Chapter 25: You are so beautiful

7.7K 307 6
                                    


Hi,
Dahil natutuwa ako sa inyo. Nakakakilig lang dahil kaka-post ko lang kanina at ngayon ay may 4 votes na agad? Akala ko ay wala nang nagbabasa nito dahil halos 6 months din akong hindi nag update. But now? Ayan! Hihihihihi, thank you talagaaa!! Sana ay h'wag niyo namang kalimutan ang mag comment. Okay demanding na ko. Hahahahahaha. Thankyouuuuuuuuu!!!! 

May tanong po pala ako. Pano po ulit mag add ng youtube dito? Para sa kanta? Mag add sana ko kaso hindi ko makita. Paki-click nalang ng external link later kapag may kanta na hahaha. 

---X 

Quinn's POV

Hindi parin talaga ako maka get-over promise. Hanggang ngayon ay inaalala ko padin ang masasayang sandali ng aking buhay... Charing! Basta ang saya-saya ko at feeling ko talaga ako na ang pinaka magandang nilalang na nabubuhay sa mundong ibabaw. Ako na ang pinaka dyosa sa lahat ng mga dyosa! Tinatalo pa talaga ng beauty ko ang beauty nila Venus Raj! Ang beauty ni Kevin Balot! Pak pak ganern! 

"Quinn dear, h'wag masyadong kabahan. Ang ganda ganda mo pa naman today. I'm sure maiinggit nanaman sayo ang mga kababaihan at ang mga kabaklaan. Maiinlove nanaman sa'yo ang mga kalalakihan. Malay mo ay pati si Fall ay mabihag na ng iyong kagandahan." naka ngising sambit ni Elaine at inayos ang buhok kong may nakaka kabit na extension.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ko sa malaking salamin na nasa harapan ko. Kinakabahan talaga ako! Promise! Hindi dahil sa magpe-perform na kami ngayon sa stage. Kinakabahan talaga ako dahil sa sobrang sexy ng suot ko. Okay lang naman at ilang beses na 'kong nakapag suot ng ganitong damit. Pero, ngayon lang ako magsusuot ng ganito sa harap ng maraming tao. Lalo na't alam kong manunuod si Fall at sila Summer. Juskoo! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko ay nagpapawis na ang buong katawan ko sa sobrang kaba. Baka nga pati singit ko ay nag papawis na e.

"Bakla ka! H'wag kang kabahan gaga! As far as I remember parang hindi ata makaka nood si Fafa Fall mo." 

Bigla naman akong napa lingon kay Fiella sa sinabi niyang iyon. Napa kunot ang noo ko sa pagtataka.

"Huh? Anong sinasabi mo?" sambit ko at muling na upo.

"May naka kita daw kase sa kan'ya kanina. May hatak hatak siyang isang babae. Hays, sinasabi ko na nga ba hindi pa'din nag babago ang ulupong na 'yun e." sambit ni Fiella at nag dikwatro pa. 

Bigla namang nawala ang kaba ko at pakiramdam ko ay nadurog ang puso ko. Napa iwas ako ng tingin at parang any time ay sasabog ang dibdib ko sa sakit. Parang any time ay tutulo ang mga luha sa mata ko. 

Akala ko ba...

Akala ko ba ay nag bago na siya? Akala ko ba ay hintayin ko lang siya? Na akala ko ba ay ayaw niyang sukuan ko siya? Na akala ko ba ay magbabago na siya? Pero bakit? Bakit ganito? 

Ewan ko! Gulong-gulo ang puso ko! Gulong-gulo ang isip ko! Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Shh, h'wag kang umiyak. Sayang ang ganda. Sayang ang make-up. H'wag mo nalang muna siyang isipin Quinn." sambit ni Elaine at napansin kong tinignan niya ng masama si Fiella.

"What? I'm just saying what I heard Elaine. Kesa naman umasa nanaman yang shunga nating kaibigan sa tarantadong Fall na 'yon." Sambit ni Fiella at inirapan pa si Elaine.

Napa buntong hininga ako. "Tama siya Elaine. Sinasabi niya lang naman 'yung narinig niya." sambit ko at pinunasan ko ang mga luhang namumuo sa mga mata ko. "Don't worry, hindi ko sisirain ang performance." sambit ko at tumayo na ako.

Lumabas ako saglit ng dressing room at kinuha ko ang cellphone ko. Agad kong tinawagan si Fall... Pero nakaka ilang tawag na ako ay hindi niya sinasagot. Nagri ring pero hindi niya sinasagot. Kinakabahan na talaga ko.

His Soon To Be Hubby (BoyxBoy) #1 +COMPLETED+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon