Chapter 23:Accidentally Kiss

7.5K 272 12
                                    


Quinn's POV


"San ba kase tayo pupunta?"Nakanguso kong pagtatanong kay Wynter habang tinitignan ko yung labas ng sasakyan.

"Basta nga~"

Napangiwe nalang ako sa isinagot saakin ni Wynter ay hindi nalang ako nagsalita pang muli.Kinuha ko na muna ang cellphone ko at nagsimula nalang akong maglaro ng Candy Crush.

"Andito na tayo....."

Tinignan ko ng masama si Wynter ng magsalita ito at nakakunot ang noong nagtataka na tinignan naman niya ako.

"Bakit?"

"Kung kelan nagsisimula palang akong maglaro!"Sambit ko dito at tinignan ko ang phone ko at lalong napakunot ang noo."Ayan!Talo tuloy."nakanguso kong sambit.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Wynter sa gilid ko pero hindi ko nalang pinansin iyon.itinago ko ang cellphone ko sa loob ng bag na dala dala ko at pagkatapos ay tumingin ako sa labas ng sasakyan para tignan kung saan ako ipinunta ng monggoloid na Wynter na ito.

"Oh?Ba't dito tayo sa bar nagpunta?"Tanong ko sa kanya habang kunot ang noo ko.ngumtiti ito saakin at kumindat.

"Diba sabi mo idolo mo si Melody Park?"Nanlaki ang mga mata ko at tinignan ko siya pagkatapos ay hinawakan ko yung mga braso niya.

"OMG OMG!Don't tell me anjan sa loob si Miss Melody Park?!Omg Omg!"Sigaw ko habang excited na inaalis yung seatbelt ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Wynter na siyang ikinatingin ko sa kanya.Lumabas ito ng sasakyan niya at nakita kong umikot pa ako.napangiti ako dahil sa pagiging gentleman ni Wynter.'Ay?!Kung maka-gentleman naman ako kala mo babae .' Kems.

Bumaba na ako ng sasakyan matapos akong pagbuksan ako ni Wynter.ngumiti pa ako dito at biniro ko siya.takteng to!tawa lang ng tawa sakin.Mukha ba kong clown?!Hmp.salamat siya at dinala niya ko dito para makita ang idolo ko.Pero teka nga!Anong ginagawa ni Miss Melody Park sa bar ng ganitong oras?Si Miss Melody Park ay kilala bilang isang One Of A Kind Model sa Korea at Nation's First Love pa.nakakabighani kase talaga ang beauty niya.Jusko nakakapanlalaki lang ang beauty niya ah.

Naaasar nga ko sa kanila e.One time kase nagdo-drawing ako nun ng mukha ni Miss Melody Park at nakita ito ni Summer at ni Wynter.nagkatinginan pa nga sila at tinanong nila ako kung kakilala ba itong si Miss Melody ang sabi ko sa kanila oo dahil idolo ko ito.tinanong ko kung kilala nila dahil ang tawag nila ay Denise sabi nila oo daw.Pinsan daw iyon ni Fall.edi ako naman ay biglang na excite.sabi ko ipakilala nila ko pero ayaw nila.Kinagabihan nun hindi ko sila pinagpapapansin.

Tapos eto pa.Si Ate Tiffany na siyang kaibigan ni Miss Melody nung nasa korea pa ang mga ito.Si Ate Tiffany ay Step-sister ko close kami kaso feeling niya daw masyado siyang malayo saamin kaya hindi niya kami masyadong kinakausap.Ewan ko nga sa isang yun.kapatid na kapatid naman ang turing ko sa kanya pero parang lumalayo siya saakin.Sabi ko ipakilala niya ko kay Miss Melody pero ayaw niya dahil busy daw ito.

At ngayon?!Eto na ang time ko para makilala at makausap ng personal ang isang Miss Melody park!!Myghad!!

Nagmamadali akong pumasok at syempre pinapasok naman ako nung guard dahil kilala na rin niya ako dahil palagi naman akong napunta dito dahil sinasama ako nila Wynter o di kaya nila Summer.Si Fall nga hindi ako magawang isama dito e.

Sabagay?Sino ba namang lalaki ang isasama ang Fiance niya kapag nambababae siya?Ay sows.Hahaha

"Ba't ba ang ligalig mo ngayon Quinn?!"Napatingin ako kay Wynter at ngumiti sa kanya ng pagkalaki laki

His Soon To Be Hubby (BoyxBoy) #1 +COMPLETED+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon