Chapter 4: Little Sister (Part 1)

20 0 0
                                    

Chapter 4: Little Sister (Part 1)

[Sophia Lee]

*ring ring*

1 new message from Mr. Singkit!

Bakit kaya ‘to nag-text? Nagtataka ba kayo kung bakit yun ang pangalan niya dito sa cellphone ko? E sa gusto ko e. Ang cute kaya kapag ganun. Hahaha. ^____^

~ ~ ~

From: Mr. Singkit

Hi Sophia. Kita tayo sa playground mamayang 3. Hehehe. :)

~ ~ ~

To: Mr. Singkit

Okay! :) Ano gawa mo ngayon? :DDD

~ ~ ~

From: Mr. Singkit

Eto kasama ko kapatid ko ngayon. Gusto niya daw ng kalaro eh. Hahaha.

~ ~ ~

To: Mr. Singkit

Wow, may kapatid ka pala. Pwede mo ba siyang isama mamaya? Gusto ko siyang makilala. :)

~ ~ ~

From: Mr. Singkit

Okay daw sabi niya. Binabasa niya kasi yung text convo. natin ngayon. Ang chismosa niya ‘no?

~ ~ ~

To: Mr. Singkit

Hahaha. Okay lang yun! Basta gusto ko siyang makilala. :D

~ ~ ~

Nagulat ako ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. “Sophia. Kakain na.” Si Mama lang pala yun. “Sige po Ma. Susunod na po.”

[Julian Han]

“Oppa, nuguya?” (Kuya, sino yan?) Si Angela nga pala nagsabi niyan, nakababatang kapatid ko. 9 years old. “Sophia nuguya?” (Sino si Sophia?) “Nae chingu.” (Kaibigan ko.)

Ka-text ko kasi si Sophia ngayon. Eto namang batang kapatid ko tinitingnan yung text conversation namin ni Sophia. Wala kasi kaming pasok ngayon. Sabado kasi e. Kaya free day namin ngayon. ^___^

“Oppa, gusto niya akong makilala! ^___^”

“Oo. Kaya sasama ka sa’kin mamaya ha?”

“Eodiyo?” (Saan po?)

“Playground.”

“Playground? Waaaahh. ^O^”

Ang kulit talaga nitong kapatid ko. Hahaha.

Pagkatapos namin mag-usap ni Sophia sa text, naglaro ulit kami ni Angela. Kawawa rin kasi ‘tong kapatid ko eh. Wala siyang ibang kalaro kundi yung malaking teddy bear lang niya. Busy din naman kasi lagi yung parents namin.

Pumasok narin ‘to sa school nung Monday, sabay kaming pumasok. Pero ewan ko lang kung may kaibigan na siya. Buti nalang ako meron na, si Sophia. ^___^

Naging masaya naman yung 1st week ko sa school. May mga naging kaibigan rin ako sa mga kaklase ko. Pero si Sophia talaga yung pinaka-close ko.

Dalawang linggo pa lang kami magkakilala pero pakiramdam ko parang ang tagal tagal na namin magkakilala. Ewan ko ba kung bakit.

At Your One GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon