Chapter 3: Ngiti

22 0 0
                                    

Chapter 3: Ngiti

[Sophia Lee]

Pagdating namin ni Julian sa room, pinagtinginan kaagad kami ng mga kaklase namin. Pero hindi namin sila pinansin at umupo nalang kami sa place namin. Wala pa namang teacher.

“Sophie, mukhang pinaguusapan kayo ah.” Bulong sa’kin ni Bree na nakaupo narin sa place niya. “Tss, yaan mo na sila.”

“Look! They’re really together!”

“Ew! Feeling close talaga!”

“Kung makalapit naman yung Soapy na yun kay Julian!”

Siniko ulit ako ni Bree. “Huy, anong pinagusapan niyo kanina pagkatapos kong umalis? Sorry pero naiintriga ako sa inyong dalawa eh. Hahaha.” Maka-tanong naman ‘tong Aubrey na ‘to. At ano namang nakakaintriga saaming dalawa ni Julian? >o<

“Ayun, pinagusapan namin yung tungkol sa mga buhay namin sa Korea. Tapos tinanong niya ako kung pwede ko daw ba siya maging kaibigan. Yun lang. Di naman kami masyadong nag-usap eh.”

“O about doon sa friend thingy, anong sagot mo?”

“Syempre pumayag ako. Kawawa naman kasi siya eh. Sabi niya wala pa siyang kakilala dito kasi kama-migrate lang nila last week.”

Napangiti ulit si Bree nung sinabi ko yun. Ano bang problema nito at ngiti ng ngiti kapag nagkukwento ako? Hala, hindi kaya may nakikita siyang iba kaya siya ngiti siya ng ngiti? O___O

“Ahh. Mabuti naman yun. Hahaha. Oo nga pala, diba sabi mo nagkita na kayo last week? Anong nangyari nun? Pano kayo nagkita?”

Sinamaan ko siya ng tingin kasi tanong siya ng tanong. “Ikaw Aubrey ha. Ako ba iniinterview mo? Kulang nalang ata lumabas na tayo sa TV.”

“Sorry naman. Sabi ko nga naiintriga kasi ako sa inyong dalawa.”

“Ano namang nakakaintriga saamin?”

“Eh kasi ang daming nakakita sa inyong dalawa dito kanina. Yung kayong dalawa lang. Balita ko umupo pa nga daw siya dito sa place ko e. Tapos nagtatawanan pa daw kayo. Ayun sabi nila Feeling Close ka daw.”

“Yun ba yun? Sus, ano ka ba Aubrey. Wag ka nalang maniwala sa kanila. Nagpapaturo lang naman ako kay Julian kanina eh. Ikaw kasi ayaw mo ‘kong turuan. -__-“

“Ay ganun ba? Sorry ulit! Hahaha. Pero sagutin mo parin yung mga tanong ko. *O*”

Nubeyen, ang kulit talaga nitong Aubrey na ‘to. Kailangan ko talagang sagutin yung tanong niya ‘no?Kayaayun, wala akong nagawa kundi ikwento ko narin sa kanya yung nangyari last week.

“Yiiieeee. Ang sweet naman nun.” Mahinang sabi ni Bree. Kaya ayun, di ko tuloy narinig. “Anong sabi mo? -__-“ Sinamaan ko ulit siya ng tingin. “Wala. Sabi ko siguro parating na si Ma’am.”

x-x-x-x-x-x-x-x-x

“Aigoo. Kahirap naman nito.”

1pm na ng tanghali ngayon, pero nagsi-uwian na yung mga kaklase ko. Pinadismiss na kami kasi may 4 hours emergency meeting pa daw kasi yung mga teachers namin.

Kagaya kanina, mag-isa ulit ako dito sa classroom. Ginagawa ko na yung homework. Hahaha. Ganito kasi lagi ang ginagawa ko eh. Para sa bahay gawaing-bahay at pahinga nalang.

At Your One GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon