Chapter 4: Little Sister (Part 2)

31 0 0
                                    

Chapter 4: Little Sister (Part 2)

[Sophia Lee]

“Oppa! Siya yung kinukwento ko sayo! ^___^” So magkapatid pala sila ni Julian. Si Julian pala yung Kuya ni Angela. What a small world. >__< “S-Siya? Si Sophia?” May pagka-utal na tanong ni Julian.

“Ahh siya pala si Sophia! Yung ka-text mo kanina! Oppa, siya rin yung mabait na Unnie na kinukwento ko sayo noon. ^O^” Kelan pa natutong mag-Tagalog ‘tong si Angela? Alam naman pala niya mag-Tagalog eh.

“Hahaha. Unnie, sabi ko nga, nae oppa-reul wihae jowayo.” (Gusto po kita para kay Kuya.)

“Keunde, keunyeo-neun keunyang nae chingu-ya.” (Pero kaibigan ko lang siya.) Napatingin naman ako kay Julian nung sinabi niya yun. Tapos tumingin ulit ako kay Angela. “Oo Angela, magkaibigan lang kami. Hahaha.”

Ang kulit din kasi nitong batang ito  ‘no? Magkaibigan lang nga kasi kami ni Julian. Hanggang mag-best friends lang po kami. Impossibleng mapunta kami sa doon sa ‘alam-niyo-na’ stage.

Pero impossible nga ba talaga?

Ay ewan! Basta! Oo impossible nga talaga! Hanggang mag-best friends lang! Okay?! >___<

“Ah. Geuraeyo?” (Ah. Ganun po ba?)

“Ye. Anyway. Sophia, gusto mo bang mag-ice cream muna?” Ice cream? Parang gusto ko yun ah. Mahilig kasi ako sa ice cream eh. *O* “Na! Na oppa! Na ice cream jowa!” (Ako! Ako Kuya! Gusto ko ng ice cream!)

Napangiti naman ako doon. Ang cute cute talaga ni Angela. Kahit nung unang pagkakita ko pa lang sa kanya na-kyutan na ako sa kanya. Nag-mana yata kasi sa Kuya eh. Hehehe. ^___^

“Oo. Oo. Bibilhan kita. Pero si Sophia ang tinatanong ko hindi ikaw, arasseo?” (Understand?) “Ne.” (Yes.) Sabay yuko ni Angela.

“Sige. Punta na tayo doon sa ice cream-an.” Meron kasing ice cream-an malapit dito. Pumupunta pa nga ako palagi doon eh. Kaya lagi akong nakakakain ng ice cream. ^____^

Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa ice cream-an, agad tumakbo si Angela papunta doon sa mga pagpipilian ng mga ice cream flavor.

“Yah! Hintayin mo nga lang muna kami!” Pero hindi pinakinggan ni Angela yung Kuya niya. Turo lang siya ng turo. “Oppa! Gusto ko nito, ito, ito, tsaka ito! *Q*”

“Heh, isang flavor lang. Ikaw talaga. Turo ka ng turo.”

“Eeee. Gusto ko lahat eeee.”

“Ang takaw mo talaga.”

“Oppaaaaa. Jebal?”

“Shireo.” (Ayoko.)

“Jebaaaaal? *pout*

“Tss, kulit mo. Sige na nga. Pero dalawang flavor lang.”

“Yeeeeyy! Okaaay! ^O^”

Ngumiti nalang ako. Ang cute cute talaga nitong dalawang ‘to. Masarap nga talaga ang feeling kapag may batang kapatid ka. Bakit ba kasi hindi ako nagkaroon ng kapatid? Opo, only child lang po ako. =o=

Tumingin sa’kin si Julian. “Sophia, sorry kung masyadong makulit yung kapatid ko ah? Ganyan lang talaga yan e.” Okay lang kahit makulit, cute naman. ^___^ “Okay lang yun ‘no. Swerte mo nga may kapatid ka. Hehehe.”

At Your One GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon