Hi,
Soo, here's my update. I'm so sorry kung naging tokshit ako! Hehe, sorry talaga but I think hindi ko naang ipagpapatuloy ang christmas special nito. Parang tinamad akong gumawa ng special chapters at side stories e. Dinelete ko na din 'yung side story ni Fiella.Sooo, enjoy reading nalang? Hehehe.
TRIVIA: Nakuha ko ang name na Quinn sa kinaaadikan kong laro. LOL yuhuuu!! Hello sa mga naglalaro ng league of legends jan! Kaway kaway naman kayo jan! Hahaha, minsan laro tayo. Normal game lang haha.
(Every update ay maglalagay ako ng trivia about sa characters at sa story. Hahahaha. Wala lang, trip ko lang.)
ANYWAY!
Quinn's POV.
"Mylabs!"
Dahan-dahan kong inilingon ang mukha ko para hanapin ang pamilyar na tinig na 'yon. Hindi ko maintidihan kung bakit pero kahit na pamilyar siya ay hindi ko maalala kung sino ang nagmamay-ari nito.
"Quinn! Baby!" May isa pang boses. Pamilyar din siya. Pero bakit ganun? Bakit hindi ko makilala ang boses na 'yon?
"I'm Ricka Mae Javier. . . It's nice to finally meet you." Isang pamilyar na babae ang lumitaw sa harapan ko. Naka-ngiti ito at naka-lahad ang kamay sa akin.
Nagtataka man ako ay inabot ko ang kamay niya. Pero laking gulat ko ay ng bigla itong mag-laho sa harapan ko.
Gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Napaka-dilim ng paligid ko. Wala akong makita na kahit ano. Tanging puro dilim ang namumutawi ng mga mata ko. Asan ba ako? Anong ginagawa ko dito?
"I still love you. . ."
Ang katagang 'yon. Pamilyar ang katagang iyon. Inilbot ko pa ang paningin ko at nagulat ako ng makita ko ang sarili ko sa isang garden. Pamilyar ang garden na ito.
"I love you too Ricks. Ikaw lang ang minahal ko." Nanlaki ang mga mata ko ng unti-unting luminaw ang imahe ng dalawang tao na nasa harapan ko. Magka-yakap silang dalawa at naka-ngiting magkatinginan.
"Fall?! Fall!! Anong sinasabi mo!? Teka--- Ricka?! Wait!!" Pilit akong nagsusumigaw at gustong-gusto kong tawagin ang atensyon ni Fall.
Nagulat ako ng humarap sa direksyon ko si Fall. May ngisi sa mga labi niya habang pinagmamasdan ako. Maya-maya pa ay humarap siya sa babaeng kayakap niya at nanlaki ang mga mata ko ng halikan niya ito.
Patuloy lang silang naghahalikan sa harapan ko. Habang ako ay naka tingin lang sa kanila. Hindi maka galaw. Walang salita ang lumalabas sa aking mga bibig kahit na ilang beses ko pang gustong sumigaw.
"No!! Fall!! Please!!" Paulit-ulit na sigaw ko sa utak ko.
Ramdam ko na ang pamamasa ng mukha ko. Hindi. Hindi 'to totoo.
Humarap sa akin si Fall at si Ricka. Nakangisi silang naka tingin sa akin. Bakas ang pang-aasar sa mga mukha nila.
"Never akong magkaka-gusto sa'yo. Sa isang katulad mo! Nakaka diri ka!" Biglang sigaw ni Fall at hinawakan ang kamay ni Ricka.
Tumalikod na sila sa akin at naglakad papalayo. Naka tingin lang ako sa kanila. Gusto kong tumakbo at pigilan si Fall sa pag alis niya. Gusto kong sumigaw at sabihing h'wag niya akong iwan. Gusto kong bumalik si Fall at bawiin 'yung sinabi niya.
"Quinn. . ."
Unti-unti kong naramdaman ang isang pamilyar na yumayakap sa akin. Ang pamilyar na boses na'yon.
"Summer. . . Bakit ganun, bakit lumalayo siya? Sino 'yung kasama niya. . ." patuloy lang ako sa pag-iyak habang si Summer ay patuloy sa pagyakap at pagpapa-tahan sa akin.
BINABASA MO ANG
His Soon To Be Hubby (BoyxBoy) #1 +COMPLETED+
Teen FictionHis soon to be Series #1: His soon to be Hubby. (Quinn) [COMPLETED] [EDITED:1 out of 46] BOYXBOY, GAYLOVE, YAOI, BROMANCE STORY! NU'EST FANFICTION!