Chapter 6: Phone Call
[Sophia Lee]
Haaaay, ang bilis ng araw. Malapit nang mag-August. Ibig sabihin malapit narin ang birthday ni Julian. Hindi ko tuloy ma-explain ang nararamdaman ko ngayon. Excited na kinakabahan.
Sana magandahan at matanggap ni Julian yung surprise ko para sa kanya. Bastaaaaa! Hindi ko muna sasabihin sa inyo. Basta surprise! ^_____^
Pero wala pa akong naiisip na ireregalo sa kanya e. Hindi ko kasi alam kung anong mga hilig niya. Oo, hindi regalo yung surprise ko sa kanya. Iba pa yun. XD
Anyway, Sabado nga pala ngayon. Kaya nganga lang ako ngayon dito sa kwarto ko. Nagmumukmok at walang magawa. Pinaglalaruan ko lang yung paborito kong ballpen.
E kung mag-mall kaya ako ngayon? Pfft, wag nalang pala. Wala naman akong kasama e.
Si Papa laging nasa trabaho. Masyadong workaholic yun e, pero sobrang sipag naman. Tuwing gabi nalang kami nagkikita araw-araw. Paminsan nga di ko siya nakikita sa isang araw e. Every year pumupunta siya sa Korea para sa business trip.
Syempre di kami kasama ni Mama dun. Kaya gusto ko nga rin sanang bumisita ulit sa Korea e. Kung pwede lang sana. Kahit sandali lang. May mga namimiss narin kasi ako doon. Pero busy kasi ‘tong parents ko e. Kelan kaya ulit ako makakapunta dun?
Si Mama naman workaholic din pero hindi siya sa labas nagtatrabaho, dito sa bahay. Nagbebenta siya ng mga cosmetic and skin products, pabango, bag, at kung ano-ano pa. Marami daw kasi siyang mga ‘kumare’ kaya maraming bumibili sa kanya. Marami siyang contacts.
Kaya ayun, lagi tuloy akong lonely dito sa bahay. T_____T
Si Julian kaya? Ano kayang ginagawa nun ngayon? Heh, mas mabuti pang wag ko nalang siyang istorbohin. Baka busy yun.
Wala akong magawa dito sa kwarto ko kaya binuksan ko nalang yung Facebook ko. Kaso di ko naman makakausap si Julian dito sa FB kasi wala siyang account. Ewan ko ba dun, matagal na daw niyang dine-activate e.
Tiningnan ko yung mga nag-add sa’kin. Hmm… medyo marami-rami din pala. Pero may napansin din ako doon na account naka-Hangul characters.
~ ~ ~
주리안한 | Confirm | | Not Now |
~ ~ ~
“Joo... Ri… Ahn… Han… Hanudaaaaaw?!”
Haaaa? Sino ba ‘to?! Wala naman kasi siyang ka-profile pic profile pic e. Pano ko tuloy ‘to makikilala? >o<
“Ay wait baka L yun hindi R.”
“Joo… li… an… Han…”
“Ju… li… an… Han…”
Napaisip tuloy ako, sino yung Ju-Li-An na yun? Basta Han yung surname niya. Ay teka… “Julian Han?!” Oo! Si Julian nga! O___O
Ni-click ko kaagad yung Confirm. Tapos tiningnan ko sa Chat List kung online…
Offline. =____=
Wala eh. Hindi ko siya makakausap dito. Kaya tiningnan ko nalang yung profile niya. Hahaha. Stalk stalk din pag may time. Joke! Hindi ko iniistalk yung profile niya ‘no! Tinitingan ko lang po.
Tiningnan ko yung mga albums kaso… walang ka-picture picture. Seryoso, wala talaga. Pati cover photo wala. Wala tuloy ako mai-stalk sa kanya. Bago lang siguro ‘tong account na ‘to. Pero ang friends 200+ na. Pano nangyari yun? Siguro maraming nagaadd sa kanya.
BINABASA MO ANG
At Your One Glance
Novela JuvenilSophia Lee is a half-Korean girl and a 3rd year high school student. One day, she met Julian Han, who is also half-Korean. They became friends, then best friends. Of course, they're always together. They always exchange glances with each other. Unex...