SYMON'S POV
Laking gulat ko nang marinig iyon galing kay Ziara. She's back. yung babaeng sinaktan ko. Hindi ako umimik nang sinabi iyon ni Ziara sakin. Napatingin ako sa malayo.
Nanghihinayang ako ngayon, malaki ang pagsisi ko nang iniwan ko siya. Masakit din pala. Pero hindi naman iyon mangyayari kung hindi sa isang gagong lalaking katulad ko.
" Oh? natahimik ka? bakit? nanghihinayang kana ngayon? " taas kilayng sabi ni Ziara sakin.
Napainom ako sa coffe na inorder ko. Hindi parin maalis sa isip ko na nandito na siya ulit. hindi ko alam kong ano tong nararamdaman ko, nahihiya ako? naghihinayang? naguguilty? nagagalit sa sarili ko? o nasasaktan ako dahil nagawa ko iyon sakanya? pero ang kapal nang mukha kong masaktan, ako na nga yung nangiwan ako pa yung nasasaktan? aish! pwede naman siguro yun dba? nasasaktan din ako dahil baka mahal ko pa siya, pero hindi... kung mahal ko paman siya, pipigilan ko. ayaw ko na siyang masaktan pa nang dahil lang sa tarantadong katulad ko. shit.
" Hoy! bwesit ka. kanina pa ako nagsasalita tapos hindi ka nakikinig? " gulat na sabi ni ziara.
Nandito pa pala ang gaga." Nagiisip pa ako. " yun lang yung lumabas sa bibig ko.
" na makuha siya ulit? kung paano ka magpapaliwanag sakanya? o kung paano humingi nang patawad sakanya? alam mo wala kanang mapalala gago! 2 years na ang nakalipas, late kana. " rolling eyes na sabi ni ziara. napatingin nalang ako sa malayo. ewan ko, naguguilty talaga ako sa mganagawa ko.
fuck.
SAM'S POV
Masaya kaming nag shopping ni Riley sa mall, wala si kuya chris dahil pumunta siya sa baguio kasama bagong teammates niya sa companya na trinatabahuan niya. May three days na pahinga si Riley kaya napagisipan namin lumabas at mag shopping.
" Bagay sayo yan Sam. mukha kang anghel. " Napangiti ako sa sinabing yon ni riley.
sinout ko ngayon yung white plain dress na hindi lang siya bastabasta white plain dress. Maganda siya dahil may maliit na detail sa gilid nang dress. Pagkatapos ko iyong itry ay hinubad ko na yun at bumayad na sa counter.
" ang ganda ko talaga pumili hahaha, punta tayo sa H&M marami dun.. " hindi pa ako nakapagsalita hinila na ako kaagad ni Riley patungo sa H&M medjo mamahalin dito, hindi lang talaga medjo kundi mahal. halos mga dmait ko lang ay sa forever 21 at mga maliit lang na botique na makikita ko.
" Ang mahal dito ri. " sabi ko.
" i got this. " sabay wink niya sakin. Hindi nanaman ako nakapagsalita dahil hinila niya na ako papunta sa fitting room. hindi ko namalauan may nakuha na pala siyang nga damit. Ang bilis naman!
sinout ko na yung kinuha ni riley na damit, isang colored pink dress, marami siyang details sa ibaba at medjo makintab kintab ito. Nang sinout ko na agad kong binuksan yung pinto sa fitting room nakita kong nalaglag ang panga ni riley.
" oh my gad saaaam! ikaw ba yan? " namamanghang sabi ni riley.
" Ay hindi. " supladong sabi ko. Natawa nalang siya at lumapit sakin.
" Bilhin nanatin to sam. ako na bahala. "
tinignan ko yung price nang damit. Ang mahal, mahigit sa 2K yung damit. anong klasing dress ito? Hindi ko naman masisisi maganda naman ito.
" Ang mahal ri, sa susunod nalang wala na akong pera. "
" ako na nga bahala sam. wag muna aalahanin. " Naka ngiting sabi niya. Tumango nalang ako, " salamat ri. " tumango lang din siya at ngumiti.
Nagpalit na ako nang damit at binayaran na ni Riley ang damit. Lumabas na kami sa H&M.
" Mcdo tayo. " malapad na ngiting sabi ni riley sakin. At dahil matagal na din akong hindi kumakain sa mcdo ay umo-o na ako. minsan lang kasi ako nakakain nang mcdo sa cebu dahil nagtitipid ako para makapunta na dito sa manila at maghanap nang trabaho.
Pumunta na kami sa mcdo at nagorder na si Riley. Umopo lang ako sa isang seat na good for two. wala na kasing ibang vacant. Dumating na din si riley at yung order namin at kumain na kami.
" Kamusta si Lola gresya dun Sam? " biglang tanong ni Riley.
" ganun pa din, wala naman nagbago pinapagalitan pa din ako. "
" haaay masanay kana talaga sam "
" sanay nanaman talaga ako eh. "
" hmm kayo ni Miko? kamusta kayo? "
napatingin ako sakanya at ngumiti. napatingin din sya sakin
" oy oy oy! kinilig siyaa hahaha " pangaasar sakin ni riley. natawa lang ako. Hindi ko mapigilan ngumiti eh pagdating kay miko.
" Hindi kase eh, masaya lang ako pag siya yung topic. "
" Masaya din ako kasi pinasaya ka niya kung malungkot ka. "
" Oo nga eh, malaki ang pagsasalamat ko na nandyan lang siya palagi para sakin. " hindi ko mapigilan ngumiti nang sinabi ko iyon.
" ehh kinikilig ka talaga ah. " natawa nalang kaming dalawa.
natahimik naman din kami nang ilang segundo.
" Alam mo ba yung balita balita dito.. "
" na ano? " sabay inom ko sa coke float ko
" si symon ay isang sikat na modelo na .. "
Natahimik akong nakatingin kay Riley. Hindi ko alam pero may biglang kumirot sa puso ko, bakit haggang ngayon nasasaktan pa ako? Hindi naman dapat ganito eh. Hindi naman siguro lahat nang nasasaktan pa ay mahal pa niya, siguro malaki lang yung impact para sakin ang nangyari samin. Hindi na ako umimik at kinain na yung sundae..
" Hmm okay kalang ba sam? " tanong ni riley.
" Ah... o-oo o-kay lang.. hehe " pilit kong ngiti pagkasabi nun.
Bumalik sa alaala ko yung nangyari samin, ang pait, ang sakit padin pala. di kaya?pero hindi, hindi ko na siya mahal, may iba na akong mahal ngayon. Si miko,
si miko lang....
••••
[A/N]
maliit lang po ito guys, sorry po kung dalawa yung lalabas na Kabanata 8 yung isa po kulang sa last at yung isa naman po completo.
sorry po talaga. hindi ko alam paano po yun mawawala
kung alam niyo po paano patulong nalang po. comment lang po kayo :))
hihihi salamat :*
-bhiancaxoxo
BINABASA MO ANG
MS. REVENGE (Short story)
Short StoryPaano kung ang dating mabait at simpleng babae ay tuluyan mabago? Ako si ZIARA BIANCA OLIVAR, at handa na akong maghiganti. (evil grin)