Hi,
Eto na po ang update. Thank you for waiting. Pinush ko lang 'to para sa inyo hahahaha.
Dedicated sa'yo thank you sa paglalabas ng feels sa inbox ko hahahaha. ♥♥
Uhm, pansin niyo? Parang mura na ang laman ng bawat chapters? HAHAHA Sorry na! Makasalanan akong tao e. HAHA! Ganyan kase ako mag labas ng galit haha.
HAPPY 600 VOTES AND 12K READS!! THANK YOU! LOVE LOTS!
Last 3 Chapters to gooo! Lovelots♥Quinn:
"Fall---" mahina kong pag tawag sa pangalan niya habang patuloy sa pag tulo ang luha ko.
Sila na ba ulit? Nagka balikan na ba silang dalawa? Paano kami? Ano nang mangyayari sa amin? Sa akin?
Gusto kong tumakbo. . . gusto kong mag tago at hinihiling na sana sa mga oras na ito ay tuluyan na akong mag laho. Na tuluyan na akong mawala sa mundong ito.
Akala ko ay wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman kong physical na sakit ng dahil sa tumor ko. Na wala nang mas sasakit pa sa pag kirot ng ulo ko at ng ilang bahagi ng katawan ko tuwing aatake ng malala ang sakit ko. Pero. . .
Pero. . .
Nagkamali ako. . . mas masakit pala. Mas masakit palang makita mo 'yung taong mahal na mahal mong kahalikan at mukhang muling nakipag balikan sa ex girlfriend niya. . . bakit ganun? Bakit ganito ang sakit? Bakit parang unti-unti akong pinapatay ng sakit na 'to? Nang sakit na idinudulot sa puso ko?
"Quinn---?!" Napa tigil ako sa pag hikbi ko ng mapansin kong tumigil sa pag hahalikan si Ricka at si Fall.
Nanlalaki ang mga mata ko at tatalikod na sana ako ng makita kong naka tingin sila sa akin. Pero pagka hakbang ko pabalik ay bigla ko nalang naramdaman ang pamamanhid ng katawan ko dahilan para ma out of balance ako.
"Ahhh--!!" Sigaw ko at napapikit habang nagpapagulong-gulong ang katawan ko sa mahabang hagdanan ng bahay namin ni Fall.
"Quinn!" Hindi masyadong malinaw sa pandinig ko pero alam kong sumigaw din siya.
Lalo akong napapikit ng maramdaman ko ang sakit sa buong katawan ko at ng ulo ko. Ramdam kong muli nanamang bumabagsak ang mga luha sa mata ko habang tinitiis ang sakit sa buong pagka tao ko.
'Fall--- mapapa saakin kaba ulit kapah nalaman mong nasasaktan ako?' Mahinang tanong ko sa utak ko habang naka pikit at umiiyak.
"Quinn!---shit!"
Idinilat ko ang mga mata ko at natakot ako ng wala akong makita. Nakakarinig ako ng kung anong ingay sa paligid ko at ang pagmumura ni Fall pero wala akong makita. Madilim. Puro itim.
"F-fall??..." Pag tawag ko sa pangalan niya. Maya-maya pa ay napapikit ako ng muli nanamang kumirot ang ulo ko.
Gusto kong sumigaw ng sobrang lakas. Gusto kong isigaw lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pero parang ayaw sumunod ng katawan ko sa utos ng utak ko.
Muli kong idinilat ang paningin ko at bumungad sa akin ang mukha ni Fall. Bakas ang pagaalala sa mukha niya habang tinitignan ako. Napa kagat ako ng labi ko habang tinitignan ko ng malapitan ang mga mata niya.
Ngayon ko nalang 'yun ulit nakita ng malapitan. . .
Ang mga mata ng lalaking pinaka mamahal ko.
"Quinn---Shit! Ricka ready the car. Now!" Gusto kong lingunin si Ricka ng utusan siya ni Fall pero hindi ko magawa.
"F-fall..." Utal kong tawag sa pangalan niya.
Tumingin siya sa akin. Nag aalala siya. Nag aalala siya. . . may pag asa pa ako. May pakeelam pa siya sa akin. Alam kong may pakelam padin siya sa akin.
BINABASA MO ANG
His Soon To Be Hubby (BoyxBoy) #1 +COMPLETED+
Novela JuvenilHis soon to be Series #1: His soon to be Hubby. (Quinn) [COMPLETED] [EDITED:1 out of 46] BOYXBOY, GAYLOVE, YAOI, BROMANCE STORY! NU'EST FANFICTION!