Chapter 21:Brix Santos

7K 287 5
                                    

Quinn's POV

"Okay Good , Break muna ! "  nakangiting anunsyo ni Kuya Brix

napangiti naman kaming lahat at saka umalis sa gitna ng Studio at nagsipagpuntahan sa bawat gilid nito kung saan kami kanya kanyang nagsisipag pwestuhan , Third day na nang Practice namin para sa Foundation week na gaganapin na sa susunod na lunes .

Madali lang naman yung mga Steps kaya hindi ako masyadong nahirapan tsaka magaling magturo si Ate CJ yung nagtuturo sa amin ng Sayaw . Kada galaw nito ay makikita mo ang pagiging mahusay niya sa pag sayaw , ang sexy pa ng dating niya kahit na naka maluwag na shirt siya at jogging pants kada mag papractice kami , akala ko nga nung una Tibo tong si ate cj pero hindi pala .

"Gravity ! NakakaHaggard naman pero nakaka Enjoy " halatang napapagod na sabi ni Fiella habang umiinom ng tubig niya ,

napansin ko naman na may umupo sa may tabi ko kaya napatingin ako dito at sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni kuya Brix .

"Kamusta ? Nag eenjoy kaba dito ? " tanong nito

"Oo naman Kuya , Masaya nga dito eh , Welcome na welcome kami tsaka sobrang babait ng mga tao " sabi ko sa kanya at napatingin sa ibang members ng club na masayang nagaasaran at nagkekwentuhan .

"Mabuti naman kung ganun , tsaka wag mo kong tawaging kuya feeling ko ang tanda tanda ko na " napatawa naman ako sa sinabing iyon ni Kuya Brix kaya tumango tango nalang ako "Okay lang ba kung sasabay ako sa inyo mamaya ?"

"Saan ka sasabay kuya brix ? " nagtatakang tanong ko sa kanya .

"Pagkakain na kayo , para naman akhit papaano makilala ko kayo lalo " nakangiting sabi ni Kuya Brix , agad naman akong napatingin sa mga ngiti niyan iyon .

Tumango tango ako "Ow Sure kuya Brix . "

"Talaga ? "

"Yep " 

...

Matapos naming mag Practice eh napagkasunduan namin nila Fiella na kumain nalang muna sa may Mcdo malapit dito sa School , Syempre isinama ko na rin si Kuya Brix dahil diba nga ? gusto niya daw sumabay sa amin .

Nagulat naman sila Elaine dahil sumama sa amin si Kuya Brix pero si Baklang Fiella Tuwang tuwa at kung makalapit kay Kuya Brix akala mo ay may binabalak na masama sa Tao .

"Ano sayo ? " tanong sa akin ni KuyaBrix ng Makahanap na kami ng Pwesto malapit sa dulo .

"Spaghetti nalang tsaka cokefloat tapos Fries nalang din " sabi ko at iaabot ko na sana yung200 kong buo pero nagulat ako ng tinapik iyon ni kuya Brix kaya napataas ako nang kilay sakanya.

His Soon To Be Hubby (BoyxBoy) #1 +COMPLETED+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon