Chapter 31: I see Fall.

6.5K 244 15
                                    

Hi,
So eto na ang update ko. Hehehehehe, sana ay magustuhan niyo! ^^ Lovelots.
Sana po ay mag comments at mag votes kayo. Tapos ko na 'yung next chapter at dapat ay ngayon ko siya ipo-post. Pero baka mga bukas na para kahit papaano ay may update ako hahahaha. 

VOTE VOTE COMMENT COMMENT PLEASE?! 

TRIVIA: Elaine and Gles is my real friends pero 'yung apelyido nila ay hindi ganun. Kpop fans din sila like me. We're doing a cover group of 4minute. And ahm, remember CJ? 'Yung choreographer nila Quinn nung nagpapratice sila ng sayaw for foundation week? Siya rin ang choreographer namin and. . . friend ko din siya in reak life hahaha.

Quinn.

"Jeez! Ang lamig! Takte!" Nanginig na sambit ni Fiella habang niyayakap ang sarili niya.

Napatawa ako sa kan'ya at napa iling.

"Wait lang natin si David. Malapit na daw siya e." Sambit ni Elaine habang kinakalikot ang cellphone niya. Nanginginig din siya ng konti, pero hindi katulad ng panginginig ni Fiella na halos mukha ng nangingisay.

"Jezaz! Pepektusan ko na 'yang David na 'yan pag dating niya! Kalahating oras na tayong naghihintay sa gitna ng malamig na lugar na 'to!" Inis na sambit ni Akira na ngayon ay mukhang ginaw na ginaw na din.

Napa ngisi ako sa kanila at napa iling. Ang weird naman kase ng mga to. Alam naman nilang winter season ngayon at malamang ay may snow dahil christmas na. Pero ang mga damit na dala at suot at halos puro pambahay na sleeveless, manipis na tshirt. Konti nga lang ang dinala nilang jacket e. Mabuti nalang talaga at madami akong nadalang jackets kaya napahiram ko sila kahit papaano.

Nolalamig din naman ako. But I can handle it tsaka makapal naman ang suot ko kaya kahit papaano ay okay na.

"Miss Elaine?" Napa lingon kami sa isang lalaki at halos malaglag ang panga ko dahil sa kagwapuhang taglay nito.

Narinig ko pa ang pag singhap at ang pag 'omayghad' nila Akirah specially si Fiella. Tinignan ko sila at literal na nakanganga na sila at parang nagsha-shine ang mga mata nila habang tinitignan ang lalaking nakatayo ngayon sa harapan namin at naka ngiti kay Elaine.

"David?" Takang tanong ni Elaine na parang hindi makapaniwala.

"Yes miss. It's me." Sambit niya at inabot ang kamay kay Elaine.

"Omg omg! Binabawi ko na 'yung sinasabi kong babatukan ko siya! Ghad! Ang gwapo!" Malakas na bulong ni Akira na siya namang sinang ayunan nila Gles at Fiella.

"Come on miss. It's getting colder. Let's go." Sambit niya at tinignan muna sila Akira na siyang biglang nag iwas ng tingin habang namumula. "Are they your friend miss?" Tanong ni David habang naka turo kila Akira na siyang mukhang kinikilig na hindi malaman.

"Yes." Simpleng sagot ni Elaine at hinawakan ang maleta niya.

"Oh, come on. They look cold." Sambit ni David at nagulat ako ng napa tingin ito sa akin. Nasa bandang gilid niya kase ako.

Ngumiti siya sa akin na siyang ikinapula ko din. Jusko Fall! I'm so sorry pero mukhang nagkakasala ata ako sa'yo! Alam kong mas gwapo ito kay Fall. Pinagmasdan ko ang buong katawan nito at pinagkukumpara sa katawan ni Fall. Mas well defined ang biceps nito. Mas malaki at mas maganda ang katawan kesa kay Fall. Sa mukha naman ay mas matangos ang ilong nito kesa kay Fall. Pero mas maganda ang labi at jawline ni Fall kesa kay David.

But what attract me the most. . . is David's eyes. Mint green. Ang cool.

"Hindi mo man lang ba kami ipapakilala Leyn?" Tanong ni Gles habang naka turo sa amin.

His Soon To Be Hubby (BoyxBoy) #1 +COMPLETED+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon