SAM'S POV
Yess! Bukas na kami magkikita ni Ziara. sa wakas! excited na akong makita siya ulit. Mabuti naman at pumayag na din siyang makipagkita sakin. May mga pasalubong akong dinala sakanya galing cebu. sana magustohan niya.
Monthsary namin ngayon ni Miko. Naghihintay ako na magonline siya sa skype. nagusap nadin kase kami kagabi na mag icecelebrate namin yung monthsary namin sa skype. Miss ko na siya, miss ko na yung mga jokes niya, yung mga ngiti niya, yung mukha niya, at subrang miss ko na ang mga araw na magkasama lang kami palagi. Nakakalungkot isipin pero kailangan ko din magtrabaho dito, wala kasing kumukuha sakin dun sa cebu kung meron man hindi ako nagtatagal dahil sa maliit na Sweldo. Okay naman yun si Miko eh dahil mayaman sila. Yung katapid niya lang na si kenneth ang nagpapatakbo nang companya nila na iniwan nang mga magulang nila nung pumanaw na ito.
Actually, hindi ako tanggap nang pamilya niya. Sinisi ko nga yung sarili ko noon bakit nawala ang magulang niya. Ayaw kasi ni Miko kay Amelyn, si amelyn ang babaeng gusto nang magulang ni miko para sakanya pero mas pinili ako ni Miko. Ayun, pagkalipas nang tatlong buwan pumanaw ang mama ni miko at sumunod naman ang papa niya na may cancer. Masakit din yun dahil ako yung sinisi ni kenneth at ni Amelyn pero kahit ni isa hindi ako sinisi ni Miko. Pinaglaban parin namin ang pagmamahalan namin at kaya nga hanggang ngayon matibay parin ang relasyon namin.
Ilang Oras na ang nakalipas wala parin akong natanggap na tawag galing kay Miko, busy sguro yun. Tsk.
Napagisipan ko nalang na pumunta sa malapit coffeshop dito sa Subdivision. Dun nalang muna ako habang maghihintay kay Miko. nagbihis na ako at umalis na nang bahay. actually ako lang magisa sa bahay, si Kuya chris at si Riley parehong wala kasi busy sa trabaho nila. Nagleave nalang ako nang text saknila at naalis muna ako.
--
Isiah's coffe shop..
Nasa coffeshop na ako ngayon. Umupo na ako at tumawag nang waiter at nagorder na ako. Pagkatapos nun nilabas ko ang Laptop ko baka kasi tumawag na si miko pero hindi parin.
Ang busy nya masyado ngayon ah, ano kaya ginagawa ngayon nun?
SYMON'S POV
Nasa coffeshop ako ngayon ni Isiah, si Isiah ang Bestfriend ko. Half british siya. Mas matanda siya sakin nang Isang taon. Nagkakilala kami nung may Shoot ako sa Brazil bestfriend kasi sila nang assistant ko kaya ayun nagkakilala kami.
Umamin na ito si Isiah sakin na gusto nya ako pero hindi pwede maging kami dahil Kaibigan lang talaga ang tingin ko sakanya. naintindihan nya naman. Pero ngayon may boyfriend na siya, Kasama ko sa modelling dun sa France.
Marami na nang nagtaka bakit hindi ko niligawan si Isiah bukod naman daw ito ay maganda, mabait at masekaso padaw. Hindi ko naman din masisi sarili ko kung ayaw ko dba? kung dun lang talaga ang pagtingin ko sakanya. Inaamin ko, mahal ko siya pero bilang kaibigan lang talaga.
May mahal na kasi ako eh, pero sinayang ko lang siya...
" Anong gusto mo? " nakangiting tanong ni Isiah sakin nang umupo siya sa tabi ko.
" Wala.. Napapunta lang talaga ako dito para kamustahin ka. " sabi ko at ngumiti.
Nginitian lang din niya ako, "excuse me muna Sy ha? punta lang muna ako sa washroom. " sabi niya sabay tayo, tumango lang ako.
Dahil naiwan akong magisa tumingintingin nalang ako sa paligid. wala naman din akong magawa habang naghihintay kay Isiah. Kinuha ko yung Cellphone ko nang biglang tumugtog yung theme song namin ni Sam sa radio sa Loob nang coffeshop
" Sa tuwing tayo'y magkakalayo
Hindi matahimik ang puso ko
Bawat sandali hanap kita
'Di mapakali hanggang muling kapiling ka.."ang baduy pakinggan pero ang bilis nang tibok nang puso ko. Napatingin ako sa palibot nang napunta ang dalawang mata ko sa isang table na may nakaupong babae na kamukha niya si Sam, Wait ano?
Si... Sam
" Dahil kung ika'y makita na
Labis labis ang tuwang nadarama
Magisnan lamang ang kislap ng iyong mata
Kahit ano pa ay kakayanin ko na.."hindi ko alam kong masaya ba akong makita siya ulit. ang laki nang pinagbago niya, Gumanda siya lalo at Pumuti siya. Mahaba na ang kanyang buhok at medjo may kulot ito sa ibaba. nakita ko yung reaksyon niya, sguro dahil dun sa music na pinagtugtug..
" Basta't kasama kita Lahat magagawa
Lahat ay maiaalay sa'yo Basta't kasama kita
Walang kailangan pa Wala nang hahanapin pa
Basta't kasama kita... "Nang sa chorus na nang kanta ay agad siyang tumayo at nagmamadaling sinarado yung laptop niya at naglakad na siya palabas sa coffeshop pero napigilan siya, nakatingin siya sakin. Namilog yung mata niya pagkakita sakin, Nakikita ko sa mga mata niya yung sakit na pinadama ko saknya makikita ko sa kanyang mga mata kung paano ko siya winasak noon.
Umiwas siya nang tingin sakin at tuluyan na siyang lumabas, Napatayo ako at lumabas sa coffeshop, hinabol ko siya. nakita ko siyang nagmamadaling naglakad.
" Sam, teka lang... " sigaw ko habang hinahabol siya, ang bilis niyang maglakad. Hindi pa din siya nakinig sakin at patuloy parin siyang naglakad, " sam teka lang.. magus-- " napatigil ako nang hinarap niya na nga ako..
" Ano ba Symon! " Sigaw niya sakin. natahimik kami. Napabuntong hininga ako bago nagsalita, " sam.. sorr-- "
" sorry? ngayon kapa nagsosorry na tapos na? nangyari na? " Galit niyang sigaw sakin, natahimik naman ako.
" oh ngayon? hindi ka makapagsalita kasi totoo dba? Dba?" dagdag niya, " alam mo symon, ang kapal nang mukha mo para humarap ulit sakin. mahiya ka naman! " sabi niya at tuluyan na siyang naglakad palayo sakin. Tinignan ko lang siya haggang nawala siya sa paningin ko..
Hindi ko namalayan...
unti unti na palang tumulo yung luha ko...
oh shit!
--
sorry late yung UD guys hihi :*
- bhiancaxoxo
BINABASA MO ANG
MS. REVENGE (Short story)
Short StoryPaano kung ang dating mabait at simpleng babae ay tuluyan mabago? Ako si ZIARA BIANCA OLIVAR, at handa na akong maghiganti. (evil grin)