Chapter 1: Umbrella

41 3 0
                                    

Chapter 1: Umbrella

*drip*

*drip*

Ano ba yan, umaambon na naman. For sure uulan na naman ulit. Buti nalang at may dala na akong payong ngayon. Kahapon kasi nabasa ako sa ulan dahil wala akong dalang payong.

Kaya ayun, inilabas ko ang payong ko. “H’ah, akala mo mababasa mo ako ulit ah.”

Walking distance lang naman yung bahay ko sa school. Kaya nilalakad ko nalang papunta at pa-uwi. Nakakatipid din kasi yun. Tsaka nakaka-exercise din. Safe naman ang dinadaanan ko. Kaso nga lang walang katao-tao ngayon kasi ayun nga, umuulan.

Madulas yung kalsada, pero okay lang kasi sanay naman na ako. Halos every week kasi umuulan saamin eh. Buti nga hindi binabaha ‘tong lugar namin.

Napadaan na naman ako sa playground, ang paborito kong lugar. Hahaha wala lang. Gusto ko kasi palagi dito. Pero uy, don’t get me wrong. Hindi po ako isip bata ah. Tsaka araw-araw nadadaanan ko ‘tong lugar na ‘to.

Pag may problema, dito ako pumupunta. Pag gusto ko ng space, dito ako pumupunta. Pag wala akong magawa, dito ako pumupunta. Kaya naging favorite place ko ‘to. ^___^

Maglalakad na sana ulit ako pero may napansin ako.

O_____O

Eh? Parang may tao sa ilalim ng slide.

Pumunta ako doon. At ayun, meron ngang tao. Lalaki siya, pero di ko makita yung mukha kasi nakatalikod sa’kin. Ano namang ginagawa niya dito? Mag-isa lang siya. Tsaka ang lakas lakas pa naman ng ulan.

Pagkatingin ko sa kanya, halatang-halata na nilalamig na siya. Nanginginig kasi siya eh. Tapos basa narin siya sa ulan. Hala, baka lagnatin ‘to kung di ko siya papasilungin sa payong ko. Kawawa naman siya e.

“Mag-isa ka lang? Sukob ka na dito.”

Lumingon siya sa’kin. Pero naka-yuko siya. “Okay lang ba?”

“Oo, ihahatid narin kita sa bahay mo.”

“Salamat.” Sumukob na siya sa payong ko. Kaya naglakad na kaming dalawa.

“Saan ka nga pala naka—“ Tatanungin ko sana siya kung saan ang bahay niya kaso nag-ring yung cellphone ko. Kaya sinagot ko agad yun. “Hello?”

(Sophia! Umuwi ka na dito! Bilisan mo!)

“P-Po? P-Pero Ma naman…”

(Wala nang pero pero! Dalian mo!)

“B-Bakit niyo po ako pinapauwi ag—”

(Basta! Umuwi ka na dito! Tumakbo ka nalang! May payong ka naman diba?!)

Speaking of payong, napatingin ako doon sa lalake na kasama ko. Nakatingin lang pala siya sa’kin. Hala pano ‘to? Anong gagawin ko? >__<

Kung ihahatid ko yung kasama ko, sesermonan at sesermonan ako ni Mama. Kung kukunin ko naman yung payong ko, magkakasakit siya. At kung iiwan ko naman sa kanya yung p—

Ay oo! Tama! Ganun nalang!

(Ano? Ibababa ko na ‘to. Bilisan mo ha!)

“S-Sige po. Uuwi na po.”

Binulsa ko ng maigi yung phone ko para hindi mabasa. Tapos umalis ako doon sa taas ng payong. “Ahh. Hiramin mo muna yung payong ko ha. Sige, uwi na ako.”

At Your One GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon