Chapter 2: Friends

29 1 0
                                    

Chapter 2: Friends

[Sophia Lee]

Siniko ako ni Bree at may binulong sa’kin. “Infairness, gwapo nga.” Tumingin ako naman ako sa kanya at nag-lip sync ng ‘Oo na.’

“O sige Mr. Han, introduce yourself at the front.”

Pumunta naman si Mr. Singkit este Julian sa gitna at nagsimulang mag-introduce. “I’m Julian Han, turning 15, Half-Korean. I’m from Seoul High School. I just arrived here at the Philippines a week ago.” Tapos ngumiti siya.

“Kyaaaahhh! Ang pogi niyaaaa!”

“OMG! His voice is so deep! Nakakainloooveee! ♥__♥”

“Ang cute cute niya! ^__^”

“Waaaahh! His smile! ^__^”

“Class! Be quiet!”At tumahimik naman yung mga kaklase kong todo makasigaw kanina. Ang iingay kase nila eh. Hahaha. “Okay Mr. Han, you can now sit down at the vacant seat.”

At ayun, umupo siya doon sa gitnang row. Nandoon kasi yung vacant seat. Pfft, halatang kilig na kilig naman yung katabi niyang babae.

“Ang swerte naman nung seatmate niya.”

“Sana ako nalang yung katabi niya.”

“Tss, kung bakit yung nerdy pa yung naging katabi niya?”

“Sana siya nalang yung naging katabi ko.“ Sinabi yun ni Bree sa sarili niya. Pero narinig ko parin. Aba, so ayaw niya pala akong katabi? Ganun na pala ha?

“So ayaw mo ‘kong katabi? -___-“ Tiningnan ko siya ng masama. So mas pinili pa niya si Mr. Singkit kesa saakin? -___-

“Eto naman. Di mabiro. Naniwala ka naman. Hahaha. Syempre mas gusto parin kitang katabi ‘no.” Inakbayan ako ni Bree. Ngumiti nalang ako sa kanya.

“Ehem. Ms. Andrada and Ms. Lee, baka naman gusto niyong sa labas nalang mag-usap?” Napatingin kaming dalawa ni Bree kay Ma’am. Lagot.

“S-Sorry po, Ma’am.” Sabay sabi namin ni Bree habang nakayuko.

“Sige, last warning ko na yun sa inyong dalawa.”

Tumango nalang kaming dalawa ni Bree. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong napatingin sa direksyon ni Mr. Singkit. Hala, nakatingin pala siya sa’kin.  O//O

At binigyan niya ako ng ‘parang-pamilyar-ka’ look. Binigyan ko naman siya ng ‘oo-nagkita-na-tayo-sa-playground-last-week’ look. Tapos binigyan niya ako ng ‘ahh-ganun-ba?’ look with matching tango-tango pa.

Hahaha. Parang mga adik lang ‘no? Kahit nagtitinginan lang kaming dalawa naiintindihan parin namin ang sinasabi ng isa’t-isa.

Maya-maya, nagbell narin para sa recess.

“Sophieee, tara na sa canteen.”

“Sige Bree, sunod nalang ako. May tinatapos pa ako e.”

“Okay, sunod ka ah.”

Eto kasing seatwork sa Math na binigay saamin napakahirap. Kaya ayun, tinatapos ko. Checheckan daw kasi mamaya. Nagpapaturo nga ako kay Bree kanina kung pano gawin pero di niya daw alam. Sus, bakit tapos na siya ngayon kung di niya alam.

Ako nalang tuloy yung naiwan dito sa room. Ay hindi pala, meron din palang isang naiwan.

Si Mr. Singkit! :D

At Your One GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon