Chapter 5: Surprise

13 0 0
                                    

Chapter 5: Surprise

[Sophia Lee]

“Sophia! *knock knock* Oy gising na! Late ka na! *knock knock* Kanina pa kita ginigising e! Bakit ba hindi ka magising?!“

Bigla akong nagising nung narinig ko yun. Ano ba yun? Si Mama ba yung kumakatok? Ba’t naman siya kumakatok? Tsaka anong oras na ba? Ang aga-aga pa naman ata e—

Tumingin ako sa alarm clock sa side table ko. “8:30?! O___O” Luh! Monday nga pala ngayon! May pasok pa ako! Patay ako niyan! Late na ako! Waaaaahh!

Pumunta agad ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo at magbihis, nagpaalam na kaagad ako kay Mama. Hindi na ako nag-almusal. Late na late na kasi ako e. Lagot ako niyan kay Ma’am! >___<

“Oy yung baon mo. Hindi ka rin nag-almusal—“ Hindi ko nalang pinansin yung sinabi ni Mama. “Sige po Ma, alis na ‘ko.”

Tumakbo agad ako papunta sa school. Pero pagdating ko sa gate, hinarang ako nung guard. “Miss, ID mo.” Kinalkal ko agad yung bag ko at pinakita ko yung ID ko. No ID, no entry kasi sa’min.

Tapos tumakbo ako papunta sa room namin. Pagbukas ko ng pinto tiningnan agad ako ng mga kaklase ko at tumingin sa’kin si Ma’am…

“Sophia Lee, why are you late?!”

“S-Sorry p-po.” Nag-bow ako.

“Ms. Lee, July 15 na ngayon. Ang mga estudyante ay hindi na dapat nalelate pagkatapos ng June, or else may parusa sila. Alam mo naman yun diba?”

“Y-Yes M-Ma’am.”

Ganun kasi dito saamin. Pinagbibigyan pa nila yung mga nalelate. Pero nung June lang yun, kasi first month of classes pa lang naman. E kaso ngayon July na e. Waaaahhh. Kung bakit ba kasi hindi nalang nung last month pa ako na late? May punishment tuloy ako.

“Tsaka anong oras na? It’s already 9:30am. You’re 1 hour and 30 minutes late.”  ANO?! 9:30 NA PALA?! Ganun ba ako kabagal tumakbo?!

“S-Sorry talaga Ma’am. Hindi na mauulit.”

Hindi ko namalayan nakatingin lang pala sa’kin yung mga kaklase ko. Tapos yung iba nakita kong nagbubulungan. Tss, edi pag-bulungan nila ako. Wapakels ako sa kanila. =o=

“Okay. You’re reported as 2 days absent on the class attendance. That’s your punishment. Sige yun lang, pwede ka nang umupo. Time for your next subject. Goodbye class.” Umupo ako doon sa place ko tapos lumabas na si Ma’am.

Haaaayy. Buti nalang at yun lang yung punishment. Pero malaking bagay din yung 2 days absent sa attendance ko ah. Bawas grades parin yun. Opo, hindi na po mauulit.

Bakit nga ba ako na-late nagising? E kasi ang hirap hirap kaya nung homework na binigay saamin nung Friday. Pag pasensiyahan niyo na po ako, lagi kasing homework ang problema ko e. Lalong-lalo na sa Math. T___T

*RECESS

Kalalabas ko lang ng classroom nang biglang may humila sa’kin. O___O

“Kaja.” (Tara.)

“Aigoo. Ikaw Julian! Ginulat mo ‘ko.”

“Sorry naman. Hehehe. ^___^v” Tumawa siya at nag-peace sign. Nagpapacute na naman. Oo na, cute na nga siya. Di na niya kelangan magpa-cute. =o= “Neo! (Ikaw!) Pa-cute ka ng pa-cute! Tara na nga!”

At Your One GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon