KABANATA 1

25 0 0
                                    

Taas Noo akong naglakad papunta sa resto ni Nyla. She's my bestfriend since i studied college in New York. Siya yung tumulong sakin na makalimutan lahat, Siya yung tumulong sakin pag nahihirapan ako sa mga subjects doon. Pareho kaming kinuha nang kurso ni Nyla kahit hindi ako mahilig magluto. Nang nagtapos ako agad akong pumunta sa france para puntahan yung daddy at mommy ko. May companya kasi kami dun.

Pagpunta ko dun agad akong pinauwi dito sa pinas ni Daddy at first ayaw ko pero nung nalaman kong akin na ang Companya ni daddy dito sa pinas hindi na ako nag dadalawang isip na hindi ako uuwi. Sikat kasi ang companya namin. Kasali kami sa TOP 10 na mayaman na sa pinas. Kaya kahit ni isa walang makakapalag samin.

Back sa nangyayari ngayon, Agad akong binati nang Mga receptionist alam na alam na nila talaga kung sino ako. hindi ko lang sina pinansin. Umupo na ako sa Table na talagang para sakin lang at walang ibang nakakaup dito dahil palagi itong reserve kahit hindi ako masyado pumupunta dito.

Nakita ko naman agad si Nyla na papunta palapit sakin nakangiti pa talaga ang gaga ha? Ano ba namang hangin na pumasok dito?

" baliw kaba? " sabi ko nang umupo na siya sa harap ko.

" Oo baliw na baliw kay Dylan. " Sabi nya at kinilig pa ang gaga.

" Tss. " yun lang yung lumabas sa bibig ko at inirapan ko lang siya.

" Naparito ka? miss mo ko no? "  tanong nya at tinaas baba pa yung kilay nya.

" Yuck. ang pangit mo! Psh, ikaw? mamimiss ko? Isaksak mo sa baga mo wag ka masyadong feeling. At isa pa, hindi ba pweding maparito ang maganda mong kaibigan? "

" Tell me what happened." diritsong tanong niya.

Oh dba? Deretso niya nang alam na may nangyari talaga, alam na alam niya talaga kung kailan badtrip ako. kung ganun ako makapagsalita sakanya alam niya talaga badvibes ako.

" Nakita ko si martha at ang fcking ex ko. " naiinis kong sabi.

Nalaglag naman ang panga niya.

" So yan lang reaction mo? Nganga? " at inirapan ko lang sya.

" hindi kase eh, uhmm.. eh bat naiinis ka kung nakita mo sila? " Natatawang tanong naman nitong bugok.

" Hindi ako naiinis na nakita ko silang dalawa, naiinis ako dahil sinubunutan lang naman ako nang malanding babaeng iyon. tangina! Buti nalang talaga maganda parin ako. "

" Tss. aminin mo nalang kaya na hanggang ngayon nagseselos ka sakanila? what i mean, hindi kalang dun naiinis kay martha kundi sa ex mo din kase nakita mo ang pagmumukha nila? "


" Hello? Ako magseselos? sa putang inang mga leche na yun? Pwede ba Nyla! 5 years ago na ang nakalipas. at ikaw na mismo tumulong sakin paano makalimot sakanila. Psh. "

" Oo nga, ako nga ang tumulong sayo pe-- " Maysasabihin pa sana sya pero pinigilan ko na siya.

" Pakainin muna nga ako. hindi ako nagpunta dito para makipagkwetuhan sayo nyan nagpunta ako dito para kumain. Serve my favorite lasagna."

" uh okay, Pssst? Clark serve our best lasagna." Sigaw nya dun sa waiter niyang subrang pangit.



Tsk. Simula palang yun sakanila kanina.




Simula palang..

MS. REVENGE (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon