good"

"Ahh . Good ...... TEKA ? ANO PO ?" Namamaliktenga ako swear . Good ? As in ? Dun na ako mag aaral ?

"Dun kana mag aaral. "

"Wait ? Bakit po ? Ayaw nyo na sakin ? Anong school po yun ?"

"Aiken University!!" Ayyyyy T*ng ina ! School ni Kuya yun !!! Oh no.

Uwing uwi na ako T.T Nagditch ako sa class ko na never ko pang nagawa in my whole life. Aiken ?? Juskoo. School ng mga Mayayaman T.T Eh sa Dukha at pipitsuging school pa nga lang nabubully na ang beauty ko dun pa kaya na halos Mga dyosa ang mga tao. Ayaw na sakin ng school na yun ? Edi wag !! Kawalan ako ! Tandaan nila yan .. Aisshhh ! Kainis. Sigurado akong pagtatawanan ako ng Magaling kong Kuya. Matagal na nya akong gustong dun na mag aral kaso ayaw ko kaso ngayon ??? Taeng School yun !

"Hoy Manang ?? Anong Itsura yan ??? HAHAHAHA ANG PANGET MO NA NGA LALO KA PANG PUMANGET XD " Tawa nya pagkadating na pagkadating nya palang.

"Ang saya mo kuya ah ??" Sarcastic kong sabi.

"Ano ba kasing problema mo bukod sa itsura mo at ganyan kalukot yang mukha mo ???"

"Naging Exchange student ako.. Ill transfer school ..."

" Oh ano naman ?"

"Sad to say. Sa Aiken ako tinrasfer"

SILENCE

SILENCE

SILENCE

SILENCE

"Talaga Manang ??? Abay Good news "

Anong Good dun ??? T.T I Hate that school.

(Pishurr ni Kyla Heaven Gonzales sa Multimedia. Dyosugh po talaga sya <3 Kang Seulgi ng Red Vetvet )

Vote. Comment. ~~

-oTOR

Angel Vs. DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon